All Chapters of CARIÑO ETERNO: Chapter 21 - Chapter 30
44 Chapters
CHAPTER 20
CHAPTER 20 Enero 1743  “Ina bakit po ang tagal bumalik nila Ama?” nag-aalala kong tanong kay Ina. Agad akong nilapitan ni Ina para pagaanin ang aking pakiramdam. Gabi na pero wala pa rin si Ama, kinakabahan na ako dahil kanina pa sila pumasok sa Intramuros. Parang noon lang labas-pasok pa kami doon, malayang nakakapagkalakal, at malayang nabubuhay. Pero ng may dumating na balita na may mga dugong bughaw daw ang nagbabalak ng pagaaklas sa Kaharian ng Espanya ay tuluyan kaming naalarma. May dugo akong bughaw, dugong Datu.  “Alam mo ba Anak, ang natatandaan ko sa kwento ng matatanda… masaya noon ang pamumuhay ng mga Pilipino, masagana sa yaman ng kalikasan at karunungan. Malayang nakakagalaw sa sariling lupang sinilangan…” wika ni Ina. Malaki na ako pero hindi ako nagsasawang pakinggan ang mga kwento ni Ina.
Read more
CHAPTER 21
CHAPTER 21 Hindi ko lubos maisip na yun na pala ang huling gabing gagawin sa akin yon ni Ina. Hindi ko na matutupad ang aking kagustuhan na bumawi sa kanyang sakripisyo sa akin. Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mata. Dahan-dahang pumatak ang aking mga luha dahil muling nagbalik ang mapait na alaalang iyon sa akin. Noon, wala akong nagawa pero ngayon, binigyan ako ng pagkakataon na makabawi. Ano pa ang saysay ng buhay ko kung wala akong pinaglalaban? Ano pa ang saysay ng aming pagtatago kung darating naman ang panahon na muli kaming lalaban? Ano ang saysay ko bilang anak ng Datu, na dapat tagapagmuno ng isang sandatahan? May pagkakataon akong maging handa, at sisiguraduhin kong makukuha ko ang nararapat na hustisya para sa pagkamatay ni Ina. Nakapa ko naman ang kwaderno ni Selestina na nasa aking bulsa. Buti na lang hindi ito nalaglag sa ilog. Inilabas ko iyon para tingnan at buksan pero ma
Read more
CHAPTER 22
CHAPTER 22 Pagtapos naming magensayo ni Li Wei ay hinayaan niya na ako sa aking sarili. Ang sabi niya ay sapat na daw ang aking nalalaman para ipagtanggol ang aking sarili pati na rin ang ibang taong nangangailangan. Kahit di man niya ako samahan ay lagi pa rin akong pumupunta sa lugar kung nakalubog ang lupa at napapalibutan ng mga puno habang sa gitna ng nakalubog na pabilog na lupa ay tanging damo lang ang nakatanim. Doon ay nageensayo ako at nagpapalakas pa, lalo na tuwing umaga at hapon kung kelan pasikat at palubog ang haring-araw. Hindi ako pinanghinaan ng loob kahit na sobra na akong napapagod. Pinagpapawisan ako ng isang tagaktak, pero napapangiti ako dahil ibig sabihin lang nun ay mas lalong lumalakas ang aking katawan. Mas lalo ko pang pinataas ang aking mga sipa at mas lalo kong pinakalakas ang aking pagsuntok. Kahit walang sandata ay siguradong mananalo ako. Usang umaga haba
Read more
CHAPTER 23
CHAPTER 23 Oktubre, Enero 1744 Inilipat ko pa ang mga pahina at hindi na nagbago ang kanyang iginuhit. Ang lalaking ito na nasa kwaderno niya. Hindi kaya ako ito? Bumilis ang pintig ng puso ko. Nanginginig ako habang inililipat ang mga pahina. At sa dulong bahagi ay andun ang isang tula. Hindi ko alam pero ako ay napaibig sayong mga mataSa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang sayaPero iba ka sa akin, at alam kong hindi na tayo muling magkikitaKahit na ganon, nagawa ko namang iguhit ka Sana muli tayong magkita para mas lalo kitang makilalaHindi ka na matanggal dito sa aking isipan, kaya ito ako, tumutulaNgayon lang ako nahibang sa isang lalaking bigla-biglang susulpot sa kagubatanNgayon lang bumilis ang pintig nito, at ako ay kinakabahan
Read more
CHAPTER 24
CHAPTER 24  ~~~~~  “At pag naisakatuparan ko ang aking plano ay magiging tanyag ang aking pangalan. Mailalagay ito sa kasaysayan at kikilalanin ako ng mga susunod pang mga henerasyon!” humalakhak pa siya pagtapos niyang sambitin iyon. Ngayon mas lalo ko pang naunawaan kung bakit niya kailangan ang isang katulad ko. Isusuko niya ako sa Kolonya, at kapalit nun ay isang parangal. Parangal na siyang kikilala sa kanya sa mahabang panahon. Parangal na hindi lang kayamanan ang kapalit kundi pati katanyagan. Mahirap kalaban ang isang sakim! “At nagpapasalamat ako dahil nakilala ka ng aking anak na si Selestina” napatingin ako sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Selestina. Mas lalong tumalim ang kanyang tingin niya sa akin. Binigyan ko rin siya ng nagbabantang tingin. “Swerte talaga ang dala ng anak kong iyon, pero ikaw malas ang dala niya say
Read more
CHAPTER 25
CHAPTER 25 Hindi naman niya natagalan ang aking pagtitig sa kanya. Tumingin siya sa ibang direksyon at saka naglakad-lakad sa buong silid. “Ganyan na ganyan din ang tingin mo noong ikaw dapat ang babarilin ko, pero sa kasamaang palad ay ang iyong Ina ang aking natamaan” sambit ni Demetrio. Mukhang pinagmamalaki niya pa ang kanyang pagpaslang kay Ina. “Akala ko nga noong muli tayong nagkita ay makikilala mo ako kaagad, pero hindi mo ako nagawang maalala” ngumisi pa siya. Totoo, hindi ko siya nakilala noong panahong muli kaming nagkita. Kung alam ko lang ay sinaksak ko na siya sa kanyang dibdib. “Alam kong gusto mo akong paslangin, pero mukhang mauunahan na kita” sambit niya. Dinukot niya ang kanyang maliit na baril. Rebolber kung tawagin. Itinutok niya ito sa aking ulo dahilan upang magpumiglas ako. Bigla akong nakaramdam ng takot. Nanginig ang buo kong katawan. Kung pipisilin niya ang gant
Read more
CHAPTER 26
CHAPTER 26 “Magandang Umaga Pedro” Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at ang kanyang napakagandang ngiti agad ang bumungad sa akin. Sadyang kahali-halina ang kanyang ganda. Mukhang kakagising niya lang din pero ang aliwalas na ng kanyang mukha. Kung ganto palagi ang bubungad sa aking umaga ay sadyang sasaya ang buong araw ko. “Samahan mo akong maglaba Pedro, nakakahiya naman kung palagi na lang natin iuutos sa alipin niyo…” sambit ni Selestina. Inaantok pa rin ako pero pinilit kong bumangon. Banig lang ang hinihigaan namin dahil wala kaming malalambot na kama at unan. Nung una  ay nagalangan ako na patirahin si Selestina dito sa aming lupain. Natakot ako na baka pag nakita niya ang kalagayanan namin  ay agad niya akong talikuran. Pero hindi, tinanggap niya kung ano lang ang meron kami. Muli ko tuloy natandaan ang pagbalik namin dito sa a
Read more
CHAPTER 27
CHAPTER 27  Gabi na at parehas kaming nakatingin sa mga bituin at pati na rin sa buwan na hindi buo. Nasa labas lang kaming dalawa ni Selestina ng kubo habang nakaupo. Walang kaulap-ulap sa kalangitan kaya kitang-kita namin lahat ng nagniningning na mga bituin. Talagang napakaganda nila pagmasdan, lalo na at kasama ko ngayon si Selestina. “Paano pala kayo napadpad sa lugar na ‘to?” tanong ni Selestina. Hindi ako nakasagot agad dahil muli kong natandaan kung paanong bumagsak ang tatlong bulalakaw sa lupa, “Tinabas niyo ba lahat ng mga puno dito kaya kayo nagkaroon ng pagtatayuan ng mga kubo?” muling tanong ni Selestina. “May tatlong bulalakaw na bumagsak sa lupaing ito” sambit ko upang mamangha si Selestina. “Talaga? Tatlo? Nakita mo yung pagbagsak nila?” sunod-sunod na tanong ni Selestina. “Oo, kitang-kita ko kung paano bumagsak
Read more
CHAPTER 28
CHAPTER 28  Pagtapos kong malinis ang aking katawan ay agad akong nagpalit ng kasuotan. Talagang nawawala nga si Himal-ing. Naging manhid ba talaga ako? O sadyang hindi ko lang dama ang pagmamahal na gustong ipakita ni Himal-ing. Pero alam ko sa sarili ko na wala akong nagawang kasalanan. Pagtapos makapagpalit ay hinanap ko ang pulang kuwaderno ni Selestina na puno ng mga larawan na iginuhit niya. Ngunit hindi ko makita. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng hindi ko makita sa buong bahay-kubo. Alam ko kung saan ko yun huling nailagay, at hindi yun maaaring mawala dahil ibabalik ko iyon bukas kay Selestina. Nagpaikot-ikot ako sa buong bahay pero wala talaga akong makitang pulang kwaderno. Nasaan naman kaya iyon? Hindi ko naman iyon nawala dahil ingat na ingat ko iyon. “Palan-taw” tawag sa akin ni Ama na kakarating lang sa aming bahay-kubo. “Pinahanap ko na si H
Read more
CHAPTER 29
CHAPTER 29  “Tara na aking mahal, habang di pa sumisikat ang araw” nginitian ko naman siya upang mas lalo siyang pumayag. Sigurado namang kita niya iyon dahil sa liwanag ng buwan. Hindi naman siya muling nagsalita. Nabalot na naman kami ng katahimikan. Nakatingin lang ako sa kanyang marilag na mata. Ganon din siya sa akin. Naramdaman ko naman ang pagsimoy ng sariwang hangin na siyang nagbigay ng lamig sa aking katawan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Inilabag ko naman ang aking hawak na sipat at palaso, at hinawakan ko rin siya sa kanyang bewang. Tiningnan ko pa rin siya sa kanyang mata, “Mahal na mahal kita Selestina, at gusto kong maging ligtas ka sa araw-araw… gusto kong maging espesyal ang araw na ito para sayo… gusto pa kitang makasama hanggang sa pagtanda” seryoso kong sambit sa kanya. “Pero paano yung pagpapasa ng kapangyarihan sayo
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status