Share

CHAPTER 24

THIRD PERSON's POV

NAGISING si Lucas nang magaan ang pakiramdam. Pagkabangon ay agad niyang nasalo ang bimpo na nahulog mula sa kanyang noo. Nag-iinat na nilibot muna nito ang mga mata sa buong silid hanggang sa dumapo ang kanyang atensyon sa basin na may lamang tubig.

Tumayo na siya sa kanyang kama at dumiretso sa banyo para isagawa ang daily routine niya tuwing umaga. Batid niyang nasa kusina ang asawa at nagluluto dahil kahit sa kanyang kwarto ay amoy na amoy ang niluluto nito kaya nakaramdam siya ng gutom.

Nang matapos siya sa daily ritual niya ay lumakad na siya palabas ng kanyang kwarto. Pagkalabas ay agad hinanap ng mata niya ang asawa. Nang hindi ito makita sa sala ay tahimik na tinahak nito ang daan papuntang kusina. Doon ay hindi nga siya nagkamali, nakita niya ang nakatalikod na si Rhea na busy sa paghahanda ng kanilang almusal.

Lalapitan niya sana ito para alamin kung ano ang kanilang kakainin nang mag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa island table. Pasimple munang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
miLkYwHiTe
can't wait sa next chapter ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status