All Chapters of Happier (Tagalog) : Chapter 21 - Chapter 30
69 Chapters
Chapter 21
Ngayong araw na gaganapin ang pageant na sinalihan namin nila Zale at Harris. Hindi naman ako kinakabahan dahil hindi ko rin namang gustong manalo sa paligsahan na ito.  Sumali lang ako dahil kay Vie. Ngunit ang inaalala ko ay ang muling pagkikita namin ni Misty. Matagal tagal na rin mula ng nagkaroon kami ng interaksyon sa isa't isa. Ang palagi niya lang kasama ay si Zale sa tuwing nag-eensayo sila at pagkatapos naman ng klase ay agad na itong uuwi. Tungkol naman sa amin ni Zale ay parang normal lang ang lahat. Siguro nga ay hindi niya napansin ang naging pag-uusap namin ni Harris nung nakaraang gabi. Nag-aalala naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na si Harris ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ni Harris sa oras na malaman niyang magkakaroon ako ng date kasama si Zale sa katapusan ng school year. Natigil naman ako sa pagbibihis dahil nakatanggap ako ng me
Read more
Chapter 22
"Misty!" sigaw ko habang naglalakad papunta kung saan naroroon si Misty, hindi niya ako narinig at akmang sisigaw na ulit sana ako pero sumulpot sa harapan ko si Zale. "Oh Ava? Anong ginagawa mo rito?" tanong agad sa akin ni Zale. Tumingin naman ulit ako kung nasaan si Misty at wala na siya doon, marahil ay tuluyan na itong nakaalis.  "Wala. Congrats! I'm sure masaya si Misty kase paniguradong gagawin kayong loveteam ng mga ka-schoolmates natin," nakangiting saad ko naman sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata na hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi ko ngunit nagpatuloy lang ako.  "Kamusta kayo ni Harris?" biglang tanong naman sa akin ni Zale dahilan upang nabigla ako at kabahan. Alam niya ba na May namamagitan na sa amin ni Harris?  "Kami? Wala..." kinakabahan kong sabi at tumawa. "Ikaw naman bakit ba si Harris pinag-uusapan natin diba dapat mag celebrate tayo? N
Read more
Chapter 23
Nahiga na ako sa aking kama pagkatapos kong maglinis ng katawan. Grabe at sobrang bigat ng tiyan ko, marahil siguro ay napaka dami kong kinain kanina. Sa buong buhay ko ay ngayon palang ako nakakain ng ganoon karami at ka sarap, iba pala talaga kapag pang mayaman ang pagkain sobrang sarap.   Nagulat naman ako at biglang kinabahan dahil hindi si Harris ang nag text sa akin kung hindi ay si Zale.  "Magkita tayo bukas sa dati nating pinupuntahan, sa Yata park. Huwag kang mag-alala gusto lang kita makausap. Congrats pala sa inyo ni Harris, good night," text sa akin ni Zale, hindi ko naman maiwasan ang sarili ko na isipin kung anong pag-uusapan namin bukas, siguro ay tungkol iyon sa aming dalawa.  Lalo naman akong kinabahan dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Magagalit ba siya? Nasaktan ba siya kanina? O hindi naman niya iyon ininda? Hindi ko alam, bakit ba ang sarili ko ang tinatanong
Read more
Chapter 24
Lumipas pa ang ilang mga araw at naging sobrang masaya ako. Araw-araw ay ginaganahan akong pumasok dahil makikita ko si Harris, at madaling mag aral dahil wala na rin akong problema. Palagi lang kaming nagtatawanan nila Harris, Jade and Vie. Kung nawala si Misty ay si Harris naman ang pumalit bilang bagong myembro ng pagkakaibigan namin.  Sa paglipas din ng mga araw ay unti-unting nakilala ko pa si Harris. Mas makulit at mas clingy pa pala ito kaysa sa inaasahan ko. Minsan ay may pagka seloso rin ito kaya hindi na ako masyadong nakikipaghalubilo sa iba pang lalaking estudyante para walang gulo. Halos araw-araw din ay nasa bahay siya dahil gustong gusto ng mama ko na nandoon siya. Palagi silang nag-uusap, lalo na't madaming alam si Harris sa mga bulaklak at ang nanay ko naman ay mahilig sa mga bulaklak.  Samantalang napag-uusapan na rin namin ni Harris ang pagpapakilala niya sa akin sa pamilya niya. Higit isang
Read more
Chapter 25
"Harris kinakabahan ako," mahinang sabi ko habang hawak-hawak ko ang kamay ni Harris.    Ito na ang araw na ipapakilala ako ni Harris sa pamilya niya. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng kabog nito at halos manginig naman ang mga kamay ko, nilalamig din ako.    "Huwag kang kabahan, I'm with you and I will make you feel safe. Let's go?" saad ni Harris at inaya na niya akong lumabas ng sasakyan.   Pagkalabas ko naman ng sasakyan ay agad na namilog ang mga mata ko dahil sa ganda at laki ng bahay nila Harris. Para itong palasyo dahil sa sobrang laki at ganda nito. Makikita rin ang iba't ibang sasakyan na nakaparada na sa unang tingin palang ay halatang mamahalin na iyon. Tanaw ko din ang napakalaking hardin na punong puno ng mga magagandang bulaklak. Kahit na nasa labas pa lang kami ay kamangha-manghang na ang bahay nila Harris at sobrang laki na nito para sa akin, paano pa kaya k
Read more
Chapter 26
Nakarating na kami dito sa resort ng uncle ni harris. Napaka ganda ng lugar at talagang nakaka-relax dito kaya nabawi agad ang lakas ko kahit na tatlong oras kami ni Harris sa byahe. Hindi masyadong marami ang mga tao, siguro ay private ito. Mukhang mamahalin ang lugar at pati narin ang mga gamit. Mukhang mayaman din ang mga tao rito kaya nakakahiya.  Naglalakad na kami ngayon habang sinusundan namin ang babaeng magdadala sa aming nakatakdang kwarto. Ayaw ko sanang magkasama kami ni Harris sa iisang kwarto ngunit ang sabi ng isang babae kanina ay lahat daw ng kwarto dito ay pang dalawang tao at may dalawang kama naman daw kaya pumayag na rin ako.  Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung kasama mo itong si Harris sa iisang kwarto, baka mamaya virgin akong pumasok at na devirginized na ako paglabas.  Napailing na lang ako dahil alam ko namang may respeto at nirerespeto ako ni Harris. Minsan lang talaga a
Read more
Chapter 27
Nagising na lang ako na mag isa at wala sa tabi ko si Harris. Tumayo agad ako ng kama at nag ayos ng sarili. Naalala ko rin na kailangan ko na pala umuwi dahil hindi ko pa nakakausap ang nanay ko, baka isipin niya ay nagtanan na kami ni Harris.  Isa pa sa dahilan kung bakit kailangan ko ng umuwi ay may pasok na kami ni Harris. May natitirang dalawang linggo pa kami upang pumasok dahil patapos na ang school year.  Dumiretso ako sa banyo at naligo, pagkatapos no'n ay sinuot ko na ang mga damit na binigay sa akin ni Harris. Pansin ko rin na sobrang ganda ng mga damit na binili ni Harris para sa akin, bagay na bagay at sakto lang sa katawan ko. Mukhang mamahalin din dahil sa ganda ng design at ng tela na ginamit para magawa ang damit na to.  Saktong pagkatapos kong mag ayos ng buhok ay may kumatok sa pintuan kaya agad ko iyong binuksan. Bumungad sa akin ang isang babae na empleyado sa resort na ito na nakangit
Read more
Chapter 28
"Dahan-dahan lang Hera, isipin mong may bata d'yan sa sinapupunan mo," nag-aalalang paalala ng uncle ni Harris na sa pagkakasabi niya sa akin ay Atlas ang pangalan. "Tumahimik ka," tipid at masungit na balik lang ng nobya niya na ang pangalan ay Hemera. Napatawa naman kami ng mahina ni Harris. Halos kanina pa kami dito tawa ng tawa dahil sa dalawang ito. Sobrang nakakatuwa sila. Para silang aso at pusa kung mag away. At ang mas nakakatuwa pa ay ang uncle ni Harris ang laging talo at ang nobya niya ang laging nasusunod sa huli.  Pumunta sila sa lamesa namin dahil mas gusto raw ng babae dito pumwesto.  "Ano nga ulit pangalan mo?" kung kanina ay masungit ang tono ni ate Hemera kay uncle Atlas, ngayon naman ay sobrang lambot at hinhin ng boses nito ng tinanong ako. "Ava po," sagot ko naman habang nakangiti rin. Lumipat sila dito sa lamesa namin dahil na
Read more
Chapter 29
"Mag-iingat kayo Ava," paalam sa amin ni ate Hemera at si uncle Atlas naman ay tumango lang at kumaway sa amin nila Harris.  Nabaling ang tingin ko kay Harris nang hawakan niya ang kamay ko at pagkatapos noon ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse.  Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pumasok naman ako doon, tumabi siya sa akin na ikinataka ko.  "Hmm. Hindi ba ikaw ang magmamaneho?" tanong ko sa kanya. Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha niya.  "Uncle Atlas said we should get a driver. Baka raw sa ibang lugar kita dalhin," naasar na sagot niya sa akin. Natawa naman ako.  "What's funny? Nakaka-asar nga, hindi kita makakasama mag-isa," sabi niya pa.  "Huwag ka na mainis. Mabuti nga iyon dahil totoong driver at bihasa ang magmamaneho para sa sa atin," agad naman siyang nagsalita.  "I'm go
Read more
Chapter 30
Gumising akong katabi si Harris. Dahan-dahan akong tumayo at napatingin sa bintana, lumabas na ang haring araw. Nabaling naman ang tingin ko kay Harris na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Umalis na ako sa higaan at dumiretso ako sa malaking bintana na gawa sa salamin at makikita mo ang napakagandang view mula dito sa kwarto namin. Nasa hotel kasi kami ngayon at ang kinuhang kwarto ni Harris ay iyong nasa mataas na bahagi ng building at dahil doon ay napakagandang tanawin ang bumungad sa amin ngayong umaga.  Natigil ang pagtingin ko sa napakagandang tanawin nang maramdaman ko na may yumakap sa akin. Lumingon ako at nakita kong si Harris ito, nagising na pala siya.  Nanatili lang akong nakaharap sa bintana at nakatingin pa rin sa labas, habang si Harris naman ay mahigpit na nakayakap sa akin at nakalagay ang baba niya sa balikat ko. "How's your sleep baby?" bulong sa akin ni Har
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status