Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-05-20 11:39:45

May bago na manager si Fred sa Kumpanya nila sa Real Estate, lalaki ito, matipuno ang katawan nasa 6’2 ang taas, di naman ka-gwapuhan ngunit di naman din ito pangit. Camaya ang pangalan nito, dati itong salesperson lamang din ngunit dahil sa connection niya at pag-s****p na din sa mga nakatataas na-promote ito. Marami ang galit dito dahil tuso ito, nang-aagaw ng benta kahit pa mga sarili niya tauhan.

      ” Fred, kumusta ang benta?” ”Wala po benta this month Sir Camaya.” ”Pano yan ngayong buwan na ang evaluation ng contract renewal mo?” ”Ho, eh sana po ipasa ninyo pa din ako Sir, bawi na lamang po ako next month.” ”Well, hindi pwede ang ganon, I need to see you have a sale this month before I will renew your contract.”

Masipag si Fred sa trabaho, sa totoo lang ay dedicated ito sa kahit na anong mga naging trabaho niya simula pa nuon, ngunit sadyang hindi umaayon sa trabaho niya ang kapalaran.

     ”Palagi na lang, ganito palagi ang nangyayari, trabaho ng ilang buwan tapos wala na naman.”

Nasa booth nila sa mall si Fred nang dumating si PJ.

“Fred, kumusta?” “Ok lang bro, eto wala pa din benta.” ”Ha? Eh nakita ko yung isang Client mo kahapon nag cash out na ke Sir Camaya.” ” Ha? Yung intsik? Tagal ko na inalagaan yung Client na yon ah, pero bakit ke Sir siya nag-cash out?” ”Hay nako palibhasa nasa data base ni Sir lahat kliyente natin, totoo pala ang balita nanunulot ng kliyente si Sir.” “Ganun pala eh tapos hinahanapan niya ko ng benta kanina lang.” ”Tuso talaga si Sir. Pag natanggal ka di na makuwestiyon ng kumpanya ang ginawa niya sa kliyente mo.”

     Bakas sa mukha ni Fred ang galit, nakasara ang kanyang mga palad na parang may gusto siya suntukin.

     “Tara iinom na lang natin yan” - sabi ni PJ kay Fred. “Sige”- tugon ni Fred kay PJ.

Dahil taga Maynila pareho ang dalawa uminom sila sa isang lugar sa Tayuman, malapit sa isang Mall duon.

     ”Kahit pano nakabenta ka na din naman Fred. If ever di ka na ma-renew atleast may konti ka na ipon.” “Di ko pa nakukuha ang mga Komisyon ko bro, naka-pending pa.” – wika ni Fred.

“Naku pano yan pag di ka na ma-renew ang alam ko sa Manager mapupunta ang Com kung sakali na may problema pa mga dokumento ng mga kliyente mo at wala ka na sa kumpanya.”

Tuloy ang kwentuhan ng dalawa habang umiinom sila ng beer. Hanggang sa gumabi na at umuwe na din ang dalawa. Madaling araw…sa isang Bar sa Malate…may lasing na umiihi sa likod ng Bar.

                                                           “Takbo.”“Huh?” Agh.

     Iyon lang at humandusay na ito sa kalsada. Tumakbo na ang salarin at nawala sa Dilim ng Gabi. Nakita ng guwardiya ang mga pangyayari hinabol niya ang salarin ngunit hindi na niya ito inabutan. Dumating ang mga Pulis kasama si Allan.

    ” Huh?!” – bakas sa mukha ni Allan ang pagkagulat ng makita ang bangkay na nakahandusay sa kalsada.

“Ang pagka-laslas sa leeg niya parehong pareho sa mga kaso nuon na hinawakan ko. Imposible ito.”

                              Tinanong ni Allan ang Guwardiya tungkol sa insidente.

                                                                             16

     ” Maari mo ba ikuwento ang nakita mo?” “Sir madilim po sa likod ng Bar ang nakita ko lang may lalaki na tumatakbo palayo.” “Wala ba kayo CCTV sa Bar na ito?” tanung ni Allan sa guwardiya. “Meron Sir sa harap saka sa loob ng bar, sa likod po hindi kasi na-hagip yun ng CCTV po namin”.

     Malalim ang iniisip ni Allan, pumikit ito hawak ng isang kamay niya ang baba niya, ang kaliwang kamay naman niya ay nakapasok sa bulsa ng kanyang pantalon. Sarado na ang bar pero marami pa din tao ang mga nag uusyoso sa bangkay. May nakuha ang mga Soco na ID at ibinigay kay Allan.

     “Sa Real Estate pala nagtratrabaho ito, sandali…. Manager siya! Isa na namang Manager Murder Case! Segurado na ko ngayon na may Patern ang lahat, ngunit mali ang naipakulong namin noon…si Harold! Gayon pa man hindi pa din malinaw ang lahat, ano ang motibo sa Krimen, ano ang dahilan ng mga pagpatay walang pera o gamit na nawawala sa mga biktima.” “Isang PSYCHO lang ang gagawa ng ganitong klase ng karumal dumal na krimen. Isang PSYCHO na may galit sa mga Manager.” “Hindi magiging madali ito magsisimula na naman ako sa umpisa, sa Zero, bagong imbestigasyon, bagong mga ebidensiya at bagong mga clues”. “Sino ka…PSYCHO EMPLOYEE.” “Saan ako mag uumpisa…SAAN!”

Isang bagong hamon ang kaso na ito para kay Allan, mas ginaganahan siya kapag may malalim na istorya sa likod ng mga krimen na kanyang hinahawakan. Kinabukasan sa Opisina nila Fred.

“Fred Nabalitaan mo na ba” –si PJ kausap si Fred. “Ang alin Tol?” sabi ni Fred kay PJ “Si Sir Camaya natagpuan patay sa isang bar sa Malate!” “Hindi naman na ako magtataka, ikaw na din ang nagsabi sakin nuon madami galit kay Sir Camaya dahil Tuso ito.”

Nag uusap sila PJ at Fred ng may dumating na isang Pulis at Imbestigador.

“Magandang Araw po mga Sir” –si Allan “Yes po ano po yun?” sabi ni PJ sa Imbestigador. “Mawalang galang na po kayo po ba yung mga tao ni Mr Camaya?”“Opo.” Tugon ni PJ

     Tahimik lamang si Fred nakikinig, nakikiramdam sa mga nangyayari, hinayaan niya lamang si PJ ang sumagot at kumausap sa Pulis at kay Allan kahit katabi lamang niya ang mga ito.

“Wala ba kayo kilala na may galit kay Mr Camaya?” Sabi ni Allan kay PJ. “Wala po boss sa nalalaman ko pero ang alam ko madami galit sa kanya sa buong kumpanya namin dahil sa nanunulot siya ng mga benta at medyo may pagka-tuso ang tao na yan.” Sagot ni PJ sa Pulis at kay Allan.

     Si Fred tahimik lamang medyo pinapawisan ang noo nito kahit na aircon naman sa loob ng opisina. Nakatingin sa sahig si Fred halos ayaw tignan ang Pulis at si Allan.

” Di ba dito din nagtratrabaho yun Manager na pinatay sa Alabang nuon?” ”Opo, Boss din namin siya dati.” –Sagot ni PJ kay Allan.

     Napansin ni Allan si Fred na tahimik lamang at medyo pawisan.

“Pre aircon naman sa opisina ninyo bakit medyo pawis ka ata.” Sabi ni Allan kay Fred. “Galing po kasi ako sa labas Sir, kadarating ko lang din kasi galing sa biyahe.” Wika ni Fred. “Ahh ok.” – Sagot ni Allan kay Fred. “Wala kaba kilala may galit sa boss ninyo?” “Wa-wala po Chief.” – Tugon ni Fred kay Allan. ” Sige ho kung ganon magpa-paalam na kami.”

                                                                            17

     Iniabot ni Allan ang kamay niya kay Fred at nakipagkamay ganon din kay PJ at pagkatapos ay umalis na. Sa paglakad ni Allan palabas ng Opisina ay kausap nito ang sarili niya.

“Bakit kaya medyo pawisan ang isa sa kanila aircon naman sa loob? Madami daw ang galit sa manager nila na pinatay, kung madami ang may motibo mahihirapan ako, kung sino ang may malalim na motibo siya marahil ang salarin.” “Ngunit kung PSYCHO nga ang hinahanap ko malalim o mababaw ang dahilan wala ito pinagkaiba sa isang PSYCHO.” “Saan ako mag-uumpisa...Nasaan ka ‘PSYCHO EMPLOYEE’.”

     Dalawang araw ang lumipas at may napanood si Allan sa TV na balita habang nasa Opisina.

“Hinuli kanina lamang po ng umaga ang isang ginang na Asawa ni Mr Camaya, napag alaman na si Mr. Camaya manager ng Real Estate ay may Insurance na 10 million pesos, at walang ibang makikinabang dito kundi ang asawa niya, ayon sa mga Pulis sapat itong dahilan at motibo para ipapatay ang asawa niya.” – ulat ng isang lalaking Reporter sa TV.

“Malabo ito, nagkataon nga lamang ba ang lahat, ngunit talagang parehong pareho ang pagka-laslas sa mga leeg ng biktima, pareho ang istilo, sa likod palagi galing ang salarin,sa tantiya ko ang salarin ay nasa 5’8 or 5’9 ang taas, may magandang katawan dahil malakas ito, segurado din ako lalaki ang salarin, kung mahina ang isang tao may tiyansa na makaligtas ang kanyang biktima, there will be defense wounds, pero walang laban na nagaganap, tulad siya ng Tigre kung umatake ambush, sabay aim for the neck isa siyang matinik na predator, isang wild animal, ‘COLD BLOODED animal or should I say..’PSYCHO’ “.“Kung tama ang hinala ko na-

     PSYCHO EMPLOYEE nga ang gumagawa nito I will have a good chance na ma-trace siya, ang kailangan ko lamang gawin ay balikan ang mga nakaraan na mga kaso ng pagpatay, isang tao na may koneksiyon sa lahat ng biktima, isang tao na kilala silang lahat, isang tao na may motibo na patayin silang lahat.” “Anu man ang dahilan mo para pumatay PSYCHO EMPLOYEE...hindi ka DIyos para bumawi ng buhay ng mga tao. At ako ang Anghel na gagapos sa iyo at ika-kadena ka at ika-kandado sa kadiliman ng bilanguan, duon ka nababagay tulad ni Lucifer.”

Si Fred sa bahay niya nakatitig na naman sa fish bowl niya na may lamang betta fish, sa tabi ng bintana, mahangin kasi duon kaya paborito niya itong puwesto sa kanyang kuwarto, wala ang asawa niya nuon pumasok sa trabaho, ang anak naman niya si Maria ay nasa paaralan pa, may pasok din si Fred ngunit nag-absent siya, tila wala siya gana pumasok dahil may bago na naman sila manager ni PJ, matandang babae na masungit, normal ata ito sa mga babae na menopose na, o di kaya sa mga babae na matandang dalaga, o maari din sa mga babaeng tumanda na iniwan ng mga nobyo o asawa nila.

     Katulad ng dati kausap ni Fred ang kanyang sarili.

     “May bago na naman kami manager, masungit na naman, hindi na ba kayo mauubos sa mundo mga hayop na manager na mga salbahe, walangya, mga Power Trip, mga mapang-api ng empleyado! Hindi kayo diyos! Ang diyos kayang bumuhay…at pumatay!”

Bakas sa mukha ni Fred ang galit, inis, nakakunot ang noo nito, pawisan ang mukha kahit may electric fan na nakatutok sa kanya. Naalala niya noong kabataan niya, nag-aaral siya, may teacher siya nung high school lagi siya sinasabihan ‘Pakamatay ka na, bobo mo, lagi hindi mo alam ang sagot sa tanong! Tumalon ka na sa ilog’! Mahina si Fred sa math, magaling siya sa

                                                                              18

     Science, English, at sa PE, nag aral din siya ng Martial Arts noon, ito ang hilig niya, black belt siya ng maraming uri ng martial arts. Naalala din niya nuong panahon na wala siyang trabaho at pinag-iinitan siya ng kanyang ama sa bahay nila noong binata pa siya, ang tanging kakampi lamang niya ay ang kanyang Lola, ang tanging kaibigan niya, hilig ni Fred ang musika, mahusay siya kumanta at tumugtog ng gitara, ang tanging tagahanga niya ang kanyang lola.

     Masaya siya noong binata pa siya kahit lagi wala siyang pera, simple ang buhay, hilig niya sumali sa mga singing contest, kahit lagi naman siya talo, ngunit nag-iiba ang sitwasyon kapag may pamilya at anak ka na. hindi na niya magawa ang pangarap niya. Naalala pa nga niya ang sinabi ng Propesor niya noong Kolehiyo ‘Gutom ang pangarap, kunin ninyo kung ano ang available na trabaho, kalimutan na ninyo mga pangarap ninyo’.”

     Habang naiisip niya lahat ito pawisan siya hindi mapakali kahit nakaupo, hawak niya ng dalawang kamay ang ulo niya, sinasabunutan ang kanyang buhok, nang-gigigil ang mga ngipin, balisa, gusto niya sumigaw, mag wala.

     “Mamatay na kayo Lahatttt!!!mga pahirap na Manager, mga hayop! At lahat ng mga tao na nag-papahirap sa buhay ko mawala na lahat kayo sa mundooooo!!!!” - Sumisiklab ang puso ni Fred, nag-aapoy ang kanyang mga mata, pulang-pula ito, ngunit ang sigaw na iyon ay hindi talaga niya maisigaw kundi impit na bulong at galit sa kanyang sarili, gusto magliyab ng katawan niya sa init, nag-lalagablab, tulad ng sinabi sa Bible kay Lucifer ‘Susunugin ka ng sarili mong Galit at Poot’.”

     Kinabukasan pumasok na ulit si Fred sa Opisina. Nagkita ulit sila ng kaibigan si PJ, may bago sila kasamahan si Eugene, mabait ito, totoong tao at kaibigan. Kabaligtaran naman ng bago nilang manager na matandang babae, masungit, nanla-laglag ng tao niya, kesa siya ang malaglag kayo muna, mataray ang mukha nito, kulot na mahaba ang buhok, Angel pa man din ang pangalan kabaligtaran ng pangalan niya ang ugali niya.

“Bro Eugene nga pala”. – Sabay abot ng kamay kay Fred. “Hi, nice to meet you Tol.” Wika ni Fred.

     Si Eugene, kalog, matangkad, maganda ang katawan mukhang mahilig mag-gym, medyo maitim ang kulay nito ngunit kabaligtaran ng kulay niya ang ugali niya, mabait si Eugene, ika nga Tall, Dark and Handsome. Sumabat ang Manager nila sa kanila.

“Hoy Magtrabaho na kayo!” Wika ni Ms Angel bago nilang Manager. “OPO MAM”. Sabay-sabay na sagot ni Fred, PJ at Eugene.

     “Fred balita ko wala ka daw benta this month at last month din, ikaw ata ang pinaka tamad sa team ninyo.” –sabi ng manager ni Fred sa kanya. “Sa totoo lang ayoko sana maging manager ninyo para kase may sumpa sa team ninyo, dalawang manager ninyo na ang namamatay at halos magkasunod pa.” “Wala na si Larry nakakulong, ngunit may namatay ulit si Camaya, di kaya may killer sa team ninyo?” Sumabat si PJ- “Nako wala po mam. Hahaha. Grabe naman si Mam advance mag-isip.” “Dapat ata magkaroon ng Psychological test ang mga empleyado baka may baliw na nakapasok sa kumpanya na ito.” – Wika ni Ms Angel. “Sasabihan ko ang Hr na magpa psychological test para sa lahat ng empleyado, mahirap na baka ako naman ang

                                                                          19

sumunod.” “Wag ka magbiro ng ganyan Mam, baka magkatotoo”. Sabat ni Eugene. “Oo nga Mam, Good Vibes na lang tayo.” Sagot ni PJ

     Si Fred tahimik lang, tiim-bagang nakatingin sa Manager nila, kumukunot ang noo niya pero di niya pinahalata sa manager nila. Parang may third eye si Ms Angel, di naman sa may third eye nga ngunit seguro sa katandaan nito ay parang malakas na ang kutob nito o baka naman kinakabahan lamang siya dahil dalawang manager na ang namamatay sa kanilang kumpanya.

Pagabi na nang araw na iyon pauwe na din sila Fred, PJ at Eugene ng masilip ni Fred ang manager na nag-computer, she’s looking at their files and credentials, naka-open din ang g****e nito na wari ay may niri-research. Nasa ganoong tagpo ng nanlaki ang mata ni mamAngel nila sa Computer Screen.

     “Hindi…Maari kayang?” – kausap nito ang kanyang sarili si mam Angel.

Lumabas na ang dalawa si PJ at Eugene. Nag CR pa si Fred bago umuwe. Kinabukasan. Madaming tao sa Opisina nila Fred…may Pulis at Reporter, bawal pumasok sa Opisina nila, natagpuan si Mam Angel nila patay na sa upuan nito, sira ang CCTV Camera na parang may pumalo dito, puno ng dugo ang Opisina, Laslas ang leeg ni Ms Angel. Dumating si Allan at isang Pulis.

     “Ano nangyari dito?” – Tanung ni Allan sa isang Pulis “Sir may natagpuan patay manager ng Real Estate na ito.” Wika ng isang Pulis.

     Nakita ni Allan bukas ang computer ngunit tila may nag-delete ng mga files nito. Nakita din niya ang takot sa mata ng wala nang buhay na si Mam Angel, nakatitig sa Computer.

“Sa likod galing ang Salarin, tulad ng dati, Sa likod at tinarget ang leeg ng biktima.”

Si Allan kausap ang Isang Pulis at ang isa sa Executive ng Kumpanya.

     “Sa tingin ko ay may leads na ako sa kaso na ito, segurado Empleyado ng Kumpanya ninyo ang may gawa nito. Isang Empleyado na may sakit sa Utak…Isang ‘PSYCHO EMPLOYEE’.”

Nakatingin pa din si Allan sa bangkay ng biktima, seryoso ito, may kaunting liwanag siyang na-tatanaw sa pagresolba ng kaso. Umuwe na si Allan. Naligo ito sa bahay niya…gusto niya ma-relax ang utak niya kahit saglit lang. Naupo siya sa tabi ng maliit niyang mesa, sa ibabaw ay may whisky at naglagay siya nito sa baso, uminom si Allan ng whisky sabay sinabi sa sarili.

     “Kilala na kita Psycho Employee...Nagkita na tayo nuon at malapit na ang Oras mo.”

     Si Eugene kasama sila Fred at PJ umiinom sa isang malaking mall sa Pasay, tanghaling tapat noon ngunit marami na Restaurant ngayon na bukas din naman kung umaga at nagbebenta ng Beer.

     “Nakakagulat ano mga Pre.” – Sabi ni Eugene kela Fred at PJ. “Kahapon lang buhay pa si Madam. Di natin talaga masasabi ang mangyayari satin sa panahon ngayon.” “OO Dre tama ka.” – Sagot ni PJ “Biniro ko pa naman si Mam kahapon noh.”

Tahimik lang si Fred umiinom ng beer at nakikinig sa dalawa niya kaibigan. Nasa inuman sila ng may tumawag kay PJ.

     “Hello? Sino po sila? Ano po? punta po kami ng Opisina ngayon? Pero sarado po kasi Opisina kanina. Sige ho balik po kami ng Opisina.”

                                  Sa Opisina sinalubong agad si PJ ng dalawang Pulis.

                                                                             20

                                 “Ina-aresto ka namin sa Pagpatay kay Ms Angel.”

     “Te-teka Boss! Wa-wala po ako Gi-Ginagawa!” “Napag alaman namin na bumalik ka pa daw ng Opisina kagabi sabi ng Guwardiya matapos kayo lumabas kagabi, kayo na lang ni Ms Angel ang tao dito nang mangyari ang Krimen.”

     Sumagot si Eugene.

     “Kaya pala Dre binibiro mo pa si Mam kahapon may plano ka pala patayin si Mam!” “Hindi! Nag-kakamali po kayo! Naiwan ko lang po yung wallet ko sa table ko kaya ako bumalik!” Buhay pa po si Mam Angel nuon pag uwe ko po!” – sagot ni PJ

     Nakatingin lang si Fred at nanunuod sa mga nangyayari, naawa siya sa kaibigan pero wala siya magawa dahil pinosasan na ng mga Pulis si PJ at dinala na sa Presinto. Nakita ni Allan ang mga kaganapan sa Flash news sa TV.

                           “Hindi, hindi maari ito. Imposible, hindi siya ang salarin!”

     Pumunta si Allan sa Opisina ng Real Estate ngunit di na niya inabutan si PJ, wala na din doon ang mga Pulis. Nag ikot siya na tila may hinahanap, pumunta siya sa Canteen pagkatapos ay lumabas na siya ng Real Estate. Kausap niya ang sarili habang pauwe na muli sa bahay nila.

     “Madami na ang nakakulong na walang kasalanan, at marami naman ang nakalayang tunay na kriminal, ganito kalupit ang mundo.”

     Pumunta siya sa Presinto at pinuntahan si PJ.

“Hindi ako naniniwala na ikaw ang salarin.” Sabi ni Allan kay PJ.

     Nangingilid ang luha ni PJ habang nakatingin kay Allan.

     “Sir, hindi po ako Kriminal, mabuti po akong tao, nag-kakamali po sila.” “Alam ko.” – sagot ni Allan kay PJ. “Kilala ko na ang tunay na PSYCHO.” ”PSYCHO? Isang PSYCHO ang pumatay kay madam?” ”OO PJ, isang…’PSYCHO EMPLOYEE’ “. ”Ngunit sino po ang Psycho na tinutukoy ninyo?” ” Hindi ko pa siya maari hulihin sa ngayon, wala pa ako matibay na ebidensya, pasensya ka na ngunit huwag ka mag-alala, di magtatagal at maka-lalaya ka rin kapag nahuli ko na siya.”

     Samantala si Fred umuwi na sa bahay nila. Mag-isa ulit siya sa bahay, nakaupo muli sa tabi ng bintana, namumula ang mata niya, hawak muli ang ulo niya ng dalawang kamay, sinasabunutan ang sarili niyang buhok. Nag-ngangalit ang mga ngipin, kausap ang sarili niya habang naka-titig sa pagong niya sa aquarium.

“Aaahhh…ganito na lang ba ako, wala na kinabukasan, wala na patutunguhan ang buhay ko.

Mamatay na kayo mga hayop na boss!!! Bakit ganuon napakasuwerte ng iba at ako ay hindi, lahat ng mapasukan ko ako ay bigo, talagang may pinipili lamang ang Diyos, may mga paborito-

lamang siya na tao na gusto niya tulungan tulad nila David, Noah, Samson, ibinigay niya kay Samson ang lakas na walang kapantay, ibinigay niya kay Solomon ang Talinong walang katulad at ibinigay niya kay David ang maging Hari.” “Ako, ako ang diyos ng sarili ko! Lahat ng pasakit sa akin dapat mawala kayo lahat!!!”

Kinabukasan bumalik si Allan sa Real Estate…may hinahanap, nagtanong tanung sa mga nasa Opisina hanggang makita niya si Eugene.

                                                                             21

     “Kumusta, mag isa ka na lang ata ngayon?”- Bati niya kay Eugene. “Sir, mabuti naman ho. Kayo po bakit ho kayo narito? Nahuli na po ang may sala hindi po ba?” Sagot ni Eugene.

Hindi sinagot ni Allan ang tanong ni Eugene.

     ” Nasan nga pala ang kaibigan mo na kasama ninyo nung nakaraan ako napunta sa Opisina ninyo?” ” Naku nag resign na ho kaninang umaga, sawa na daw siya magbenta ng Condo, magtitinda na lamang daw siya ng lugaw at barbecue sa kanila…haha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Psycho Employee   Final Chapter

    38galaw, kung ano ang nakasanayan na nito. Si doctora naman ay naka Blouse lamang at black Mini-Skirt at sapatos na may takong, nakapatong sa kanyang black blouse ang kanyang White Doctor’s Coat. “Kumusta ka na Fred?” –Tanong ni Doctora kay Fred. “Mabuti naman po Doctora.” –Tugon ni Fred. Nasa ganoon sitwasyon ng bigla may pumasok na lalaki. May dala itong Patalim sinugod si Doctora. “Dapat nakakulong ang tao na yan! Dahil sayo na Doctor ka dito lang siya nanatili sa Mental Hospital! Ilang buwan ako nakulong dahil sa kanya! At pinatay pa niya ang kasintahan ko sa Parke noon!” “EEEEEEEHHHH!!!” –Sigaw ni Doctora.Masa-saksak na sana si Doctora ng Kutsilyo ng humarang si Fred, nahawakan niya ang kamay ng lalaki at nag-agawan sila sa Patalim. “Mamatay ka na Fred! Hayop ka!” –Sigaw ng lalaki. Nakilala ni Fred ang lalak

  • Psycho Employee   Chapter 7

    34 Minsan pauwe na si Fred sa kanila galing sa simbahan, palabas na siya ng simbahan noon. May isang mata na nakatingin sa kanya sa may poste katapat ng simbahan sa Sta.Cruz Church. Hindi niya alintana ito, payapa na siya ng mga panahon na iyon. Kahit paano ang bigat sa puso niya ay nabawasan simula magtrabaho siya sa simbahan. Madilim na noon, malapit ang Simbahan sa isang Parke sa Maynila sa Rizal Park. Naisipan ni Fred na magpunta muna sa parke para magpahangin sandali, isang sakay lang naman ito mula sa simbahan ng Sta.Cruz mga 10 min. lamang ang biyahe dito. Naupo si Fred sa isang upuan sa Parke sa ilalim ng puno. Nakatingala siya sa langit, dinadama ang hangin na may dalang kapayapaan sa kanyang puso at isipan. Minamasdan niya ang mga puno at halaman, ang mga ibon na nakahapo na nuon sa mga puno, mga tao na isa-isa nang umuuwe dahil gabi na. Isang anino ang lumabas sa likod ng puno na nasa tabi ng

  • Psycho Employee   Chapter 6

    29 “Sa wakas nagpakita ka na din sakin muli Psycho Employee. Ngunit ang masamang balita, may isa na namang nasakripisyo na buhay at may nabiktima ka na naman. Ano pa man ang dahilan mo, nakaraan, or past experiences mo tulad ng sinasabi nung Psychologist sa TV kagabi ay wala na ko pakialam don at wala ka pa din karapatan na Pumatay at bumawi ng buhay pagkat hindi ka Diyos! At sa oras na magtagpo tayo muli seseguruhin ko mapupunta ka sa likod ng rehas o kaya ay sa ilalim ng lupa Satanas!”Pinuntahan ni Allan ang sinehan. Hindi upang imbestigahan ang nangyari, alam na niya ang kuwento sa likod ng krimen, bumili siya ng ticket at nanood ng isa sa pelikulang palabas. Maya-maya pa ay may umikot na isang lalaki may flash light at nag check sa loob ng sinehan. Madilim sa loob ng sine ngunit banaag niya ang mukha nito. “Siya na Iyon. Tiyak ko siya yon!” Iniis

  • Psycho Employee   Chapter 5

    Sa Opisina ni Allan, nakaupo ito sa kanyang desk, sa mesa nito ay may desk lamp katabi ang computer ni Allan, may whisky sa ibabaw ng mesa ni Allan katabi ang kanyang shot glass. Ito ang pan-tanggal niya ng stress at kung minsan nakatu-tulong ito sa kanyang pag-iisip kapag may mga kaso siya na ini-imbestigahan. “Nakakainip, nakakainip ang waiting game na ito. Kailan ka gagalaw muli Psycho Employee! Kung hindi siya gagalaw ay mahihirapan ako hanapin siya, ngunit kung hihintayin ko naman siya gumalaw segurado na may mabibiktima na naman siya.”Tinitignan ni Allan ang kamay niya may bandage ang kanyang kamay, may hiwa ang palad niya galing sa isang matalas na bagay. Maaring kutsilyo ang may gawa nuon. ” Masakit pa din ang kamay ko. Malakas ang Psycho na yon. Sa pakiwari ko isa siyang eksperto sa Martial Arts, mukhang may alam din siya sa hand to hand combat ng military. Di na ko magtataka na ganun niya kadali napapatay ang kanyang mga biktima, idagdag pa rito ang taglay ni

  • Psycho Employee   Chapter 4

    24 Nakita ni Allan si Fred. Bakas sa mga mata ni Allan ang gulat at pagtataka, tila hindi niya alam kung matutuwa siya pero maraming kuwestiyon sa isip niya. Minasdan lamang niya si Fred, hindi niya ito nilapitan. Umalis na si Fred at tinignan lamang ito ni Allan. Pagkatapos lumabas ni Fred ay lumabas na din si Allan. Tila hindi siya nakita ni Fred, marahil ay nagmamadali itong umuwe at baka marami pa siya dadalhan ng Barbecue. Si Allan naglalakad, nag-iisip, sa labas ng Call Center ay nakita niya na sumakay na ng motor niya si Fred at umalis. Marami pa katanungan sa isip niya at parang gusto niya na sundan si Fred ay nakaalis na ito. “Ang mga bagay na aking nakita at nasaksihan ay maaring tugma at maaring hindi dahil may isang parte na sumisira sa aking Theory at may isang parte na tumutugma din dito.” –Kausap ni Allan ang sarili niya. “Wala sa Empleyado nila ang taong hinahanap ko, ngunit, subalit…datapuwat…sapagkat…ahhh…masisiraan na ata ako ng ulo sa kasong ito, o kaso k

  • Psycho Employee   Chapter 3

    Natawa si Eugene ngunit hindi si Allan, bakas sa mukha nito ang pag-alala. Tiim-bagang itong lumakad palayo kay Eugene. “Mahirap na sitwasyon ito, saan ako magsisimula upang mahanap ko at mahuli na ang Psycho, alam ko kung sino ka, ngunit segurado ako tulad ka ng isang Tigre sa Gubat, nakatago sa mga puno at halaman, aatake lang kung kailangan, at maninila ng biktima kung may pag-kakataon.”“Kawawa ang mga tao na nakakulong ngayon dahil sa mga kagagawan mo, ikaw ang dapat nasa bilangguan hindi sila. Matatapos din ang kasamaan mo Hari ng Tiro. Mahuhuli din kita diyos ng Babilonia.”Si Fred lumipat na sila ng kanyang pamilya sa isang lugar sa Fairview. Tulad ng sinabi ng kaibigan na si Eugene, nagtinda na lamang ito ng Barbecue at Lugaw. Masaya nuon ang mga tao, Disyembre na at malapit na ang pasko. Malakas ang lugawan ni Fred, gayon din ang mga tinda niyang Barbecue. “Mas mabuti na ang ganito, wala na ako Boss at ako na lamang ang Boss ng aking sarili.” – Sabi ni Fred sa sari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status