Lahat ng Kabanata ng My Bestfriend's Enemy: Kabanata 51 - Kabanata 60
81 Kabanata
Chapter 51
WALANG ibang kailangan si Lance sa kanyang buhay kundi si Jillian kaya naman hindi na rin niya napigilan ang sariling tugunin ang halik nito. 'Yun naman kasi talaga ang gustung-gusto niyang gawin. Ang matikman muli ang matamis nitong labi. Sa loob ng limang taon ay naging tapat siya sa alaala nila ni Jillian. Wala siyang ibang gustong mahalikan, mayakap at makasiping kundi si Jillian lang. Kaya ngayong binibigyan na siya nito ng pagkakataon na maulit iyon ay gusto na niyang sunggaban. Pero, hindi pwede!Hindi niya pwedeng kunin ang bagay na hindi kanya. Lalaki rin siya kaya alam niyang magiging napakasakit kay Mark Wayne kapag inangkin ng ibang lalaki ang misis nito. Misis nito, sarkastikong sabi niya sa sarili. 
Magbasa pa
Chapter Fifty Two
"BULLSHiT!" hindi na nagawa pang ituloy ni Bianca ang pagbabasa ng report ng sabihin ng inutusan niyang imbestigador na alamin ang lahat tungkol kay Jillian Cordova Toledo. Bigla kasing nayanig ang kanyang mundo nang sabihin nitong nagpapagamot sa isang urologist si Mark Wayne Toledo. Kung may diperensya kasi ang pagkalalaki nito, paano ito magkakaanak?Ang agad na pumasok sa isip niya'y hindi ito ang tunay na ama ng anak ni Jillian at ayon sa imbestigador niya, si Lance lang ang naging boyfriend ng babaeng iyon. Ngayon niya naintindihan ang dahilan kung bakit may kaba siyang naramdaman nang makita niya ang mga ito sa Kingdom of Fun. Si Lance pala talaga ang tunay na ama ng batang iyon. Para tuloy gusto niyang hagilapin si Mark Wayne Toledo para tanungin kung totoo nga bang anak ni Lance and anak ng babaeng iyon kaya lang naisip niyang hindi naman niya ma
Magbasa pa
Chapter Fifty Three
"HINDI na ba tayo mahal ni Mommy, Daddy?" Ang isang dahilan kaya ayaw ni Mark Wayne na umuwi sa bahay ng hindi umiinom ay dahil ayaw niyang matanong siya ni Apple ng ganito. Kahit naman kasi maglilimang taong gulang pa lang ito ay matalino na ito. Gusto sana niyang sabihin na mana ito sa kanya pero wala naman siyang amnesia para makalimutan niyang si Lance ang tunay nitong ama. Gayunman, sa palagay naman niya ay wala sa dugo ang pagiging ama kundi sa puso at gawa. Maaari ngang si Lance ang tunay na ama ni Apple pero mula ng ipinagbubuntis ni Jillian si Apple hanggang ngayon ay siya na ang kasama nito. Umaasa siya na kahit na anong mangyari ay iyon ang nakasaksak sa isipan nito ngunit bakit hanggang ngayon ay wala pa ito. Kilala niya si Jillian. Kung ayaw nito ang isang bagay ay hinding-hindi ito mapipilit. Gagawin nito ang lahat ng paraan para makatakas pero, bakit hindi nito ginawa? Marahil, dahil mahal pa rin nito si Lance. Nah,
Magbasa pa
Chapter Fifty Four
"TALAGANG tayo lang ang tao sa Island na ito?" manghang tanong ni Jillian habang nililibot niya ang tingin sa paligid. "Yes," wari'y proud namang sabi sa kanya ni Lance. "Binili ko talaga ito para sa ating dalawa."Kumunot ang noo niya. Of course may kilig siyang naramdaman sa sinabi ni Lance. Kaya nga ang lapad ng ngiti niya kanina pero binura iyon nang mapagmasdan niya ang hitsura ni Lance. Ang lungkot-lungkot ng mga mata nito na para bang ang bigat-bigat ng dinadala. "Lance..."Tumingin ito sa kanya. "I love you.""I know," wika nito. "Wala man lang I love you too?" nagtatakang tanong niya rito. Kahit tuloy palagi naman nitong sinasabi sa kanya na mahal siya ay gusto pa rin niyang marinig iyon pero ngayon ay parang nahihirapan si Lance na sabihin sa kanya ang mga salitang iyon. Sa halip na sabihin nito sa kanya ang mga katagang inaasam niya ay niyakap muna siya nito ng mahigpit na mahigpit saka
Magbasa pa
Chapter Fifty Five 
 Dahil sa hindi rin naman alam ni Mark Wayne kung paano ba niya hahagilapin si Jillian ay naglakas loob na siyang nagpunta sa Mansyon ng mga Madrigal. Kailangan niyang harapin ang mga magulang ni Lance. Tiyak kasi niyang ang mga ito na lang ang makatutulong sa kanya matagpuan niya si Jillian. Si Lancelot Madrigal ang humarap sa kanya.  "Anong kailangan mo?""Si Lance.""Wala siya rito," mariing sabi nito. "Alam ko.""Alam mo naman pala. Bakit nandito ka?" sarkastikong tanong nito. Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Higit niyang napatunayan na may alam itong matandang lalaki. Nakasisiguro niya kasing hindi magiging ganito ang reaksy
Magbasa pa
Chapter Fifty Six  
“APPLE!” gilalas na bulalas ni Jillian sabay balikwas nang bangon. “Jillian?” nag-aalalang tawag ng tinig na talaga namang nagpapabilis ng pinitig ng kanyang puso. Namilog ang mga mata ni Jillian nang  makita si Lance tapos ay naalala niya ang nangyari…“Asawa mo ako, hindi ba?” nagtataka niyang tanong.  Hindi agad kumibo si Lance kaya bigla siyang kinabahan. Oh, parang gusto na niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Napu-frustrate na siya. Parang gusto na niyang inumpog ang ulo niya sa pader. Baka kasi sa pamamagitan noon ay may alaala ng pumasok sa kanyang isipan. Wari’y naiintindihan naman ni Lance ang paghihirap na kanyang nadarama. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka
Magbasa pa
Chapter Fifty Seven
HINDI siya mamamatay tao! Iyon ang naisip ni Bianca kaya nagawa niyang tapakan ang preno bago pa man niya nabundol ang anak ng babaeng iyon. Sa isip kasi niya’y nakita rin niya ang nanggagalaiting mukha ni Lance. At iyon ang aya na ayaw niyang mangyari -- ang magalit ang kanyang mahal. Kapag nagkatuluyan naman kasi sila ni Lance ay magagawa rin niyang tanggapin ang anak nito. Sabi nga, kung mahal mo ang isang tao ay magagawa mong tanggapin ang lahat sa kanya. "Oh, I love you, baby," wala sa sarili niyang bulalas nang makita niyang patawid na ang bata. Napahinga siya nang malalim. Naisip niyang kung talagang nasagasaan niya ito, sigurado niyang makakaramdam din siya ng sundot ng konsensiya. Nawala ang atensyon niya sa bata nang may bumusina sa likuran kaya napuwersa na rin siyang umabante. Ngu
Magbasa pa
Chapter Fifty Eight
AGAD uminit ang ulo ni Mark Wayne nang buhat sa kinaroroonan niya ay nakita niyang masayang-masaya pang nagpi-picnic si Jillian kasama si Lance kaya't parang nagduda siyang hindi nito kagustuhan na ma-trapped ito kasama si Lance sa isla na iyon. Parang sasabog ang dibdib niya sa selos kaya kahit nasa taas na ang helicopter na sinasakyan niya’y hindi niya ito napigilang tawagin. Nang sabihin ni Bianca sa kanya kung saan niya matatagpuan sina Lance at Jillian ay nagdesisyon na siyang pumunta sa Isla na iyon kahit hindi niya tiyak kung paano siya makararating doon. Mabuti na lang at sinabi sa kanya ni Bianca na maaari niyang gamitin ang chopper ng pamilya nito basta siguraduhin niyang maisasama niya si Lance pabalik ng Manila. Itinanong niya si Bianca kung bakit hindi pa ito sumama pero tumanggi ito. Mas maigi na raw iyong hindi alam ni Lance na
Magbasa pa
Chapter Fifty Nine 
ALAM man ni Mark Wayne na hanggang ngayon ay si Lance pa rin ang mahal ni Jillian, hindi naman maaaring tumanga na lang siya habang pinanonood kung paanong magyakapan ang dalawa. Kailangan niyang makuha at maibalik si Jillian sa kanyang buhay. Wala siyang pakialam kung mahal siya nito o hindi. Siya ang asawa, siya ang may karapatan. "Jillian, umuwi na tayo!" Matigas niyang sabi. Nangako rin siya kay Bianca na dadalhin na niya ang asawa ngayon pauwi. Hindi man niya kilala ang pagkatao ng isang Bianca Francisco, pero tiyak niyang may panganib itong dala. Kaya, kailangan na niyang mailayo si Jillian kay Lance. "Hindi ako sasama sa'yo, hindi kita kilala!" Sigaw ni Jillian na nakayakap pa rin kay Lance. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya'y dinudu
Magbasa pa
Chapter Sixty 
ANG kondisyong ibinigay sa kanya ni Bianca ay ipapagamit sa kanya ang chopper ng pamilya nito pero kailangan niyang maisama sina Jillian at Lance pabalik. Inakala niya kasi na agad niyang madadala si Jillian pa-Manila kapag nakita siya ngunit paano niyang magagawa ngayon iyon kung hindi nga siya nito maalala. Sa tingin nga niya ay gusto pa nitong ipagtabuyan siya dahil nagawa niyang saktan ang kinikilala nitong asawa. Mararahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan nang maisip niyang ginawa ni Lance bilang 'asawa' ni Jillian. "Sabi ho ni Ma'm kailangang kasama ko rin kayo pabalik ng Manila," ani ng pilotong si Andy. Sa tingin niya ay matanda lang ito ng tatlong taon."Sabihin mo na lang hindi pa kami makabalik. May problema pang inaayos.""Pero…"
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status