May bago na manager si Fred sa Kumpanya nila sa Real Estate, lalaki ito, matipuno ang katawan nasa 6’2 ang taas, di naman ka-gwapuhan ngunit di naman din ito pangit. Camaya ang pangalan nito, dati itong salesperson lamang din ngunit dahil sa connection niya at pag-sipsip na din sa mga nakatataas na-promote ito. Marami ang galit dito dahil tuso ito, nang-aagaw ng benta kahit pa mga sarili niya tauhan. ” Fred, kumusta ang benta?” ”Wala po benta this month Sir Camaya.” ”Pano yan ngayong buwan na ang evaluation ng contract renewal mo?” ”Ho, eh sana po ipasa ninyo pa din ako Sir, bawi na lamang po ako next month.” ”Well, hindi pwede ang ganon, I need to see you have a sale this month before I will renew your contract.”Masipag si Fred sa trabaho, sa totoo lang ay dedicated ito sa kahit na anong mga naging trabaho niya simula pa nuon, ngunit sadyang hindi umaayon sa trabaho niya ang kapalaran. ”Palagi na lang, ganito palagi ang nangyayari, trabaho ng ilang buwan tapos wala n
Last Updated : 2025-05-20 Read more