Busog na busog si Sebastian. Hinaplos nito ang kaniyang lumobong tiyan. “Mommy, parang pakwan po ba ang tiyan ko?”Hinawakan din ni Sharon ang kanyang tiyan, namamangha. “Sinong nagsabi sayong kumain nang ganoon karami?”“Sobrang sarap po ng pagkain, hindi ko mapigilan.” Hinimas ng bata ang tiyan nito. Kung hindi siya sobrang busog, kakain pa siya nang marami.“Mommy, sobrang sarap ng pagkain kila Dad.” hindi mapigilang dumaing ng bata.“Kung ganoon, kapag tumira ka na dito sa susunod, pwede kang kumain ng maraming masasarap na pagkain araw-araw,” biglang sabi ni Simon.“Tama iyon. Dito ka na lang tumira, sasabihin ko sa kasambahay na maghanda ng kwarto para sa iyo.” Kaagad na inutusan ni Douglas ang isang butler para asikasuhin ito.Tiningnan ni Sebastian ang kaniyang Mommy, naghihintay ng pagsang-ayon,” Dito po ba tayo titira?”“Well…” Tiningnan ni Sharon si Douglas, pagkatapos ay si Simon. Plano naman nilang patirahin dito ang bata, tama?Si Simon pa rin ang ama ng bata. Kai
Magbasa pa