All Chapters of Ang Tatay kong CEO: Chapter 51 - Chapter 60
1747 Chapters
Kabanata 51
Alam niya na ngayon na ang kaniyang lolo ay isang taong walang maglalakas-loob na galitin sa bahay na ito, kaya naman kailangan niya lamang na kampihan siya ng lolo niya sa lahat.Tiningnan ni Douglas si Fiona at seryosong sinabi, “Sige na, huwag ka ng gumawa pa ng gulo. Napakatanda mo na. Bakit ka nakikipagsagutan sa isang bata?”“Dad!” Naninikip ang dibdib ni Fiona sa galit. Sinasabihan na rin siya nito na matanda na siya. Matanda na ba talaga siya?Galit na umupo sI Fiona sa sofa. Mayroong madilim na kislap sa mga mata ni Sharon habang nakangiti at sinabi rito, “Fiona, madalas na makulit si Sebastian, huwag mo na lamang siyang pansinin.”“Sinong tinatawag mong Fiona? Huwag mong isipin na dahil pinakasalan ka ni Simon ay parte ka na ng mga Zachary!`” Mabilis na sagot ni Fiona.“Fiona, asawa ko siya, kaya’t natural lamang na parte na siya ng pamilya. Pakiusap ay maging mabuti ka sa kaniya at huwag mo siyang apiihin dahil lamang bago siya,” Kaswal na sabi ni Simon habang ang mga k
Read more
Kabanata 52
Kumunot ang noo ni Sharon sa kaniya. Ang marriage agreement na pinirmahan nila ni Simon ay para sa isang sikretong kasal at hindi nila ito isasapubliko. Kaya naman walang magiging kasalan.Marahil ay nalaman ito ni Sally at sinadyang banggitin ito. Sinusubukan ba nitong gawin siyang hangal?Sasagot na sana si Sharon nang mahinang tanungin ni Simon si Sally, “Kailangan mo bang pakialaman ang bagay na ito?”Habang malamig at matalim na tinitingnan ni Simon, kumabog ang dibdib ni Sally at mabilis na pinilit ngumiti. “I… iniisip ko lamang si Sharon. Gusto ko lang batiin siya ng lahat.”“Salamat sa pag-aalala sa amin, pero buntis ka ngayon, kaya’t hindi mo na dapat dagdagan pa ang inaalala mo,” Sagot ni Sharon sa mga sinabi nito, hindi na gusto pang panoorin ang pagpapaka-ipokrita nito.Sumama ang ekspresyon ni Sally habang tahimik na niyuyukom ang mga kamao. Binabantaan ba siya ni Sharon gamit ang bata para patahimikin siya?Nakakainis. Hindi niya dapat kailanman hayaan na makapasok
Read more
Kabanata 53
Kung hindi lamang siya buntis ngayon, hindi siya magiging mapagbigay dito.Ang kahinaan ni Sally ay ang bata sa kaniyang sinapupunan. Bigla nitong hinawakan ang kamay ni Sharon at inilapat sa tiyan nito. “Hindi ba’t plano mong i-paternity test si Howard at ang anak ko? Sige, gawin mo! Sabihin mo, kapag nawala ang batang ito, malalaman pa ba ni Howard na hindi sa kaniya ang batang ito?”Nakita ni Sharon ang kabaliwan sa mga mata ni Sally, lumakas bigla ang kaniyang loob. “Tigilan mo na ang pananakot sa akin!” Malakas niyang binawi ang kaniyang kamay, pagkatapos ay umatras nang ilang hakbang upang idistansya ang sarili.Hind siya natatakot kay Sally, pero natatakot siyang gumawa ito ng mga kakaibang bagay para i-frame siya.Hindi na mahalaga kung sino ang ama ng bata, pero inosente ito. Hindi siya ganoon kasama para pumatay ng isang munting buhay.Tumawa si Sally nang makita ang kaniyang inakto. “Natakot ka rin?”Huminto ito at tumigil sa pagtawa. Pagkatapos, galit siyang tiningna
Read more
Kabanata 54
Pinanood ni Sharon na mahulog si Sally at dumaloy ang dugo sa mga hita nito. Sumisigaw ito sa sakit habang nasa sahig.Labis ang kaniyang takot at gulat kung gaano kasama si Sally. Dumating pa ito sa puntong handa nitong patayin ang anak na nasa sinapupunan!Narinig ang tunog ng mga yapak na nagmamadaling lumapit, at maraming anino ang pumalibot sa kanila. Natataranta ang lahat sa paligid ni Sally!Nang marami ng tao ang nasa paligid, narinig ni Sharon na sinasabi ni Sally na tinulak niya ito. Sa sumunod na sandali, isang sampal ang dumapo sa kaniyang mukha!Galit na galit na sumigaw si Fiona, "Sharon, napakasama mong babae! Pinatay mo ang apo ko! Kailangan mong magbayad sa nagawa mo!”Hindi pa nakakabalik si Sharon sa sarili mula sa sampal ni Fiona nang magmadali itong lumapit at hinawakan ang kaniyang leeg. Namamaos itong sumigaw, “Pinatay mo ang apo ko! Buhay mo ang kabayaran! Buhay mo ang kabayaran!”Inilabas ni Fiona ang lahat ng lakas nito sa pagsakal sa leeg niya, nawawal
Read more
Kabanata 55
Sa sandaling ito, isang pangungusap mula sa kaniyang anak ang nakapagpagaan ng kaniyang pakiramdam.Hindi na mahalaga kung paano siya tratuhin ng iba. Mayroon pa rin siyang anak na kakampi sa kaniya.Kontento na siyang malaman ito.Si Sally na labis na ang sakit na nararamdaman habang nakahiga sa sahig ay tumingin nang masama kay Sharon dahil sa pagkainis. Sinugal niya na ang buhay ng kanyang anak upang kaladkarin sa putikan si Sharon. Bakit niya ito hahayaang makawala nang madali?Miserable nitong tiningan si Sharon. Habang puno ng luha ang mukha, kaawa-awa nitong sinabi, “Sharon, alam kong galit ka sa akin sa pagsira ko ng kasal mo noon. Pero inosente ang anak ko. Pwede mo akong saktan… pero bakit kailangan mong idamay ang anak ko?”Nagliyab muli ang galit ni Fiona sa mga sinabi ni Sally. Puno ng galit ang kaniyang mukha, nais niyang pagpira-pirasuhin si Sharon. “Walang-hiya ka, kailangan mong magbayad sa buhay ng apo ko!” lalapit sana siyang muli.Hinarangan ni Simon ang kaniy
Read more
Kabanata 56
Sa sumunod na araw, inilabas ni Riley si Sebastian para maglibang. Wala sa mood si Sharon. Dagdag pa rito, kailangan niya rin magmadali sa pagdidisenyo ng draft niya, kaya naman hindi na siya sumama sa kanila.Hindi natulog ng buong gabi si Sharon. Nang araw na iyon, wala pa rin siyang natanggap na anumang balita mula kay Simon. Hindi niya matuon ang buong atensyon niya sa habang gumuguhit sa art paper.Sa sandaling iyon, narinig niya ang pagbukas ng pinto. Isinantabi niya ang kaniyang mga iniisip, inisip niya ngayon kung maaga bang umuwi sina Riley at Sebastian?Lumabas siya sa kaniyang kwarto at binuksan ang pinto. “Bakit kayo bumalik...” Bago pa siya matapos magsalita, hindi siya makapaniwala sa taong nakatayo sa harapan. “Howard? Anong ginagawa mo rito?”Nakatayo si Howard sa may pintuan at magulo ang suot na damit. Magulo rin ang buhok nito at ang mga mata ay kitang-kita ang mga maliliit na ugat. Makikita ang mga itim sa ilalim ng mga mata nito, at mayroong dumi sa paligid ng
Read more
Kabanata 57
Puno ng lasa ng dugo ang bibig ni Howard. Pinunasan niya ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. Tumingala siya at mabangis na tiningnan si Simon. Sa sandaling ito, wala na siya sa katinuan at wala ng pakialam na ang nakatayo sa harapan niya ay kaniyang tiyuhin.“Gusto ko siyang patayin! Siya ang pumatay sa anak ko!” Namamaos ang kaniyang boses, at ang kaniyang mga mata ay kumikinang sa pagnanais na pumatay.“Hindi ko..” Mayroong masakit na sensasyon sa lalamunan ni Sharon matapos masakal nang ganoon. Nang magsalita siya, namamaos ang kanyang boses.“Mamamatay tao, malakas pa rin ang loob mong tumanggi?!” Bawat salitang sinasabi nito ay parang malamig na espadang humihiwa sa kaniya nang piraso-piraso.Tuwing magsasalita si Sharon, nararamdaman niya ang matinding sakit sa paligid ng kaniyang lalamunan, ngunit pinilit niyang magsalita, “Hindi ko siya tinulak. SInadya niyang ihulog ang sarili. Siya ang walang-awang pumatay sa sarili niyang anak!”“Hmph.. hanggang sa puntong ito ay plano
Read more
Kabanata 58
Tinitigan ni Sharon ang resulta ng report, hindi makapaniwala. ‘Anak ni Howard ang batang iyon?’‘Paano ito nangyari?’ Narinig niya nang malinaw ang usapan nina Sally at ng lalaking doktor. ‘Kay Wayne ang batang iyon!’‘Mali ba ako?’‘Hindi. Kung mali ako, hindi sasabihin ni Sally sa akin ang mga bagay na iyon sa bahay ng mga Zachary. Hindi niya ihuhulog ang sarili sa hagdan para lang makunan siya. Hindi ba’t ginawa niya lahat iyon dahil natatakot siyang maging banta ang banta sa kanita?!‘Sigurado akong hindi kay Howard ang bata. Hindi kaya ang report na ito ay..”Tumingala siya upang tingnan si Simon nang may pag-aalinlangan. ‘Nagkamali ba siya?’Gayunpaman, si Simon Zachary ang lalaking ito. Walang maglalakas loob na lokohin ito. ‘Hindi ba’t naghuhukay ng sariling libingan ang taong magbibigay sa kaniya ng pekeng report?’‘Paano mangyayaring…’ Nakatitig lamang siya sa resulta, at matagal bago siya bumalik sa sarili.‘Hindi na nakapagtataka na handa itong sampalin si Howard p
Read more
Kabanata 59
’Si Sharon, si Sharon ang dahilan ng lahat kung bakit ako nagkaganito!’Bigla namang mayroong malakas na tumulak sa pinto ng ward. Bang! Natakot si Sally sa tunog. Lumingon siya, nakita si Howard na papalapit at mayroong malamig na ekspresyon.“Howard?” Tiningnan niya ang lalaking nakatatakot ang aura, nabibigla siya at nalilito. Marahan siyang nagtanong, “Anong nangyari sa iyo?”Bang! Nagulat siya sa nang bumagsak ang suntok ni Howard sa dingding ng hospital sa tabi ng kama.“Napakawalang-hiya ni Sharon! Hindi ko alam na kaya niyang hibangin ng ganoon si tito!”Walang habas na sigaw ni Howard, ngunit hindi niya pa rin mailabas ang inis na nararamdaman niya.Kuminang ang mga mata ni Sally. Dahil pala kay Sharon. Sa loob-loob ni Sally ay nakangiti siya nang malamig nang makita niya kung gaano ito kagalit. ‘Kahit na anuman ang mangyari sa susunod, kalimutan na ni Sharon na maaagaw niya sa akin si Howard!”“Howard, ikaw…” Nang mayroon na siyang sasabihin, bigla itong lumapit sa kani
Read more
Kabanata 60
Totoo ngang maraming kailagang asikasuhin si Simon sa araw na iyon. Nang makitang ayos si Sharon, tumango ito nang kaunti. “Mabuti kung ganoon. Tawagan mo ako kapag mayroong nangyari.” Tumalikod ito at umalis matapos magsalita.Bigla namang sumigaw si Sharon. “Sandali!”Huminto ang lalaki. Lumingon ito, at ang tahimik nitong mga mata ay nakatitig sa kaniya. “Sandali pa lang ay mayroon kaagad nangyayari?” kumurba at ngumisi ang maninipis nitong labi na walang nakapansin.Sumulyap si Sharon sa kaniya at pagkatapos ay binaba ang tingin. Ang kamay niyang nasa gilid ng kaniyang katawan ay nakahawak sa kaniyang manggas. “Ah, gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ko talaga tinulak si Sally.”Alam niyang pagkatapos ng insidenteng ito na nangyari sa bahay ng mga Zachary, kailangan nitong harapin ang matinding pressure na ibibigay ng pamilya Zachary. Pipilitin nila itong makipaghiwalay sa kaniya o palayuin siya. Ayaw niyang mawalan ito ng tiwala sa kaniya habang dala-dala nitong ang bigat n
Read more
PREV
1
...
45678
...
175
DMCA.com Protection Status