24
Nakita ni Allan si Fred. Bakas sa mga mata ni Allan ang gulat at pagtataka, tila hindi niya alam kung matutuwa siya pero maraming kuwestiyon sa isip niya. Minasdan lamang niya si Fred, hindi niya ito nilapitan. Umalis na si Fred at tinignan lamang ito ni Allan. Pagkatapos lumabas ni Fred ay lumabas na din si Allan. Tila hindi siya nakita ni Fred, marahil ay nagmamadali itong umuwe at baka marami pa siya dadalhan ng Barbecue. Si Allan naglalakad, nag-iisip, sa labas ng Call Center ay nakita niya na sumakay na ng motor niya si Fred at umalis. Marami pa katanungan sa isip niya at parang gusto niya na sundan si Fred ay nakaalis na ito.
“Ang mga bagay na aking nakita at nasaksihan ay maaring tugma at maaring hindi dahil may isang parte na sumisira sa aking Theory at may isang parte na tumutugma din dito.” –Kausap ni Allan ang sarili niya. “Wala sa Empleyado nila ang taong hinahanap ko, ngunit, subalit…datapuwat…sapagkat…ahhh…masisiraan na ata ako ng ulo sa kasong ito, o kaso ko nga ba ito? Hindi ko na hawak ang kaso na ito subalit karugtong ito ng mga nauna kong kaso, mga kaso na naresolba na ngunit tila mali ang mga kuwento sa likuran nito, mali ang mga naging wakas, mali…mali ang mga nahuling Suspek!”
Alas Sais ng gabi ng Lumabas si Mr Ermard sa Call Center. Naroon lamang pala si Allan sa isang Bakery sa tapat ng Call Center nakatingin. Sinundan niya si Mr Ermard, naglalakad lamang ito tila malapit lamang ang pupuntahan. Sa isang Market Place nakita niya ito na pumunta sa isang puwesto na may lugawan at Barbecue ito nagtungo.
“Si- Si Fred. Ang may ari nung puwesto ng Barbecue at Lugawan. Nagbayad ata si Mr Ermard ng mga order niyang Barbecue kanina. “
Umalis na si Mr Ermard. Minasdan lamang niya ito sa malayo, gayon din hindi niya nilapitan si Fred. Malaki ang market place. Maraming tinda, isda, manok, baboy, marami din kainan, sisig, liempo, pero malakas ang Barbecue ni Fred. Pinagmasdan lamang ni Allan ang paligid.
Gabi na at nag-sara na ang mga tindahan sa palengke, umuwe na din sila Fred. Malapit lamang ang bahay ni Fred sa Market Place kaya nilalakad lamang niya ito pauwe. Madilim sa lugar. Naramdaman ni Fred na parang may sumusunod sa kanya ngunit sa kanyang paglingon, wala…wala siyang nakita. Isang pusa ang lumabas sa gilid ng kalsada sa tabi ng madamong lugar.
“Pusa lang pala.”-Sabi ni Fred.
Lumakad na ng deretso si Fred. Pero tila pakiramdam niya may multo na nakatingin sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinansin. At umuwe na. Sa bahay nila pagdating niya ay tulog na si Maria ang anak niya, sa Kuwarto nila ay tulog na din ang asawa niya. Natulog na din si Fred, kahit tila pakiramdam niya ay may multo pa din nakatingin sa labas ng bahay nila. January, tapos na ang pasko at bagong taon na, tila humina na ang Barbecue ni Fred, bumagsak ang Lugawan niya. Wala na ata pera ang mga tao dahil tapos na ang Pasko. Wala na masyado kumakain sa Lugawan ni Fred. Si Mr Ermard kausap si Fred.
“Fred hindi na muna ko Oorder ng Barbecue sayo, mahina ang Canteen ko ngayon, wala din bumibili ng Barbecue mo sa Canteen ko, Lugi na negosyo.” ” Sir naman kayo na lang ang inaasahan ko, wala kasi masyado bumibili sakin ngayon ng Barbecue, maawa naman kayo
25
tulungan naman ninyo ako.” ” Nako Fred Wala nga din lugi na din ako sa negosyo ko. Ako wala na magagawa sa iyo. Di na muna ko kukuha Barbecue sa iyo.”
Nanlilisik ang mga mata ni Fred, Bakit ganuon ang kapalaran sa isip niya. Ang mga tao talaga lagi lamang pakabig ang gusto at sa oras ng kagipitan ay wala tutulong sayo, walang totoong kaibigan. Sa oras na wala ka na wala ka na din kaibigan. Gabi na muli. Pauwe na si Fred sa bahay nila. Madilim muli ang gabi, may mga ilaw sa daan ngunit di sapat ito upang mailawan ang buong lugar. Pakiramdam ni Fred ay may multo na sumusunod sa kanya. Parang araw-araw may anino sa likod niya na nakabuntot sa kanya. Hindi naman takot si Fred sa multo, may Tigre ba na mahina ang loob? Hindi na lamang niya ito pinapansin. Sa bahay nila naka-abang na ang asawa niya. Imbes salubungin siya nito ng halik, yakap, at tanungin kung kumain na ito ay bunganga ang isasalubong pa nito sa kanya.
“Ano wala ka na naman kinita sa Barbecue at Lugawan?! Bakit di ka na lang mag-trabaho ulit? Ano wala ka na balak magtrabaho?!”
Tiim-bagang si Fred, kung puwede lang sakalin na lamang niya ang Asawa, ibitin ito sa puno, Sapakin sa mukha iyon nasa isip niya ngunit di niya ginawa. Tinulugan na lamang niya ito, sa isip niya ang mabisang sandata sa Bunganga ng Babae ay Matulog.
“Bunga-ngaan mo Sarili mo..” – bulong ni Fred, pagkatapos ay natulog na ito.
May anino sa labas ng bahay ni Fred. Sa isang Poste sa tapat ng bintana ng bahay niya. Tila nakatingin lamang ito. Nag-mamatyag, naki-kiramdam.
February, tuluyan na bumagsak ang tindahan ni Fred. Si Mr Ermard kausap muli ni Fred sa Market Place.
“Boss Baka puwede kumuha na kayo ulit sakin ng Barbecue para sa Canteen po ninyo.” Wika ni Fred. “Nako Fred wala, mahina din talaga ang Canteen ko ngayon.” Sagot ni Mr Ermard.
Namumula ang mukha ni Fred, ang mata niya ay nag-aalab, dalawang kilay na halos magka-dugtong na sa pagsalubong nito. Wala siyang magagawa kung ayaw na kumuha sa kanya ni Mr Ermard ng Barbecue…Si Mr Ermard na manager ng Canteen sa Call Center. Manager? Isa na naman sa Manager…mga manager na pahirap lagi sa buhay ni Fred. Manager na mabait lang kapag kailangan ka. Manager na sa oras ng pagbagsak mo ay lalo ka pa niya ila-laglag. Naglalakad na pauwe si Mr. Ermard malapit lamang din ang bahay niya sa Call Center kung nasaan ang kanyang Canteen. Gabi na nuon alas Onse na ng Gabi. Madamo sa gilid ng kalsada.
“Takbo.” “Huh?”
Biglang may lumabas na lalaki sa damuhan hindi lamang isa, dalawa sila, ngunit sa gulat niya ay nagpambuno ang dalawa imbes na pagtulungan siya, nakatakbo si Mr. Ermard. Ang dalawang lalaki ay nagpapambuno sa damuhan. Sa pakiwari ay parang mga MMA fighter ang dalawa, pareho itong mga Mix Martial Artist, may alam pareho sa hand to hand combat, malakas ang lalaki na may dala kutsilyo, bumunot naman ang isa ng baril, nagpaputok.
“Bang! Bang!” Dalawang putok ang umalingaw-ngaw!
Walang tinamaan marahil ay sa kapal ng damo sa lugar, nakatakbo ang lalaki na may dala Kutsilyo, naiwan ang lalaki na may baril. Sa bahay nasa pinto na si Mr Ermard binubuksan ang pintuan.
26
“Takbo”. “Ahhhhhh!!! Agh.”
Bumulagta ito, patay, wala ng buhay. Kinabukasan ay laman ng balita ang nangyari kay Mr Ermard. Si Allan nabasa ang nangyari sa Diyaryo, Napailing ito sa kanyang nakita. Pumunta siya sa Call Center nito, sarado na ang Canteen, si Mr Ermard na manager ay siya din pala may ari ng Canteen. Malapit lang ang market place duon, naisipan niya tignan ang Lugawan at Barbecue ni Fred. Sarado na ito, marahil ay tuluyan na nalugi.
Sa bahay nila Fred. Ang multo nakatingin sa labas. Ngunit wala na tao sa bahay na iyon. Wala na ata pang-upa si Fred mahal ang upa nila sa bahay na iyon, may kalakihan kasi, marahil ay naghanap na ito ng bagong ma-upahan. Yung mas maliit na medyo mura lang ang upa. Sa Maynila muli napad-pad sila Fred. Nagbibilang ng poste si Fred. Hanggang matanggap muli sa trabaho. Sa isang Sikat na sinehan sa Maynila natanggap na Porter si Fred. Sa isip niya nuong bata pa siya pangarap niya maging artista o kung hindi man ay mag-porter na lamang siya para makapanuod man lamang palagi ng mga Pelikula, hilig ni Fred ang Horror, O di kaya ay Suspense O Thriller story. O mga Psychopath story. Gusto niya ang mga character ng mga Psycho, feeling niya nakaka-relate siya dito, isang taong pumapatay, pumapatay ng mga tao na pahirap sa buhay niya o kung minsan mga tao na kaaway niya. Kung si Fred ganuon ang gusto, si Allan naman ay detective stories, kaya madalas din ito manuod sa mga sinehan, sabagay magkalapit lamang ang mga iyon Suspense or Thriller at Detective Stories parang magkasama na iyon sa isang pelikula. Kaya seguro nag-Imbestigador si Allan dahil sa hilig niya sa mga ganitong Istorya nung bata pa siya, wala naman siyang kamag-anak na Pulis, wala din Pulis sa pamilya niya na maari niya pagmanahan.
38galaw, kung ano ang nakasanayan na nito. Si doctora naman ay naka Blouse lamang at black Mini-Skirt at sapatos na may takong, nakapatong sa kanyang black blouse ang kanyang White Doctor’s Coat. “Kumusta ka na Fred?” –Tanong ni Doctora kay Fred. “Mabuti naman po Doctora.” –Tugon ni Fred. Nasa ganoon sitwasyon ng bigla may pumasok na lalaki. May dala itong Patalim sinugod si Doctora. “Dapat nakakulong ang tao na yan! Dahil sayo na Doctor ka dito lang siya nanatili sa Mental Hospital! Ilang buwan ako nakulong dahil sa kanya! At pinatay pa niya ang kasintahan ko sa Parke noon!” “EEEEEEEHHHH!!!” –Sigaw ni Doctora.Masa-saksak na sana si Doctora ng Kutsilyo ng humarang si Fred, nahawakan niya ang kamay ng lalaki at nag-agawan sila sa Patalim. “Mamatay ka na Fred! Hayop ka!” –Sigaw ng lalaki. Nakilala ni Fred ang lalak
34 Minsan pauwe na si Fred sa kanila galing sa simbahan, palabas na siya ng simbahan noon. May isang mata na nakatingin sa kanya sa may poste katapat ng simbahan sa Sta.Cruz Church. Hindi niya alintana ito, payapa na siya ng mga panahon na iyon. Kahit paano ang bigat sa puso niya ay nabawasan simula magtrabaho siya sa simbahan. Madilim na noon, malapit ang Simbahan sa isang Parke sa Maynila sa Rizal Park. Naisipan ni Fred na magpunta muna sa parke para magpahangin sandali, isang sakay lang naman ito mula sa simbahan ng Sta.Cruz mga 10 min. lamang ang biyahe dito. Naupo si Fred sa isang upuan sa Parke sa ilalim ng puno. Nakatingala siya sa langit, dinadama ang hangin na may dalang kapayapaan sa kanyang puso at isipan. Minamasdan niya ang mga puno at halaman, ang mga ibon na nakahapo na nuon sa mga puno, mga tao na isa-isa nang umuuwe dahil gabi na. Isang anino ang lumabas sa likod ng puno na nasa tabi ng
29 “Sa wakas nagpakita ka na din sakin muli Psycho Employee. Ngunit ang masamang balita, may isa na namang nasakripisyo na buhay at may nabiktima ka na naman. Ano pa man ang dahilan mo, nakaraan, or past experiences mo tulad ng sinasabi nung Psychologist sa TV kagabi ay wala na ko pakialam don at wala ka pa din karapatan na Pumatay at bumawi ng buhay pagkat hindi ka Diyos! At sa oras na magtagpo tayo muli seseguruhin ko mapupunta ka sa likod ng rehas o kaya ay sa ilalim ng lupa Satanas!”Pinuntahan ni Allan ang sinehan. Hindi upang imbestigahan ang nangyari, alam na niya ang kuwento sa likod ng krimen, bumili siya ng ticket at nanood ng isa sa pelikulang palabas. Maya-maya pa ay may umikot na isang lalaki may flash light at nag check sa loob ng sinehan. Madilim sa loob ng sine ngunit banaag niya ang mukha nito. “Siya na Iyon. Tiyak ko siya yon!” Iniis
Sa Opisina ni Allan, nakaupo ito sa kanyang desk, sa mesa nito ay may desk lamp katabi ang computer ni Allan, may whisky sa ibabaw ng mesa ni Allan katabi ang kanyang shot glass. Ito ang pan-tanggal niya ng stress at kung minsan nakatu-tulong ito sa kanyang pag-iisip kapag may mga kaso siya na ini-imbestigahan. “Nakakainip, nakakainip ang waiting game na ito. Kailan ka gagalaw muli Psycho Employee! Kung hindi siya gagalaw ay mahihirapan ako hanapin siya, ngunit kung hihintayin ko naman siya gumalaw segurado na may mabibiktima na naman siya.”Tinitignan ni Allan ang kamay niya may bandage ang kanyang kamay, may hiwa ang palad niya galing sa isang matalas na bagay. Maaring kutsilyo ang may gawa nuon. ” Masakit pa din ang kamay ko. Malakas ang Psycho na yon. Sa pakiwari ko isa siyang eksperto sa Martial Arts, mukhang may alam din siya sa hand to hand combat ng military. Di na ko magtataka na ganun niya kadali napapatay ang kanyang mga biktima, idagdag pa rito ang taglay ni
24 Nakita ni Allan si Fred. Bakas sa mga mata ni Allan ang gulat at pagtataka, tila hindi niya alam kung matutuwa siya pero maraming kuwestiyon sa isip niya. Minasdan lamang niya si Fred, hindi niya ito nilapitan. Umalis na si Fred at tinignan lamang ito ni Allan. Pagkatapos lumabas ni Fred ay lumabas na din si Allan. Tila hindi siya nakita ni Fred, marahil ay nagmamadali itong umuwe at baka marami pa siya dadalhan ng Barbecue. Si Allan naglalakad, nag-iisip, sa labas ng Call Center ay nakita niya na sumakay na ng motor niya si Fred at umalis. Marami pa katanungan sa isip niya at parang gusto niya na sundan si Fred ay nakaalis na ito. “Ang mga bagay na aking nakita at nasaksihan ay maaring tugma at maaring hindi dahil may isang parte na sumisira sa aking Theory at may isang parte na tumutugma din dito.” –Kausap ni Allan ang sarili niya. “Wala sa Empleyado nila ang taong hinahanap ko, ngunit, subalit…datapuwat…sapagkat…ahhh…masisiraan na ata ako ng ulo sa kasong ito, o kaso k
Natawa si Eugene ngunit hindi si Allan, bakas sa mukha nito ang pag-alala. Tiim-bagang itong lumakad palayo kay Eugene. “Mahirap na sitwasyon ito, saan ako magsisimula upang mahanap ko at mahuli na ang Psycho, alam ko kung sino ka, ngunit segurado ako tulad ka ng isang Tigre sa Gubat, nakatago sa mga puno at halaman, aatake lang kung kailangan, at maninila ng biktima kung may pag-kakataon.”“Kawawa ang mga tao na nakakulong ngayon dahil sa mga kagagawan mo, ikaw ang dapat nasa bilangguan hindi sila. Matatapos din ang kasamaan mo Hari ng Tiro. Mahuhuli din kita diyos ng Babilonia.”Si Fred lumipat na sila ng kanyang pamilya sa isang lugar sa Fairview. Tulad ng sinabi ng kaibigan na si Eugene, nagtinda na lamang ito ng Barbecue at Lugaw. Masaya nuon ang mga tao, Disyembre na at malapit na ang pasko. Malakas ang lugawan ni Fred, gayon din ang mga tinda niyang Barbecue. “Mas mabuti na ang ganito, wala na ako Boss at ako na lamang ang Boss ng aking sarili.” – Sabi ni Fred sa sari