Semua Bab THE CURSED BLOOD: Witch in the Palace (Tagalog) : Bab 61 - Bab 67
67 Bab
Chapter 61: Pain
  Napaluha si Zek nang makita niyang nawalan ng malay ang kaniyang kapatid at duguan ang kanan palad nito. Parang dinurong ang kaniyang puso sa kaniyang nakikita. Hindi rin mapigilan ang pagtawa ng bruha dahil sa nakikitang niyang sakit mula sa kapatid ng dalaga. Tila nagbibigay ito ng lakas sa kaniya.   “Pakawalan mo ang kapatid ko! Magbabayad ka!” galit na sigaw ni Zek. Pero hindi man lang siya pinansin ng bruha. Samantala naghahanap ng tyempo si Uno para makulong ang bruha sa ginawa niyang bitag. Kailangan mapigilan ang pagsasagawa ng ritwal dahil kung hindi ay maapektuhan ang daloy ng panahon. Maaaring masira ang kaharian nila.   Hinalo ng bruha ang dugo ni Ezra sa kaniyang dugo. Ilan sandali pa ay tumingin ang bruha sa kinaruruunan ni Zek, ngumiti ito nang nakakaloko na parang may binabalak itong gawin sa binata. Pero dahil nasa loob siya ng apoy ay hindi ito makalapit nang tuluyan. Muli itong nagsalita sa ibang lenggwahe a
Baca selengkapnya
Chapter 62: Impostor
Verona     Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindi pa rin mapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas, na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa.    “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?”   “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.”   “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah.   “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.”   “Ano?!” bulalas ng dalawa.   “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”
Baca selengkapnya
Chapter 63: Kingdom of Ananiah
 Chapter 63     “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito.   “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito.   “Opo, Ina.”   Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha.   “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa.   “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Baca selengkapnya
Chapter 64: The Bluff
Chapter 64 Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap. “Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.  ~**~ 
Baca selengkapnya
Chapter 65: Ang Digmaan
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Baca selengkapnya
Chapter 66: The Royal Death
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Baca selengkapnya
Chapter 67: End
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status