Share

Chapter 34.1

Lizabeth's POV

Ilang araw din ang nakalipas matapos ang pag-uusap namin ni Raen at hindi na 'yon nasundan pa. Madalas ay nagkukulong lamang siya sa kwarto o kung minsan ay nagpupunta sa library.

Si Tito Enzo naman ay madalas nasa opisina ni Kenzo. Doon siya pansamantalang nag-aasikaso ng bussiness nila. Kahit nasa Pilipinas na ay hindi pa din nila makalimutan pansamantala ang tungkol sa trabaho.

Tanghali na at kakatapos ko lang maka video call ang mga kaibigan ko dahil ikinuwento nila sa akin ang napag-aralan kaninang umaga. Bumaba na ako sa hagdan ngunit napahinto ako nang may maamoy akong mabango mula sa kusina.

Sinundan ko ang amoy at pagtungtong ko sa pintuan ng kusina ay nakita kong nakasuot ng apron si Tita Kendra habang naghahalo sa isang kasirola. 

"Wow! Anong niluluto dito?"

Napalingon silang lahat sa akin maging si Tita Kendra ay nakangiting bumal

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status