Share

Ika-tatlongpu't-limang Bahagi

- 35 -

“Lumayo kayo sa akin! Mga hangal! Parating na ang inyong katapusan!”

Tinira niya ng kidlat ang isa sa mga tauhan ni Nico na yumuko lang, at muling tumindig.

Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwalang walang talab ang kaniyang kapangyarihan sa mga tauhan ni Nico na puros nakasuot ng makakapal ng balat.

“Ricardo! Ang walang hiyang baboy!” sigaw ni Nico na sumugod sa kaniya!

“Nico, sandali!” sigaw ko sa kaibigan. Alam kong wala siyang suot na goma pang-kontra sa kidlat ng aking kapatid!

“Anong ginagawa mo rito!” nanlalaki ang mga mata ng kapatid kong napatitig sa akin, tapos ay sa katabi kong si Marius. “B-buhay ka...” nanginginig ang boses niya.

“At pananagutin namin kayo sa kataksilan na ginawa nyo sa amin!” sigaw ko pabalik!

“Haaaa!!!” sumigaw ni Ricardo at nagpaulan ng matatalim na kidlat sa amin.

Tutulungan ko pa sana si Nico, pero nakita ko siyang sinasalag ang bawat kidlat ng malalaking kalasag sa magkabila niyang braso na gawa sa diamante! Itinuro niya ang lupa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status