Lahat ng Kabanata ng My Bestfriend's Enemy: Kabanata 21 - Kabanata 30
81 Kabanata
Chapter Twenty One
"NICE meeting you," matabang na sabi ni Jillian sa babaeng nagpakilalang Bianca Francisco. Kahit kasi nakangiti ito sa kanya ay hindi pa rin makuhang makampante ng kanyang kalooban. Pakiwari niya kasi ay may kung anong gagawin ito. Gayunman, hindi naman siya duwag kaya kahit na matalim na matalim ang tingin nito sa kanya ngayon ay hindi rin siya nagbaba ng tingin.  "Sana nga maging nice tayo palagi sa isa't isa." Nakaingos na sabi nito sa kanya tapos tinaasan pa siya ng kilay. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bakit naman parang may pagbabanta akong naaaninag sa boses mo?" matapang niyang tanong dito  Ang naglalarong ngiti sa labi ni Bianca Francisco ay biglang naglaho. Sigurado siyang hindi nito inasahan na magtatanong siya ng ganoon. Sa palagay niya kasi ay ito ang tipo ng taong palagi na ipinapadama sa iba kung gaano kalaki ang lamang nito at hindi rin naman siya ang tipo ng tao na nagpapatakot sa kung sino lalo na't wala naman siyang masaman
Magbasa pa
Chapter Twenty-Two
FEW minutes ago... Wala man ginagawang masama si Jillian, pero, bumilis ng husto ang tibok ng puso niya sanhi ng sobrang kaba. Sa talim ng tingin kanina ng babaeng nagngangalang Bianca Francisco, siguradong hindi ito papayag na makaganti sa kanya, kahit wala naman siyang ginagawang kasalanan dito.  Talaga kasing naniniwala ito na isa siyang malaking banta sa relasyon nito kay Lance kahit sabihin pa niyang mayroon na siyang asawa. Sa tingin kasi niya, ang tipo nito ay yaong walang ibang pinaniniwalaan kundi ang sarili.  "Jillian..." Narinig man niya ang nag-aalalang pagtawag sa kanya ni Lance, hindi niya ito agad nilingon. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya, sobrang kaba ang kanyang nararamdaman kaya gusto niyang makaramdam ng takot. Pakiramdam niya kasi'y may panganib na darating.  "Jillian...talk to me." nakikiusap na sabi sa kanya ni Lance.  Kahit narini
Magbasa pa
Chapter Twenty Three
MARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne. Malaki ang tiwala niya kay Jillian, alam niyang hindi siya nito kailanman pagtataksilan. Kaya lang, ang pangamba sa puso niya ay hindi niya magawang palisin. Alam niya kasing minsan ay minahal nito si Lance at maaaring dumating ang oras na ma-realize nitong hindi pa rin nawawala ang pag-ibig nito sa ex-boyfriend.  Minahal ka rin naman niya, sabi niya sa sarili.  Nang pumasok iyon sa kanyang isipan, hindi rin niya napigilan ang mapamura ng sunud-sunod. Hindi niya napigilan ang magalit sa kanyang sarili dahil pinawalan niya ang pagkakataon na makuha lang ang pag-ibig ni Jillian ng buong-buo. Ngunit, ginawa lang niya iyon dahil gusto niyang bigyan ng pagkakataon si Jillian na makahanap ng ibang lalaki na makakapagpaligaya rito.  Well, nangyari naman iyon kaya lang hindi rin nagkaroon ng happy ending si Jillian dahil natuklasan ng matalik na kaibigan na niloko lang ito ni Lance. Pinaibig nito a
Magbasa pa
Chapter Twenty Four
DAPAT ay masiyahan si Mark Wayne dahil sa paglalambing na ginagawa sa kanya ni Jillian. Para kasing hindi ito nahihiyang ipakita sa iba kung gaano ito ka-sweet pero paano niya magagawa iyon kung sa paglingon niya ay makita niya si Lance. Sinadya lang ba ni Jillian na maglambing sa kanya dahil gusto ng asawa niyang magselos ang ex-boyfriend nito? Sinaway niya ang sariling isipin iyon. Hindi naman kasi ganoon kababaw si Jiliian saka talaga namang malambing si Jillian. Kaya nga siya na-in love ng todo rito. Walam niya kasing wala ng babae na magmamahal ng ganoon sa kanya. Saka, tiyak niyang wala ng babaeng tatanggap sa kanya ng buung-buo kundi si Jillian lang.  Kahit naman alam niyang si Lance Madrigal ang mahal ni Jillian bago sila nagpakasal, masakit pa rin ang puso iyon kahit na palaging kayo ang magkasama. Gayunman, wala siyang karapatang magalit dahil sa simula pa lang ay alam na niya ang sitwasyon. Saka, hindi rin naman niya nagagawa ang katungkulan niya bila
Magbasa pa
Chapter Twenty Five
KAHIT walang karapatan si Lance, hindi niya maiwasan ang magselos habang nakatitig siya kina Mark Wayne at Jillian. Ibig niyang hablutin si Jillian at ilayo sa asawa nito. Talagang mahal na mahal pa rin niya si Jillian. Kaya nga mas ginusto niyang ituon ang atensyon sa pagpapayaman kaysa naman ibaling sa ibang babae ang kanyang atensyon.  Para sa kanya, si Jillian lang ang babae. Kaya, kung hindi lang ito ang makakasama niya sa habambuhay ay maigi pang tumanda na lang siyang binata.  Kahit kasi maraming babae ang nagpupumilit na pasukin ang kanyang puso ay hindi nagtatagumpay ang mga ito. Dahil, ang pag-ibig niya ay nagawa na niyang ialay sa ibang babae.  He's crazy! inis niyang sabi sa sarili. Para kasing hindi niya talaga alam ang katagang 'move on'.   Paano ba naman siya magpapatuloy pa kung mga bata pa lang sila ni Jillian ay wala na siyang pinangarap na makasama hanggang sa pagtanda kundi ito lang. At nang magkaroon siya
Magbasa pa
Chapter Twenty Six
SABADO noon nag-stay lang si Jillian sa bahay. Gusto niya kasing ibuhos muna sa mag-ama niya ang kanyang atensyon at siyempre, pati pagmamahal. Magagawa lang niya iyon kung aasikasuhin muna niya ang mga ito.  Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya nang bumalik sa isipan niya ang mga naging pagtatalo nila ni Lance sa script na kanyang sinusulat.  "Hindi ba pwedeng gawin na lang pure love story ang gagawin nating istorya." "Ang hero ko, eh, nagiging aso, paano natin iyon gagawing pure love story kung may magic na nangyayari." "Simple, huwag na nating gawing fantasy." "So, uulitin natin?"buwisit niyang tanong kay Lance. "Yes." "Ang ganda na ng istorya, malapit na mabuo." "Maigi kasing mas makatotohanan." "Baka naman gustuhin mo pang baguhin ang buong istorya." "Why not?" "Sana sa umpisa pa lang
Magbasa pa
Chapter Twenty Seven
ITUTOK mo lang sa trabaho ang atensyon mo. HUwag mo siyang papansinin, mariing sabi ni Jillian sa kanyang sarili. Kahit hindi niya igala ang kanyang pansin, alam niyang may mga matang nakatingin sa kanya at tiyak na tiyak niya kung sino ang nagmamay-ari ng mapupungay na mga matang iyon. Buwisit! Mula nang ipangalandakan ni Lance na mayroon silang relasyon dati, parang nag-iba ang tingin ng mga empleyado ni Lance sa kanya. Wala na nakikipagkuwentuhang lalaki sa kanya na para bang isang pagkakamali na makipag-bonding sa kanya.  Hate you Lance, naiinis niyang sabi sa sarili. Kahit tuloy gusto niyang ibuhos ang lahat ng kanyang concentrasyon sa pagtatrabaho, hindi niya magawa. Dama niyang nakatingin ito sa kanya kaya naman mas nakakaramdam siya ng guilt.   Kahit kasi sabihin niya na sa sarili ng paulit-ulit na si Mark Wayne ang kanyang mister at ito ang talagang may karapatan sa kanya, malaking bahagi ng sistema niya ang tumatanggi. Damang-dama niy
Magbasa pa
Chapter Twenty Eight
SINIKAP ni Lance na maging kalmante para hindi magbago ang isip ni Franco na harapin siya. Talaga naman kasing nakakainit ng ulo na malamang may kinalaman ito sa hiwalayan nila ni Jillian. Ang tanong lang, paanong nangyari iyon? Malinaw kasi sa isipan niya ang sinabi ni Jillian sa kanya na kaya siya nito iniwan ay dahil na-realize nitong si Mark Wayne lang ang kaya nitong mahalin. Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ng ex-girlfriend kaya hindi na niya nagawang makapag-isip pa.   Dahil sa gusto na niyang marinig ang sasabihin ni Franco, umalis na siya sa opisina kahit marami pa siyang dapat na asikasuhin. Mabuti na lang at wala namang meeting o anumang event na dapat niyang puntahan.  Napabuntunghininga lang siya nang maisip niya si Jillian na parang pikon na pikon sa kanya. Kung tapunan siya nito ng tingin ay para bang may kasalanan siyang nagawa rito. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilang pagtawanan ang sarili. Kung umasta kasi siya'y par
Magbasa pa
Chapter Twenty Nine
BAKLA ako!  Kung hindi lang si Franco ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon, hindi siya maniniwala. Well, hindi pa rin naman siya makapaniwala kaya nga hindi siya makakilos ngayon gayung kanina ay gustung-gusto na niya itong pagsasasapakin. Matalik na kaibigan niya ito, dapat ay karamay niya pero ito pala ang naging dahilan ng kanyang pagdurusa.  "Mahal na mahal kita pero hindi ko magawang masabi sa'yo dahil ayokong layuan mo ako. Ayokong pandirihan mo ako. Kaya lang, selos na selos ako kay Jillian kasi mahal na mahal ko siya. Gusto ko sana akong tingnan mo ng ganu'n. Gusto ko, ako ang yakapin mo. Gusto kong ako ang halikan pero pero hindi pwede." "Talagang hindi pwede!" sigaw niya.  Ngayon niya naintindihan kung bakit ini-entertain lang ni Franco ang mga babaeng nagkakagusto rito kapag nasa paligid siya. Sadya lang nitong ipinagmamalaki sa kanya na playboy ito para hindi niya mapansin ang tunay nitong pagkatao na pilit nitong itina
Magbasa pa
Chapter Thirty
SABI ni Jillian sa sarili ay gusto niyang mawala sa isip niya si Lance at ang anumang nararamdaman niya rito, pero, paano niya magagawa iyon kung pinili pa niyang magpunta sa lugar na tinatambayan nila dati? Dahil mahilig sa basketball si Lance ay lagi siya nitong dinadala sa open court na iyon na matatagpuan malapit sa kanilang university. Kung walang gumagamit ng court ay nagwa-one on one pa sila ni Lance sa paglalaro ng basketball. Lagi kasing may dalang bola si Lance na nakalagay sa kotse nito at kung minsan naman ay nasa loob ng bag.  "Natatandaan mo ba ang ginawa mo ng matalo mo ako nu'n sa basketball?" tanong sa kanya ni Lance habang humaharang ito para hindi niya ma-shoot ang bola." Napangisi siya dahil natandaan niya agad kung anong tinutukoy nito. "Siyempre, binigyan kita ng upper-cut nu'n dahil natalo kita." "Alam mo bang mula nu'n ay nagkaroon na ng problema ang puso ko?"  Sa winika nito ay
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status