Share

Chapter 29

Malawak ang ngiting kanina pa nakapaskil sa labi ni Leilani habang nag-iimpake siya ng mga gamit na dadalhin nila sa bakasyon. Gabi na pero hindi pa rin maampat ang galak sa kanyang puso. Nagtatalon ito sa sobrang tuwa at hindi na siya magtataka kung sumabog man ito sa sobrang emosyon.

Nakapagtatakang dahil sa nangyari, sa isang iglap lang ay nawala lahat ang bigat sa kanyang loob at mga pasan sa balikat. 'Yung mga panahong para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, 'yung pakiwari niya ay huminto na ang mundo sa pag-ikot at tila dinadaya siya ng kapalaran, nawala ang lahat ng mga iyon ng isang bagsakan. 

Sunod niya na inabot ang mga laruan ng anak na nasa gilid ng kama nito. Mas mabuti na dalhin niya rin ang mga 'yon dahil baka magwala pa ito. Wala pa sa ayos ang mga iyon dahil kasalukuyan itong naglalaro kanina nang dumating ang driver ni Don Armando para sunduin si Trixie. Gusto yata nito na sulitin ang oras na kasama ang apo bago siya bumalik sa pag tour sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status