All Chapters of The Billionaire's Two Wives : Chapter 91 - Chapter 100
117 Chapters
Chapter Eighty-one
NGUMUSO si Megara matapos ng pagkahaba-habang sermon na nakuha niya kay Russel. Hindi na nga sila nakakain nang mabuti dahil walang tigil ito sa pagsalita. Nang kumalma naman ay buntong-hininga nang buntong-hininga rin ito."Huwag ka nang magalit." Kinuha niya ang kamay nito at ilang ulit na hinila para makuha ang atensiyon ng lalaki.Mula sa tanawin sa harap nila, nabaling sa kaniya ang mga mata nitong masama kung tumingin. Mabilis siyang nagbaba ng mukha."Hindi naman niya ako sinaktan, e. Tinulungan pa nga niya ako.""Megara!" Tuluyan itong humarap sa kaniya.Napasinghan siya bago lalong nag-iwas ng mukha rito. Nang makitang hindi pa rin nawawala ang galit ng lalaki, tuluyan siyang tumayo at muling lumusong sa tubig. Lulubusin na niya ito habang hindi pa sila umuuwi.Hindi naman mapigilan ni Russel ang magmura. Hindi niya alam kung anong laro ang ginagawa ng Rinhu Tianok na iyon. Delikado itong tao, pero anong ginagawa nito ngayon? Sinusu
Read more
Chapter Eighty-one |2|
MATAPOS nang mahigit labing-isang oras, tuluyang huminto sa airport ng Auckland ang private jet na sinasakyan nila. Mula sa airport ay nagtungo sila sa isang five-star hotel at Nag-check-in.Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ng hotel room, agad siyang binuhat ni Russel at inihiga sa kama. Malakas naman siyang tumawa nang dinaganan siya nito at mahigpit na niyakap."Ano ba, Russel? Ang harot mo!"Bigla itong natigilan sa sinabi niya. "Ano? Ang harot?"Natatawa siyang tumango bago nilahad ang mga bisig para dito. Muli naman siyang niyakap ng lalaki. Inabot sila nang ilang minuto sa ganoong posisiyon bago tuluyang nakatulog nang magkayakap.Matapos ng isang oras, muli siyang nagising. Nabungaran niyang mahimbing pa ring natutulog si Russel sa tabi niya. Hindi niya napigilan ang hangaan ito habang nakaidlip.Hinaplos niya ang isang pisngi ng lalaki. Papatubo na ang balbas sa baba nito, at mas lalo iyong nagbigay karisma sa lalaki. Napakaguwa
Read more
Chapter Eighty-two
NAIBABA niya ang kamay na nakahawak sa papel habang sunod-sunod ang pag-agos ng luha mula sa magkabila niyang mga mata."K-kailan pa?"Mabilis na lumamlam ang mga mata ni Russel habang nakatingin sa kaniya. Pinaghalong awa at simpatya ang makikita sa mga mata nito, bagay na hindi niya kayang tingnan kaya pilit niyang iniwas ang mukha."Kailan mo pa nalaman ang tungkol dito?" Kinagat niya ang ibabang labi para mapigilan ang sarili na humikbi."Noong umalis ka."Agad siyang nag-angat ng mukha sa narinig. Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya. "Noon pa? Matagal mo nang alam?"Sumingkot siya at lumalim ang paghinga. May kakaibang takot at awa sa sarili siyang nararamdaman. Kung ganoon, matagal na nitong alam ang tungkol dito?"Alam mo na pero wala ka man lang sinasabi?"Sinubukan niyang umalis mula sa ibabaw ng kotse. Paulit-ulit naman siyang tinawag ni Russel para pigilan. Hindi kalayuan mula sa sasakyan, naabutan siya nito a
Read more
Chapter Eighty-two |2|
MADALING araw na siyang nagdesisiyon na bumalik sa hotel kung saan sila naka-check-in. Ginugupo na ng antok si Megara at nakaalalay na siya rito habang naglalakad sila patungo sa kanilang kuwarto.Nang maihiga niya ang babae ay may ilang segundo pa niya itong pinagmasdan. Hindi niya lubos-maisip kung paano nagagawang kayanin ni Meg ang mga problema nito. Napakatapang at napakatatag ng asawa niya. Buong akala niya ay mahina ito, subalit nagkakamali siya.Isa si Megara sa mga matatapang na babaeng nakilala niya. Masaya siya at pinagmamalaki ito dahil doon. Bumaba ang mukha niya at ginawaran ito ng halik sa pisngi.Alas-otso nang muling magising ang babae. Siya naman ay nakahanda na para sa biyahe nila sa araw na iyon."Magbihis ka na." Itinuro niya ang relong-pambisig sa kanang braso niya at nginitian ito. Ibig niyang matawa dahil walang reaksiyon sa mukha ng babae. Tila ba nagtataka ito at naguguluhan sa nangyayari.Nang mapagtanto ang ibig niyang s
Read more
Chapter Eighty-three
NAKASILAY ang ngiti sa mga labi ni Megara habang nasa loob sila ng private jet at pauwi na sa Pilipinas. Bumaba ang paningin niya sa kaniyang ring finger sa isang kamay at lalong lumaki ang ngiti sa mga labi."Bakit hindi ka kumakain? Gusto mo bang subuan kita?" malambing na tanong ni Russel kasabay nang pagkuha nito sa isang kamay niya at hinalikan iyon.Mabilis na nabaling dito ang paningin niya. "Ah, wala lang. Iniisip ko lang ang mga nangyari. Sobra na ang effort mo."Napangiti ito sa sinabi niya. "Dahil sobra kitang mahal."Muling nagbalik sa kaniya ang mga sandali noong nagtatalo ang isip niya kung maglalakad ba siya sa gitna ng pulang carpet patungo rito, o mananatili sa kinatatayuan at umiling sa lalaki tanda ng pagtanggi niya.Subalit sa huli, tila may sarili isip ang mga paa niya dahil kusang naglakad ang mga ito papalapit kay Russel. At sa mismong iyon, muli silang ikinasal ng lalaki."Pero medyo lugi nga ako, e."Mabilis n
Read more
Chapter Eighty-three |2|
ILANG ulit siyang napalunok matapos mapagtanto ang nangyayari. Kung ganoon, nagsinungaling sa kaniya si Russel. Hindi totoo ang sinabi nitong papasok ito sa opisina nang maaga, dahil hindi pa rin pumapasok ang lalaki."You know what, Meg, I don't want to be paranoid, kaso may history na kasi iyong pinsan ko sa... well, cheating."Umupo siya sa isang silya sa harap ng mesa ni Russel. Binigyan naman siya ng isang baso ng juice ni Aliyah, bago ito umupo sa silyang katapat niya."Bago pa kayo nagpunta sa New Zealand, few days before that, napapansin ko na laging late pumasok si Russel."Napalunok siya nang maalala ang mga araw na tinutukoy ng babae. Iyon ang mga umagang maaga pa, nagpapaalam na sa kaniya ang lalaki para pumasok.Mapait siyang ngumiti. Kung ganoon, nagsisinungaling pa rin pala sa kaniya ang asawa."Palagi siyang wala sa opisina." Kunot ang noong bumaling si Aliyah sa malayo.Nagbuga siya ng hangin bago isinandal ang likod
Read more
Chapter Eighty-four
ILANG oras na rin siyang naghihintay sa kabilang kalye habang nakatitig sa patahian. Pinipilit niyang magpahalata dahil natatakot siya na makita ni Russel mula sa loob.Kapag nalaman nitong nagdududa na naman siya, paniguradong magsisinungaling lang ito. Nagpakawala siya ng hangin habang yakap ang sarili. Maalinsangan ang paligid at masakit sa balat ang sinag ng araw.Luminga siya sa paligid. Nakailang ulit na siyang hinintuan ng mga taxi ngunit umiiling siya sa mga ito. Bahagya pa siyang napasinghap nang bumusina ang malaking truck na paparating.Sa puntong iyon naman, bigla siyang natigilan at mabilis na namilog ang mga mata nang makita ang pagbukas ng pintuan ng tailoring shop, at ang paglabas ng lalaking si Russel.Hinanda na niya ang sarili para makita ang babae nito, ngunit bahagya siyang napamura nang dumaan ang malaking truck at natakpan siya."Ano ba iyan!" Sinubukan niyang humakbang patungo sa kaniyang kaliwa upang mahabol ito ng tingin.
Read more
Chapter Eighty-four |2|
MULA sa tailoring shop, sumakay siya ng kotse at mabilis na nagpahatid sa harap ng gusali kung saan niya nakitang nagpunta noon si Russel.Mariin siyang lumunok. May isang parte ng puso niya ang humihiling na sana hindi, hindi niya makikita roon ang kotse nito. Ngunit tuluyang nadurog ang natitirang tiwala na mayroon siya nang makita ang kotse ng lalaki sa labas ng condominium building."Manong, umalis na po tayo," naluluha niyang wika bago pilit na pinalis ang mga luha sa pisngi niya.Nang makarating sa bahay ay diretso siyang nagtungo sa banyo kung saan walang camera na nakakabit. Doon ay nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nakatitig sa dalawang singsing na nakasuot sa daliri niya.Ang isa ay singsing niya noong unang kasal nila ni Russel, at ang pangalawa ay singsing niya mula sa pangalawang kasal nila sa New Zealand."Napakatanga mo kasi, Megara!" Mariin niyang kinagat ang ibabang labi habang nakatitig nang matalim sa kawalan.Sa gabing i
Read more
Chapter Eighty-five
ILANG ulit bumuntong-hininga si Russel habang hawak sa isang kamay ang glass ng white wine. Nakapulupot ang kamay ni Narissa sa isang braso niya habang nakikipag-usap sa ilang kababaihan na naroon din sa party.Pasimple niyang binawi ang braso kung saan ito nakakakapit, saka sinipat ang oras sa relong-pambisig. Alas-nuebe y medya na. Kanina ay nagsimula na ang party, pero buong oras ay wala siyang gana.Tinungga niya ang laman ng wine glass saka sinenyasan ang isang waiter na napatingin sa gawi nila. Paglapit nito ay inilagay niya ang empty wine glass sa dala nitong tray sabay kuha ng isa pa."Ano ba? Binabalak mo bang maglasing?" bulong ni Narissa at inilapit pa lalo ang mukha sa kaniya.Umiwas siya rito bago naghanap ng taong kilala at puwedeng lapitan sa party. Hindi niya kayang manatili sa tabi nito dahil hindi niya maiwasang mainis.Dapat nasa tabi siya ngayon ni Megara at inaalagaan ito, ngunit sa halip, nandito siya sa party kasama ang ibang
Read more
Chapter Eighty-five |2|
TININGNAN niya ang camera sa kanilang silid, lalo siyang napuno ng pag-aalala nang hindi makita si Megara sa kama nila. Tiningnan na niya ang lahat ng camera sa buong mansiyon, subalit wala ito.Naghintay siya ng ilang sandali dahil marahil ay nasa loob lamang ng banyo ang asawa, ngunit lumipas na ang mahabang oras, walang Megara na lumabas ng banyo. Doon na siya mas kinabahan.Hinanap ng mga mata niya si Narissa. Kailangan na niyang umuwi para puntahan si Megara. Humakbang siya nang ilang ulit para mahanap ang dalaga, sa ilang hakbang niya, natanaw niya ang isang babaeng nakasuot ng kaparehong damit ng kay Narissa.Nakatalikod ang babae ngunit inakala na niyang si Narissa ito dahil sa damit at style ng buhok. Mabilis siyang lumapit dito at agad na pinulupot ang braso sa baywang ng babae para sana ay hilahin ito."Kanina pa kita hinahanap," bulong niya sa tainga ng babae. "Let's go. Umuwi na tayo."Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya nang hind
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status