All Chapters of Ginto't Pilak: Chapter 31 - Chapter 40
51 Chapters
Ika-tatlongpu't-isang Bahagi
- 31 - Maya-maya pa ay sinama kami ng hari sa isang liblib na kuweba sa ilalim ng palasyo. Pinagsuot niya kaming tatlo ng magkakaparehas na mga balabal at pinasunod kami sa liku-likong mga lagusan na tanging ang hari lang ng Hermosa ang nakakaalam.“Sa aming bansang Hermosa, balanse ang mga kaalaman at galing ng mga mamamayan sa sining at siensiya.” may hinawakan siyang pader na bumukas na tila pintuan. “Nasa aming bansa ang pinakamalaking unibersidad sa buong imperyo, ang pinaka malaking silid-aklatan na naglalaman ng lahat ng nasulat na libro, at ang pinakamodernong mga gamit.” humarap siya sa amin at ngumiti. “Hindi nga lang namin ipinapaalam ang aming mga imbensyon sa kapitolyo. Ang dahilan ay, mula nang mamatay ang mahal na emperatris, ay naging pabaya na ang emperador sa kaniyang mga mamamayan. Ang kaniya namang mga heneral ay naging ganid sa kapangyarihan, pati na rin sa mga likas na yaman ng imp
Read more
Ika-tatlongpu't-dalawang Bahagi
- 32 - “Ginoong Alcion!” sigaw ng mga taong nakakita sa amin. “Ginoong Alcion! Buhay po kayo!”Nagtakbuhan papalapit kay Nico ang kaniyang mga tauhan na mahigpit siyang niyakap habang nag-iiyakan. Labing dalawa silang katao, mga babae at lalaki na nasa edad labing apat pataas, sa aking tantsa.“Kamusta? Maayos ba ang lahat? Nasaan na ang iba?” sunud-sunod na tanong ni Nico. “At ilang beses kong sasabihin na Nico lang ang itawag n’yo sa ‘kin?!”“Ginoong... Nico...” hikbi ng isa, “Nasa may pintuan po ang iba, sinisiguradong hindi makakapasok ang mga sundalo sa inyong talyer...”“Hindi po namin malaman ang gagawin namin nang dumating ang mga kawal ng hari... pinipilit nila kaming ilabas ang mga imbensyon ninyo...” sabi ng isa pa.“Ang sabi po nila, namatay ka raw nang sumugod ang mga salbahing Ravant na puma
Read more
Ika-tatlongpu't-tatlong Bahagi
- 33 - Matapos naming ‘gisingin’ ang mga Patubig, sinunod namin ang iba pa. May mga sasakyan din siya na may mga matatalas at matatalim na patalim sa paligid. May tatlong piraso naman ito.“’Bungkal’ ang pangalan nito.” sabi niya sa akin habang hinahawakan niya ang talim ng isa na sing haba ng kaniyang binti. “Binubungkal niya ang lupa para mabilis makapagtanim ang mga magsasaka. Pero pinataas nila at pinahabaan ang mga talim para umabot ito sa tao.”May lima pa kaming nilapitan. Ang dalawang ‘Halukay’ na kayang magbutas ng bundok na yari sa bato. Ang huli naman ay ang tatlong ‘Lipad-Ulap’ na gumagamit ng mainit na hangin para lumipad sa himpapawid kung saan pwedeng maghulog ng tubig ang sasakyan na may tangke na nakakabit sa ilalim.“Handa na ang lahat.” sabi ni Nico matapos hawakan ang huling Lipad-Ulap. &ld
Read more
Ika-tatlongpu't-apat na Bahagi
- 34 - Napasigaw sa galit ang bagong hari ng Ignus, samantalang bumulusok muli pababa ang dragon kasama siya.“Sundan mo sila!” sabi ko kay Nico.“Madaling sabihin, ngunit mabagal ang takbo ng Lipad-Ulap, at ikaw ang may kapangyarihang hangin!”Napaisip ako sa kaniyang sinabi!Pinutol ko ang lobo sa aming Lipad-Ulap at tinawag ang hangin upang dalhin ang sinasakyan naming basket sa pinuntahan ni haring Piralis! Malapit na kami sa palasyo noon, at nakita naming dumaaan ang dragon sa isang malaking arko na papasok dito.“Hindi ko alam na may dragon pa palang nabubuhay sa ating mundo!” sabi ko kay Nico habang patuloy namin silang tinutugis.“Isa ito sa mga sikreto ng mga Ignasius.” sagot ni Nico. “Matagal na ngang nawala ang mga hayop na may mahika sa mundo. Hinuhuli kasi sila at pinapatay ng mga magus na gustong maging mas malakas. Pero ang pamily
Read more
Ika-tatlongpu't-limang Bahagi
- 35 -“Lumayo kayo sa akin! Mga hangal! Parating na ang inyong katapusan!” Tinira niya ng kidlat ang isa sa mga tauhan ni Nico na yumuko lang, at muling tumindig. Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwalang walang talab ang kaniyang kapangyarihan sa mga tauhan ni Nico na puros nakasuot ng makakapal ng balat. “Ricardo! Ang walang hiyang baboy!” sigaw ni Nico na sumugod sa kaniya! “Nico, sandali!” sigaw ko sa kaibigan. Alam kong wala siyang suot na goma pang-kontra sa kidlat ng aking kapatid! “Anong ginagawa mo rito!” nanlalaki ang mga mata ng kapatid kong napatitig sa akin, tapos ay sa katabi kong si Marius. “B-buhay ka...” nanginginig ang boses niya. “At pananagutin namin kayo sa kataksilan na ginawa nyo sa amin!” sigaw ko pabalik! “Haaaa!!!” sumigaw ni Ricardo at nagpaulan ng matatalim na kidlat sa amin. Tutulungan ko pa sana si Nico, pero nakita ko siyang sinasalag ang bawat kidlat ng malalaking kalasag sa magkabila niyang braso na gawa sa diamante! Itinuro niya ang lupa
Read more
(36) Ika-tatlongpu't-anim na Bahagi
- 36 -   “Isang puting hangin na kumain nang lahat ng bagay na kaniyang dinaanan!” pagsasaad ng isa sa mga tauhan ni Nico. “Para itong ulap na gumagapang na parang sinag ng araw!” sabi ng isa pa. “Lahat ng daanan nito ay naging abo! Pati pa ang bundok na itinakip ni Nico rito!” gulilat na kwento ng iba. “Teka, sandali lang... maari bang isalaysay ninyo ng maayos sa akin ang nangyari?” Nagbuntong hininga si Nico, at pinatahimik ang 27 nyang mga tauhan bago siya nagkuwento sa hari ng Hermosa. Lahat kami ay nakauwi dito. Naligtas kami ng utos ni Marius. Ngunit ang kalagayan ng ibang mga mamamayan ng Ignus, ay hindi ko matiyak kung maayos pa rin. Isinalaysay nga niya ito ng maayos sa hari ng Hermosa. “Naubos ang lahat sa paligid... ang lahat...” namutla si haring Domingo at napaupo sa kaniyang trono, matapos magkuwento ni Nico. “Ang lahat ay naging abo...” sabi niya. Ako’y kinilabutan, gayo
Read more
(37) Ika-tatlongpu't-pitong Bahagi
- 37 -   “Mukhang masarap ang pahinga nyo kahapon ha?” bati sa amin ni Nico kinaumagahan na may pilyong ngiti sa mukha. “Hindi na kayo lumabas ng hapunan, eh.” “Ganoon na nga.” sagot ko sa kaniya, sabay yakap kay Marius. May suot man siyang maskara, pansin ko ang pamumula ng kaniyang taenga. “Kamusta naman ang inyong pagpapahinga?” tanong ko sa kaniya, pati na rin sa kaniyang mga kasamahan. “Maayos naman po, mahal na emperador!” sagot ng isa niyang tauhan. “Napakaganda rito sa Hermosa, tunay nga na isa itong paraiso!” “Oo nga po, mahal na emperador,” sagot ng isa pa, “Ngayon lang ako nakakita ng paliguan na sing laki ng isang lawa!” “At ang mga halaman at hayop dito sa palasyo... akala namin ay matagal nang naubos ang mga ito!” singit ng iba. “Huwag na ninyo akong tawaging emperador.” tumatawa kong isinagot. “Tingin ko ay hindi pa ako handa para sa ganoong karangalan, isa pa, hindi pa naman ako nakokor
Read more
(38) Ika-tatlongpu't-walong Bahagi
- 38 -   Sinundan namin si Heneral Gregorio papunta sa silid kung saan naroroon ang bunso kong kapatid. Mukhang nag-alisan na ang ibang mga kawal na nakabantay rito, dahil wala na halos humarang sa amin maliban sa iilan na agad din tumatakbo `pag nakikita ako. Pagdating namin sa silid ni Camilla ay agad kong pinabagsak ang pintuan niya. “Camilla? Nandito ka ba?” tawag ko pagpasok sa loob ng silid. Nakita ko ang aking kapatid na nakahiga sa kama, nanlalaki ang mga mata. Agad siyang napangiti nang makita ako at tumakbo papunta sa akin. “Kuya Theodorin!” ika niya na yumakap sa akin ng mahigpit. “Ang sabi ni kuya Manuel ay pinaslang ka raw ng mga Ravante sa Hermosa?!” “Walang katotohanan ang balitang iyon!” sagot ko sa kaniya. “Bahagi lang iyon ng plano ng ating kapatid upang kunin ang imperyo mula sa akin.” “Ngunit, bakit naman magsisinungaling ang kuya Manuel sa akin?” tanong niya. “At bakit mo siya inaa
Read more
(39) Ika-tatlongpu't-siyam na Bahagi
- 39 -   Natagpuan namin si kuya Aurelio sa bilangguan. Wala siyang malay-tao. Duguan ang mukha niyang namamaga, at halos hindi ko siya namukhaan. Duguan din ang kaniyang mga kamay. Mukhang pinitpit ng mga walang awang mga kawal ang kaniyang mga daliri. Marahil ay para hindi na siya makapag kumpuni pang muli ng kaniyang mga imbensyon. Pagkakita sa kaniya ay nilapitan agad siya ni Camilla at niyakap. Ibinaba siya ni Gregorio mula sa kaniyang pagkakagapos sa isang poste at magkasama namin siyang iniupo sa malapit na banko. “Kuya Aurelio,” tawag ko sa kaniya, kapit ang kaniyang mukha. Gamit ang mahika ng buhay ay ginamot ko ang kaniyang mga sugat, hanggang sa siya ay dumilat at mapatingin sa akin. “T-Theodorin...” bulong niya, “Salamat... ligtas ka...” muli siyang napapikit. “Dalhin ninyo siya sa labas, naroon ang hari ng Hermosa, humingi kayo ng tulong sa kanila,” sabi ko kay Gregorio. “Masusunod po! Mah
Read more
(40) Ika-apatnapung Bahagi
- 40 - Walang ibang silid sa tore ng emperador. Paikot-ikot lang ang hagdan dito. Pagdating sa tuktok, nakita ko na napalitan na ang pintuang aking sinira noong paslangin ko ang aking ama. Tinunaw ko ang bakal sa tarangkahan nito at pinabagsak ang pinto.Nasa loob nga ng silid ang aking kapatid. Nakaupo siya sa trono ng aming ama, sa likod ng malaking lamesang yari sa kamagong. Naayos na rin nila ang malaking bintana sa likod niya na halos matakpan ang buong pader, paikot sa paligid, na tumatanaw sa buong imperyo.“Ang tagal mo naman. Kanina ko pa kayo hinihintay,” sabi niya sa akin. “Huwag mong sabihin na nahirapan ka sa mga kawal sa baba? Ikaw na siyang ‘Gintong Prinsipe’ ng mga Heilig?” pangungutya niya.“Inuna ko ang prinsesa Camilla, at pati na rin si prinsipe Aurello,” sagot ko sa kaniya. “Ngayon narito na kami, Manuel, ipaliwanag mo ang iyong sarili.”
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status