Semua Bab ASERON BRIDES: Bab 41 - Bab 50
67 Bab
PART 2-SEVENTEEN, FORGIVEN
DOREEN could not stop crying. Her eyes felt gritty and swollen but the pain filling heart could not find any other outlet. Nananakit na nga ang ilong niya at mga mata dahil sa kapapahid niya doon ng tissue.     Nakabukas ang TV at nakasalang ang all-time favorite zombie movie niya na World War Z. But even watching Brad Pitt running away from zombies could not ease her pain. Sinubukan na rin niyang mamapak ng sangkaterbang chocolates na ayon kay Jannica ay siyang pinaka-mabisang gamot sa heartache. Wala pa ring epekto.     Nakatutok sa TV screen ang mga mata niya pero hindi niya nakikita ang ipinapalabas niyon. Ang isip niya ang naglalakbay sa huling pag-uusap nila ni Jim. Kaya naman ganoon na lamang ang pagkasindak niya nang biglang magsalita mula sa gilid niya ang boses ni Nicole. Ni hindi niya naramdaman na bumukas ang pinto ng bedroom niya.     “Doreen, may bisita ka. Papapasukin ko ba?&rdqu
Baca selengkapnya
PART 3-ONE, JOLEEN ASERON
ELEVEN YEARS AGO…                                        “Is he still looking at me?” untag ni Joleen sa nakababatang pinsan niyang si Danieca.       Magkaharap silang nakaupo nito sa isang mesa sa loob ng canteen ng Collegio de Fortuna. Nasa fourth year highschool siya sa naturang eskwelahan. Habang si Danieca naman ay nasa third year highschool doon din. Subalit kung siya ay doon na nag-aral mula pa elementarya, si Danieca ay ngayong taon lang pumasok doon. Dahil sa States ito nakatira noon kasama ng ina nito at nakakatandang kapatid na si Dylan. Until two years ago kasi ay divorced ang mga magulang ng
Baca selengkapnya
PART 3-TWO, JOLEEN'S TEEN YEARS
Kadalasan pa nga noon kapag naglalaro sila at natataya ang mga pinsan niyang sina Teree at Danieca, kusa itong lalapit sa mga iyon para magpataya para lang maipasa na agad ng mga ito dito ang pagiging taya. Pero pagdating sa mga pinsan niyang lalaki at sa kanya, competitive ito. Talagang kahit abutin ng kinabukasan hindi ito magpapahabol sa kanya o sa mga pinsan niya.        Tipikal na spoiled rich kid ito. Parehong laging abala sa kanya-kanyang trabaho ang mga magulang nito. Sunod lahat ng layaw nito dahil iyon lang ang kadalasang kayang ibigay dito ng mga magulang nito. Hindi ang oras o atensyon ng mga iyon. Kaya marahil noong bata pa ito ay madalas itong dumikit sa kanila ng mga pinsan niya o kung hindi naman ay sa mga pinsan nito upang kahit paano ay maranasan ang magkaroon ng mga kapamilya kahit sa loob lang ng ilang maiikling oras.
Baca selengkapnya
PART 3-THREE, GEEK
Gusto niyang batukan ang sarili. Bigla kasing bumilis ang tibok ng puso niya nang ngitian siya nito. Isa iyong abnormalidad na hindi niya gusto ang ibig ipahiwatig.Kahit asar na asar siya kay Jake, aminado siya na gwapo  at makisig talaga ito. Habang tumatagal ay tila mas lalo itong gumagwapo. Kung noon ay cute lang ito, ngayon hindi na sapat ang cute upang ilarawan ito. Subalit ngayon lang nangyaring nag-iba ang ritmo ng pagtibok ng puso niya dahil lang sa ngiti nito.With his half-Italian mother’s genes giving him his dark curls, even darker eyes and mysterious smile, he looks like a rogue angel out to break female mortal’s hearts. Mula naman sa ama nito ay minana nito ang katangkaran nito kaya halos umabot na ng six-two ang height nito. Hindi ito kasali sa anumang varsity team pero alam niyang mahilig itong maglaro ng basketball. Mayroon nga itong sariling basketbal
Baca selengkapnya
PART 3-FOUR, WARNING
“Don’t come near him again, De Asis. I’m warning you.”Sa halip tumugon ay makahulugang ngumiti lang ito sa kanya. Saka siya pauyam na sinaluduhan. Pagkuwan ay tumalikod na ito at nagpatiunang lumakad palayo. Animo mga anino nitong kagyat nagsisunuran naman dito ang mga kabarkada nito.“Um, Joleen?” alanganin ang tonong tawag sa kanya ni Rowan.Tinapik-tapik naman niya ang kamay nito.“Don’t worry, titiyakin kong hindi ka na nila ulit mabu-bully,” paniniyak niya dito.“Iyon nga sana’ng itatama ko. Hindi naman nila ako binu-bully. Ang totoo, gusto lang nilang malaman kung pwede kong i-tutor si Orville sa darating na exams natin sa Physics.”Natigilan siya. Gilalas na nilingon niya ito saka hinabol ng tingin ang malayo nang grupo nina Jake.“Ano?! Pero
Baca selengkapnya
PART 3-FIVE, YOUNG
“Bakit hindi gayong ipinahiya mo ako sa harap ng buong school noong tuksuhin mo ako’t tawaging Babe Piglet?! Sino’ng matutuwa sa iyo pagkatapos nun? At gusto mo ba isa-isahin ko pa lahat ng pangalang ibinansag mo sa akin sa loob ng apat na taon?”       Bumakas ang gulat sa anyo nito.       “Iyon ba ang dahilan kaya mo ko inaaway? Pero, babe---“       “I said don’t call me babe!” singhal niya dito.       “Okay, okay, easy! Huwag mo akong saksakin niyang tinidor mo. Tsk, hindi ba talaga pwedeng maging kalmado ka kahit minsan lang kapag kaharap ako?” anitong agad itinaas ang mga kamay at inginuso ang hawak niyang tinidor na naitaas pala niya’t naiamba dito nang wala sa loob niya.
Baca selengkapnya
PART 3-SIX, JAKE'S CRUSH
Ngunit hindi pa man nagsisimulang manligaw si Jake kay Teree ay tinabla na agad siya nito. Dahil hindi diumano nito magugustuhan ang lalaking batid nitong kaaway ng paboritong pinsan nito.Kaya naman buo ang plano niyang kaibiganin na sa pagkakataong ito si Joleen. Kahit pa tutol ang kalooban niya sa ideyang iyon.Muli siyang napatingin kay Joleen. She is a pretty girl too. Pero hindi ito singganda ni Teree. She has dark straight hair reaching past her shoulders, dark brown eyes and pink full lips. Hindi na ito overweight tulad noong unang mga taon nito sa highschool na naging dahilan kaya ito naging tampulan ng tukso. Nalagpasan na nito ang weight problems nito. Pero hanggang ngayon, tila sensitibo pa rin ito sa anumang magpapa-alala ng dating problema nito doon.Although kung siya ang tatanungin, hindi naman nito dapat prinoblema iyon. Mas cute nga ito noong chubby ito
Baca selengkapnya
PART 3-SEVEN, THE NOTE
                                     Kasalukuyang nagbabasa si Joleen ng tenth chapter ng El Filibusterismo sa isa sa mga nagkalat na benches sa walkway patungo sa Home Economics building nang mahulog mula sa pagitan ng mga pahina ng libro ang bookmark na ibinigay nito sa kanya noong isang araw lang.Dahil alam naman daw nitong hindi niya tatanggapin kahit bayaran niya ito para sa pagtu-tutor niya dito, in kind na lang nito idinadaan ang pagbabayad nito sa kanya para sa tutorial lessons nila. Sa tuwing magkikita sila nito tuwing Tuesdays and Thursdays after school hours sa library, hindi maaring wala itong ibinibigay sa kanya. Pagkain man, makukulay na stationeries, pens o maliliit at cute na stuffed toys iyon.Hindi niya maiwasang ma
Baca selengkapnya
PART 3-EIGHT, EACH OTHER'S PAIN
Hindi na nagsalita pa si Jake. Subalit kinabig siya sa balikat upang mapasandig ang ulo niya sa balikat nito. And for a time, they sat there quietly like that. Sharing each other’s pain.Madalas pagkatapos noon, kahit hindi schedule ng tutorial lessons nila para sa Trigo nito ay magkasama sila sa loob man ng campus o sa labas. Unti-unti ay natutunan din siyang kaibiganin ng mga kabarkada nito. F1 and F2 she could only claim as her acquaintances. Pero sina Yale at Nielson, nakasundo niya.They’re not too bad once you get to know them.Ngayong hindi na mortal enemies ang turingan nila ni Jake sa isa’t isa, natuklasan niyang mas masarap palang maging malapit na kaibigan nito kaysa mortal na kaaway. Hindi dahil tila siya naging instant popular girl sa loob ng campus nang madikit dito ang pangalan niya. Hindi din dahil bigla siyang kinainggitan ng mga popular girls na dati ay ordina
Baca selengkapnya
PART 3-NINE, THE LOVE LETTER
                                         Hindi pa man tapos magsalita ang last subject teacher nila ukol sa assignment na ibinibigay nito para sa Lunes ay nakasukbit na sa balikat ni Joleen ang bag niya at kipkip na niya ang mga libro niya.Kaya naman halos kasunod na siya ng guro nila paglabas nito ng classroom nila.“Joleen! Sandali!” natatarantang tawag sa kanya ni Rowan.Lately ay madalas ang pagdikit-dikit nito sa kanya. Hindi naman niya masabing nagpapalipad-hangin na ito sa kanya o ano. Pero malakas ang kutob niyang doon na patutungo ang kakaibang iniaakto nito sa kanya nitong mga nagdaang araw.Ang mga pasimpleng pakikisabay nito sa kanya sa paglabas ng classroom n
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status