All Chapters of Ang Tatay kong CEO: Chapter 21 - Chapter 30
1747 Chapters
Kabanata 21
"President Zachary, paniwalaan mo man o hindi, hindi magkaano-ano si Sebastian at Howard," nakayukong sabi ni Sharon.Inakala niya dati na ang lalaking kasama niya nang gabing iyon ay si Howard. Sa huli lamang niya nalaman na si Sally ang nag set-up sa kaniya.Hindi si Howard ang nakakuha ng virginity niya, at wala siyang ideya kung sino.Muntik na siyang mawala sa sarili nang nalaman niya lamang ito sa araw ng kasal niya!Hindi niya rin inaasahang maging ganoon 'kaswerte', nabuntis siya kaagad ng isang gabi lang.Simula noong una, hindi sila nagkaroon ng intimate relationship ni Howard, kaya papaanong mangyayaring kay Howard ang bata?Nang makitang mariin pa ring nakatitig si Simon sa kaniya, mukhang hindi pa ito kumbinsido.Huminga siya nang malalim at sinabi, "Sa totoo lang, hindi rin ako sigurado kung sino talaga ang ama ng bata."' 'Hindi ito kay Howard.'Labis ang pagkabigla ni Simon. "Siya na ina mismo ng bata ay hindi man lang kilala kung sino ang ama nito?'Gaano ba si
Read more
Kabanata 22
Matapos makita ni Sharon na nakauwi na si Simon, sinulyapan niya ang bote ng perfume na nakalagay sa mesa. Pakiramdam niya ay interesadong-interesado si Simon sa kanyang perfume.Baka dahil sobrang espesyal ng perume na ginawa ng kanyang tatay, nakakapang hipnotismo ang bango nito.Habang malalim ang kanyang iniisip, bigla namang tumakbo ang kanyang sa tabi niya at hinila ang kanyang kamay. "Mommy, kamukha ko po ba talaga ang bad tito na iyon?"Ibinibaba ni Sharon ang kanyang paningin at tiningnan ang bata. Inaamin niyang ang mukha nito ay katulad nga ng kay Simon. Habang tinitingnan niya rin ito ay mas lalo siyang naniniwala.'Posible kayang siya ang tatay ng anak ko?'Dumaan ang ideya sa kanyang isipan, at nagulat siya rito.Hindi nya namamalayang sinabi , "Paano iyon mangyayari? hindi naman kayo magkamukhang dalawa," sabi niya, kabaligtaran ng kanyang mga naiisip."Nagsisinungaling ka, Mommy!" tiningnan ng bata ang kanyang mata at sumigaw."Kailan... kailan ako nagsinungalin
Read more
Kabanata 23
Nataranta nang sobra si Fiona kaya naman mabilis na naglakad para mahabol si Simon. "Simon, ano bang napakaimportante bagay ito at hindi mo maiwan para makakain muna tayo?" Wala siyang magawa kung hindi panoorin lamang itong umalis."Kalimutan mo na. Hayaan mo na siya." Nagsalita si Douglas. Alam niyang walang magiging bunga para ang pagkukusang magpakilala ng babae rito.Tumigas ang mga kamao ni Fiona. 'Hindi ko ito pwedeng hayaan. Kailangan kong maipareha si Simon kay Rebecca at huwag hayaang makuha ni Sharon ang oportunidad.'Nagpunta nga si Simon sa kumpanya. Pero, wala namang importanteng bagay na kailangan niyang gawin, hindi niya lang talaga gustong maistorbo ng iba.Sa oras na iyon, nakaalis na ang lahat ng empleyado, at binalot ng katahimikan ang buong building.Umupo siya sa swivel chair sa opisina ng presidente habang nagsisindi ng sigarilyo. Napupuno ang isip niya ni Sharon at ng anak nito.Bigla namang tumunog ang telepono niyang nakapatong sa office desk. Galing ito
Read more
Kabanata 24
"Bakit mo gustong malaman?" Hindi na tulad kanina ang kaba ni Sally."Narinig ko ang usapan niyong dalawa kanina. Hindi ka ba natatakot na isumbong kita kay Howard?""Oh? anong sinabi namin kanina? anong sasabihin mo kay Howard?" Nagpakainosente si Sally."Hindi kay Howard ang batang nasa sinapupunan mo. Anak siya ng lalaking iyon!" Hindi kailanman naisip ni Sharon na lolokohin ni Sally si Howard.Nagsimulang mapuno ng galit ang mga mata ni Sally. Ganunpaman, kaagad din siyang kumalma at tumawa, "Ano naman? sa tingin mo ba paniniwalaan ka ni Howard, ang ex-girlfriend niyang nanloko sa kaniya, o ako na asawa niya?"Seryoso siyang tiningnan ni Sharon. "Baka nga hindi niya ako paniwalaan, pero sa oras na mag-anak ka, sasabihin ko sa biyenan mo ang tungkol sa bata. Sa tingin ko ay magpapa-paternity DNA test siya."Nawala ang ngiti sa mukha ni Sally. Ang matalim niyang tingin ay na kay Sharon lamang habang nagsasalita, "Sharon, bakit hindi ka pa tumigil? hindi ka na mahal ni Howard. H
Read more
Kabanata 25
Malamig na tiningnan ni Howard si Sharon nang makita si Sally na mukhang inapi ni Sharon. "Anong ginawa mo kay Sally?"Tiningnan nang seryoso ni Sharon si Howard na todo protekta kay Sally, natatawa siya rito.Ang lalaking minsang nangakong siya lang ang mamahalin ay prinoprotektahan ang ibang babae ngayon at siya ang kinagagalitan.Tiningnan niya si Sally at nagtanong, "Tatanungin kita sa huling pagkakataon. Sasabihin mo ba sakin kung sino ang lalaking iyon?"Makikita ang pagsilip ng kaunting takot sa mga mata ni Sally. Imposible para sa kaniya na hindi matakot sa mga pinagsasabi ni Sharon sa harap ni Howard."Anong lalaki?" nagtatakang tanong ni Howard.Kabadong nagsalita si Sally, "Huwag mo siyang pansinin. Sinubukan niya akong takutin kanina at sinabi pa sakin na ibalik kita sa kaniya."Ngumiti nang malamig si Sharon. 'Dumating na sa puntong ito ang mga bagay-bagay, pero nagsisinungaling pa rin si Sally kay Howard.'Dahil ayaw makipagtulungan ni Sally, hindi siya pwedeng ma
Read more
Kabanata 26
Dumilim ang matandang mukha ni Douglas, "Nakapasa siya sa test ko. Sa tingin ko ay kaya niyang maging secretary mo."Naningkit ang mga mata ni Simon. "Hindi po ako naghahanap ng secretary. Kung ipipilit po ni Director Zachary na magtrabaho siya dito sa kumpanya. Sasabihin ko sa personnel department na ilagay siya sa isang karapat-dapat na posisyon.""Hindi na kailangan iyon. Mas magiging mabuti kung magiging secretary mo siya.""Director Zachary, naghahanap ba kayo ng secretary ko o mapapangasawa?" Hindi na gusto pang magpaligoy-ligoy ni Simon.Napapagod na sa usapan si Douglas at nagsalita nang walang emosyon, "Nakita kong lumaki si Rebecca. Mabait ang batang iyan. Magaling siya sa academics at mahinhin. Bagay siyang maging asawa mo at matutulungan ka.""Dad, hindi ko kailangan ng babae." Ang gustong sabihin ni Simon ay wala siya kahit kaunting interes sa mga babae sa paligid niya.Umismid si Douglas. "Oh talaga? ibig mo bang sabihin ay mayroon ka ng nobya? bakit hindi ko alam?"
Read more
Kabanata 27
Nagulat siya nang makita ang matangkad at malaking lalaki. "President Zachary? Ano pong nagdala sa inyo dito?""Nandito si tito para malaman kung gumaling na po ang paa niyo o hindi," Sumagot si Sebastian para kay Simon.Hindi inasahan ni Sharon na mag-alala ito nang sobra sa kaniya, at mabilis siyang sumagot, "Wala pong problema, ayos na po ako para makapasok bukas sa trabaho. Hindi niyo po kailangang personal pang pumunta rito.""Hindi naman problema iyon. Dahil naman sa akin kung bakit ka nagkasugat," mahinang sabi ni Simon."Shar, bakit hindi mo bilisan at imbitahin si President Zachary sa loob ng bahay?" dagdag ni Riley.Doon lamang bumalik sa sarili si Sharon at mabilis na nagbigay daan. "President Zachary, pumasok po kayo at maupo."Umunat ang mahahabang binti ng lalagi at tumapak sa loob ng bahay. Hindi ito nakaramdam ng hiya kahit kaunti.Inimbitahan siya ni Sharon na maupo sa sala bago siya bigyan ng isang basong tubig at ilagay ito sa harapan niya.Nang sunduin ni R
Read more
Kabanata 28
Inilapag ni Sharon ang mga pagkain sa lamesa at inimbitang umupo si Simon.Pakiramdam ni Sharon ay hindi niya ito narerespeto habang tinitingnan ang tatlong simpleng putaheng inihanda niya. Hindi na kailangang sabihing labis ang hiya niya. “Ahh.. kaunti lang ang putahe. Sana ay mapagtiisin niyo.”Hindi nagsalita si Simon at simpleng umupo lamang sa gilid ng mesa.Si Sebastian naman ay natutuwa. “Mommy, sa malaking mangkok na yan ng nilagang baboy ngayong gabi, sobra na po ‘yan.”Tiningnan ni Simon ang bata at tinitigan ang payat nitong mga braso at binti. ‘Naging sobrang hirap ba ng buhay nila dati na walang makaing karne ang bata?’“Kumain ka nang madami kung ganoon.” Binigyan ni Simon ng malaking parte ng nilagang baboy si Sebastian.“Salamat po, pero ako na po ang kukuha. Hindi niyo po kailangang maging sobrang bait sa akin.” Matapos magsalita ni Sebastian, nagkusa ito at kumaha ng dalawa pang piraso ng karne at inilagay sa kaniyang plato. Hindi kailangang turuan si Sebastian
Read more
Kabanata 29
Ang malapad nitong palad, na tela lamang damit niya ang pagitan ay nasa kaniyang beywang. Kahit ganoon, pakiramdam niya ay nasusunog ang balat niya sa parteng ito.Umabot sa kaniyang pisngi ang mainit na sensasyon, pakiramdam niya ay napakainit ng mukha niya.'Diyos ko, anong nangyayari sa akin?'HIndi alam ni Sharon kung paano siya nakarating sa gilid ng kotse. Mayroong hawak na payong si Franky na nasa tabi ng kotse. Nang makita nito ang dalawa na papalapit sa kaniya, nagkusa ito at binuksan ang pinto ng kotse. Doon ay hinintay niya si Simon na pumasok.Nakaramdam ng inis si Sharon. 'Siguradong mayroong dalang dalawang payong si Franky. Hindi ko siya kailangang ihatid sa baba.'Sa gilid ng kotse, binitawan ni Simon si Sharon at binalik dito ang payong. Mayroong hawak na isa pang payong si Franky para sa kaniya.Yumuko si Sharon. "Ahh... mag-ingat po kayo pauwi.""Sige. Ikaw rin, mag-iingat ka." puno ng atensyon ang mga mata ng lalaki habang tinititigan siya nito."Kung ganoon
Read more
Kabanata 30
Simula nang makita siya ni Sharon kasama si Connor Leonard sa hospital, hindi mapigilang mag-alala ni Sally na malaman nito ang kaniyang sikreto. Kaya naman mayroon siyang mga nilagay na tao para subaybayan ang mga galaw ni Sharon.Hindi niya inaasahang aakitin ni Sharon si Simon!Matapos makita ang huling litrato, bigla siyang nakaramdam ng inis. Namumuo ang galit sa kaniyang mga mata, at muntik niya ng ibato ang kanyang telepono.Ang huling mga litrato ay kina Howard at Sharon na magkasama!'Gabing-gabi na pero hindi pa siya nakakauwi. 'Yun pala ay pinuntahan niya si Sharon!'Tinitigan niya ang mga litrato nang puno ng galit ang ,ga mata. 'Dapat siyang mamatay! hindi ko hahayang magmalaki nanaman si Sharon. Tuturuan ko siya ng leksyon!'..Pagkatapos ng ulan ay maaraw na kinabukasan. Sariwa ang simoy ng hangin.Halos magaling na ang sugat sa paa ni Sharon. Ganunpaman, bumalik na siya sa trabaho nang araw na iyon.Katulad ng nakasanayan, hinatid niya ang anak sa school bago m
Read more
PREV
123456
...
175
DMCA.com Protection Status