Lahat ng Kabanata ng Kidnapped by the Billionaire (TAGALOG): Kabanata 31 - Kabanata 40
43 Kabanata
Chapter 29
Malawak ang ngiting kanina pa nakapaskil sa labi ni Leilani habang nag-iimpake siya ng mga gamit na dadalhin nila sa bakasyon. Gabi na pero hindi pa rin maampat ang galak sa kanyang puso. Nagtatalon ito sa sobrang tuwa at hindi na siya magtataka kung sumabog man ito sa sobrang emosyon. Nakapagtatakang dahil sa nangyari, sa isang iglap lang ay nawala lahat ang bigat sa kanyang loob at mga pasan sa balikat. 'Yung mga panahong para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, 'yung pakiwari niya ay huminto na ang mundo sa pag-ikot at tila dinadaya siya ng kapalaran, nawala ang lahat ng mga iyon ng isang bagsakan.  Sunod niya na inabot ang mga laruan ng anak na nasa gilid ng kama nito. Mas mabuti na dalhin niya rin ang mga 'yon dahil baka magwala pa ito. Wala pa sa ayos ang mga iyon dahil kasalukuyan itong naglalaro kanina nang dumating ang driver ni Don Armando para sunduin si Trixie. Gusto yata nito na sulitin ang oras na kasama ang apo bago siya bumalik sa pag tour sa
Magbasa pa
Chapter 31
Ang bigat-bigat na ng mga talukap ng mata ni Leilani. Hindi dahil sa antok kundi dahil sa walang tigil na pag-agos ng kanyang mga luha. Naguguluhan pa rin siya sa lahat ng nangyayari. Una ay kung bakit namalayan na lang niya na nakahubad sa ilalim ng kumot pagkagising niya kinaumagahan at nawawala pa ang kanyang mga damit. Tanging ang damit nalang ng doktor ang naroon. Nahiya pa siya na tumawag ng receptionist sa hotel at nakihiram pa siya ng pantalon sa babaeng staff na dumating. Mabuti na lang at in-offer nito ang extra underwear nito na hindi pa daw nito nagagamit. Nilunok niya ang hiya at nagpasalamat sa babaeng nagpakilala na isa sa kanyang tagahanga.  Habang sakay ng taxi ay laman pa rin ng kanyang isip ang nagsusulpotang mga katanungan. Sila lang naman dalawa magkasama ni Dr. Yugi kagabi sa hotel. Napasobra ba ang inom niya kagabi at nag pass out siya sa kalasingan? Kumusta kaya ang surpresa nito sa girlfriend nito? Maganda ba ang naging resulta? Hindi ba siya na
Magbasa pa
Chapter 30
Sobrang gaan ng pakiramdam ni Lysander pagkagising kinaumagahan kaya maaga rin siyang bumangon at nag-ayos ng sarili. Ngiting-ngiti na sinisipat niya ang kanyang ayos sa salamin. Ngayon ang araw na makakasama niya ang kanyang mag-ina. Ito ang pinakaunang beses na makakasama niya ang dalawa kaya nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya. Ngayon pa lang ay nakini-kinita na niya kung gaano sila mag-eenjoy sa lugar na kanilang pupuntahan. Nilingon niya ang aparatong kanina pa nambubulahaw sa pagtunog. Nagpang-abot ang kanyang kilay nang makitang si Pierce iyon. Bakit para yatang ang aga-aga ay aasarin na naman yata siya ng pinsan. Dahil ayaw niyang masira ng kahit kunti ang araw niya, hinayaan niya na lang ang lalaki hanggang sa magsawa ito. Total ang kabisadong-kabisado niya naman na sisirain lang naman nito ang araw niya sa walang tigil na pang-aasar. Pataghoy-taghoy na inayos niya ang munting gusot sa kama at maya-maya ay napalingon sa pintuan nang may kumatok roon. 
Magbasa pa
Chapter 32
Ilang oras na niyang kuyom ang ballpen sa pagkakahawak. Oo nga at nasa opisina siya ngayon pero ang utak niya ay naglalakbay sa nangyayaring kaguluhan tungkol kay Leilani. Pang-ilang beses nang tumatawag si Leilani sa cellphone niya pero pang-ilang beses na rin niya iyong hinahayaan lang hanggang matapos ito sa pagtunog. Kung maaari ay hindi na muna niya ito kakausapin lalo na ngayon na gulong-gulo pa ang isip niya kung ano ba talaga ang dapat niyang paniwalaan.  Mahal niya si Leilani pero aminado rin siya na hindi nagtutugma ngayon ang iniisip ng kanyang puso at utak. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil alam niya mismo sa sarili niya kung gaano siya kasakit bumitaw ng mga salita. Oo nga at ilang beses na siya nitong pinatawad sa kabila ng mga nangyari at ginawa niyang masasama rito pero ayaw niyang sumugal dahil ayaw na niya na maghiwalay sila muli sa parehong dahilan. Sa mga maling akala at kakulangan sa pagtitiwala.  Ilang minuto lang ay huminto rin ang k
Magbasa pa
Chapter 33
Naalimpungatan si Lysander sa mararahang katok na nagmula sa kanyang pinto. Marahan lang 'yon pero naglikha iyon ng ingay sapat para mabulabog siya sa kanyang pamamahinga. Nakatulugan na pala niya ang pag-iisip kay Leilani.  Mabigat ang katawan na hindi na siya nag-abala pa na suotin muli ang T-shirt at ang pantalon na lang ang minadali niyang isuot. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya posibleng mails o bills lang iyon na inihatid ng security sa labas. Tinungo niya ang pinto habang inaayos pa ang pagkaka-zipper ng pantalon pero napatda siya nang tuluyan na niyang mabuksan ang pintuan. Sumalubong sa kanya ang pares ng kayumangging mga mata ni Xyrille. Lumawak pa ang pagkakangiti nito habang naglalakbay ng malaya ang paningin nito sa exposed niyang katawan.  Umigting ang panga niya sa biglaang pagbugso ng galit. Sa lahat ng taong pwedeng dumating ay wala ito sa listahan ng mga inaasahan niya. Ipipinid niya na sana ang pinto pasara dahil wala siyang plano
Magbasa pa
Chapter 34
Natitigilang napatingin na lamang si Leilani sa magkalapat na ngayon na labi nina Xyrille at Lysander. Nakapikit ang mata ng binata kaya sandali niyang inakala na ginusto nito ang nangyayari. Dahil sa nagtatalong kalooban kaya ilang sandali niya pa munang hinayaang kolektahin na muna ang sarili saka siya naglakas-loob na humakbang na papasok na ikinalingon ni Xyrille. Mukhang ngayon pa lang siya nito napansin kung hindi pa siya humakbang palapit sa pwesto nito.  Biglaan kasi ang tawag ng nagpakilalang Dan na kaibigan daw ni Lysander sa kanyang cellphone kanina habang sakay pa siya sa taxi pauwi kaya hindi na siya tumuloy papunta sa condo niya at doon na lang siya nagpadiretso sa address na ibinigay ng lalaki. Pabulong pa nitong sinabi na 'wag siyang mag-alala dahil alam ni Lysander ang katotohanan kaya kinutsaba siya nito na papuntahin siya sa unit ni Lysander para surpresahin ito pero 'di yata at siya itong nasurpresa sa nadatnang tagpo.  "Anong ginagawa m
Magbasa pa
Chapter 35
Unti-unting iminulat ni Leilani ang nga mata nang maramdamang tila may humahaplos sa kanyang buhok pero mukhang guni-guni niya lang iyon nang makitang himbing na himbing pa sa tulog ang lalaking kaharap. Napunta ang kanyang tingin sa kamay niyang nakapaloob sa kamay ni Lysander. Hindi niya alam kung paano at kailan nangyari 'yon pero napag-isip-isip niya na umalis na bago pa ito magising kaya dahan-dahan ang ginawa niyang pag-alis sa kanyang kamay. Muntik pa siyang mapalundag sa gulat nang iangat niya ang tingin sa mukha nito at nakitang mulat na mulat na ang lalaki. Titig na titig ito sa kanya na kanyang ikinalunok. Naasiwa siya sa klase ng pagkakatitig nito kaya mabilis na siyang tumayo para sana makalayo rito pero mas mabilis ang galaw nito. Nahigit nito agad ang kanyang kamay dahilan para mawalan siya ng balanse at napadagan siya sa katawan nito. Nahigit niya ang paghinga. Paniguradong damang-dama ni Lysander kung gaano kabilis ang pagwawala ngayon ng kanyang puso. 
Magbasa pa
Chapter 36
Leilani's POVMahigit apat na oras ang binyahe namin patungo sa bayan para marating ang islang tinutukoy ni Lysander. Akala ko ay iyon na mismo ang lugar pero pagkarating namin sa pantalan ay kinailangan pa naming maghintay ng isang oras para daw hindi na maabala sa paghahanap ang matalik na kaibigan ng ama ni Lysander pagkadating ng bangka nito sa daungan. Nilingon ko si Trixie na mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang dala nitong manika. Siguradong kahit ilang beses pa itong yugyugin para gisingin ay hindi man lang nito iindahin yun. Panigurado kasi na puyat pa ito dahil antagal nitong nakatulog kagabi dahil nakiusyuso pa ito sa pag-eempake ko para sa dadalhin sa bakasyong ito. Punan pa na maaga ko itong ginising kanina para maligo dahil baka mahuli pa kami sa byahe. Mabuti nalang at maganda ang panahon. Mayamaya lang ay may nakita akong dumaong at kumakaway sa direksyon namin. Namukhaan pala nito agad si Lysander. Pagkatapos ng kamustahan at pagpapakila
Magbasa pa
Chapter 37
"Sige na, baby. Hug mo na si Lola Berta mo," utos ko kay Trixie habang dala ko sa kabilang kamay ang isa pa naming bagahe. Natawa nalang kami nang para itong nagsusumbong at humihingi ng saklolo kay Aling Berta habang mahigpit itong nakayakap sa matanda para hindi siya patuluyin sa pag-alis. Natapos na kasi ang isang linggo naming bakasyon sa isla. Mamula-mula na nga ang balat ko at pati na rin kay Trixie dahil halos araw-araw nalang kaming nagbababad sa dagat at kung hindi naman ay nagpapaaraw habang nagpapaaraw sa Batarya. Nakasanayan na rin namin na sa gabi lang may kuryente kahit nung una ay hirap talaga mag-adjust. "Naimpake mo na ba ang lahat?" tanong ni Lysander sa akin na galing sa paghatid ng iba pang mga bagahe sa bangka. Tumango ako sa kanya bago ininguso si Trixie na wala pang balak na lisanin ang isla. Pati ito ay natawa na rin sa inasta ng anak. "Aling Berta, pano po. Uuwi na po kami. Salamat po sa pag-aasikaso sa amin dito." Pagpapaalam ni Ly
Magbasa pa
Chapter 38
Papadilim na nang marating namin ang isla. Tanaw mula sa aming kinaroroonan ang nag-iisang bahay na nakatayo roon. Malayo ang naturang isla and it's still a remote area. Mukhang pinaplano pang palaguin o di kaya ay gawin lang bakasyunan. Tumunog ulit ang cellphone ni Lysander at sinagot naman nito ang tawag. "We're already here, sir. Nakapwesto na ang lahat," sabi ng nasa kabilang linya. "Kakarating lang din namin. Wala muna kayong gagawin. I don't want to take a risk. My daughter's life is at stake here.""Copy, sir."Nagpatiuna na si Lysander sa pagbaba sa bangka na inarkila namin bago niya nilingon ang gawi ko. "Dito ka muna. Hayaan mo munang malaman ko ang sitwasyon sa loob bago ka sumunod. Baka mapahamak ka," ma-awtoridad nitong ani. Tumalikod na ito pagkasabi niyon saka marahang tinungo ang bahay. Dumoble ang kaba ko nang marating ni Lysander ang pinto at binuksan iyon. Hindi ako nakatiis at sumunod ako sa kanya
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status