Share

Ika-tatlongpu't-apat na Bahagi

- 34 -

Napasigaw sa galit ang bagong hari ng Ignus, samantalang bumulusok muli pababa ang dragon kasama siya.

“Sundan mo sila!” sabi ko kay Nico.

“Madaling sabihin, ngunit mabagal ang takbo ng Lipad-Ulap, at ikaw ang may kapangyarihang hangin!”

Napaisip ako sa kaniyang sinabi!

Pinutol ko ang lobo sa aming Lipad-Ulap at tinawag ang hangin upang dalhin ang sinasakyan naming basket sa pinuntahan ni haring Piralis! Malapit na kami sa palasyo noon, at nakita naming dumaaan ang dragon sa isang malaking arko na papasok dito.

“Hindi ko alam na may dragon pa palang nabubuhay sa ating mundo!” sabi ko kay Nico habang patuloy namin silang tinutugis.

“Isa ito sa mga sikreto ng mga Ignasius.” sagot ni Nico. “Matagal na ngang nawala ang mga hayop na may mahika sa mundo. Hinuhuli kasi sila at pinapatay ng mga magus na gustong maging mas malakas. Pero ang pamily

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status