All Chapters of The Billionaire's Two Wives : Chapter 61 - Chapter 70
117 Chapters
Chapter Sixty-one
MALAPIT nang sumapit ang alas-otso ng gabi, at kahit pa sinabi ni Russel sa asawa na aalis siya, ang totoo ay hindi pa siya sigurado kung pupunta siya.Ayaw na niyang magpatali sa leeg. Kung noon, nagagawa siyang takutin ni Narissa, ngayon ay hindi na niya hahayaang mangyari ang bagay na iyon.Nilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng coffee table at sinandal ang likod sa sandalan ng sofa. Pumikit siya at pinag-isipang mabuti ang mga nangyayari. Sakaling mawala ang problema nila sa lalaking si Rinhu, kailangan na niyang harapin ang isa pang pagsubok na pinagdadaanan.Ipapaalam na niya kay Megara ang nangyari sa Las Vegas, at kung paano siya natali kay Megara dahil sa takot niyang ibunyag siya ng babae sa lahat. At pagkatapos, saka niya pagtutuunan ng pansin ang huling dagok sa buhay nilang mag-asawa.Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang mga hakbang ni Megara sa hagdan. Bumaling siya sa pintuan ng sala at nakita itong tumayo roon.Bigla siyang
Read more
Chapter Sixty-two
NGUMITI si Megara sa babaeng naghahanda ng almusal sa loob ng kusina at binati pa ito bago umupo sa harap ng kitchen island.May nakahanda nang sinangag sa ibabaw ng counter, may scrambled egg, hotdogs, tuyo sa isang plato na may kasamang mga hiniwang kamatis na pula, at pandesal. Napangiti pa siya habang nilalanghap ang mabangong amoy ng kasalukuyan nitong pinipritong marinated na bangus."Ang bango naman, manang! The best talaga ang mga luto mo," puri niya sa babae nang humarap ito sa kaniya para ibigay ang kaniyang hot chocolate.Malapad pa itong ngumiti. "Ikaw talaga. Kabago-bago ko lang dito, e. Impressed ka na masiyado sa akin?"Natawa siya bigla sa narinig. Humigop siya nang mainit na tsokolate bago kumuha ng hotdog at diretsong sinubo ang kalahati.Hindi naman siya masarap magluto. Si Russel lang naman ang gustong-gusto ang mga niluluto niya. At simula nang magkaroon sila ng problema, mas lalo yatang sumama ang lasa ng mga pagkaing niluluto
Read more
Chapter Sixty-three
NAGMAMADALING pumasok sa kotse nito si Russel at nagmaneho pauwi sa kanila. In-off na niya ang kaniyang cell phone. Ni wala na siyang pakialam sa mga importanteng taong tatawag sa kaniya.Ayaw na niyang umeksena pa muli si Narissa sa pagitan nila ni Meg. Ngayon pa na nagiging maayos na sila ng asawa, hindi siya papayag na hadlangan nito ang kanilang kaligayahan.Malayo pa lang ay makikita na ang malapad niyang ngiti sa mukha habang iniisip ang mangyayari mamaya. Paniguradong matutuwa ang asawa kapag nakita ang mga pasalubong niya. Appreciative si Meg sa lahat ng bagay, kahit gaano pa ito kaliit. Kaya gustong-gusto niyang binibigyan ito ng mga pasalubong.Subalit ang malapad na ngiti sa kaniyang mga labi, mabilis na napalitan ng pag-aalala nang makita ang babaeng nakatayo sa labas ng kanilang tarangkahan.Agad niyang inapakan ang break at malakas ang kabog ng dibdib na pinasadahan ng tingin ang dalaga. Nakasuot ito ng simple at kulay puting dress na hangga
Read more
Chapter Sixty-four
"BUNTIS ako at sa iyo ito!"Matagal na nanatiling nakatulala si Russel matapos marinig ang mga katagang lumabas mula sa bibig ni Narissa. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa pregnancy test kit. Wala sa sariling nabitiwan niya ito nang tuluyang mag-sink in sa utak niya ang lahat.Umiling siya. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nalaman. "Sabihin na nating buntis ka nga, pero paano ka nakasisigurong akin iyan!"Hindi makapaniwalang tinitigan siya ng babae. Nakaawang ang bibig nito na para bang hindi nito matanggap ang mga narinig.Tumalim naman ang mga mata niya. Masamang tinitigan ang dalaga. "Sa dami ng lalaki mo, the hell knows kung kaninong anak iyan!"Galit niyang dinuro ang tiyan nito. Nanginig naman bigla sa galit ang mga kamao ng babae. Umangat ang kamay nito at akmang sasampalin siya, pero mabilis niyang nahawakan ang braso nito."How dare you, Russel! Simula nang makilala kita, hindi na ako nakipag-sex pa sa ibang lalaki! Sa iyo
Read more
Chapter Sixty-five
BUONG gabing iniiwasan ni Megara ang lalaki dahil hindi niya kayang kausapin ito matapos ng komprontasiyon nila kagabi. Hindi niya lubos akalain na naging marupok na naman ang puso niya at inisip na magkakaayos pa rin sila.Pagkatapos niyang marinig ang kuwento kahapon ng katulong nila, tila yelo na binuhusan ng mainit na tubig ang puso niya. Unti-unti itong natunaw, hanggang sa tuluyan na naman siyang bumigay sa asawa.Mabuti na lang dahil pumunta sa bahay nila si Aliyah bago maggabi. Dito niya nalaman na maagang umuwi si Russel. Ayon pa sa babae, pinilit nitong tapusin agad ang lahat ng trabaho at para bang excited na excited itong makauwi.Kumuyom ang mga kamao niya nang maalala ang mga sinabi ng babae. Ilang ulit siyang napalunok dahil sa nararamdamang paninikip ng dibdib."Hindi ka na magbabago, Russel." Nag-umpisang mamasa ang gilid ng mga mata niya. Nang tuluyang umagos ang isang luha sa kaniyang pisngi, marahas niya itong pinalis habang nagpipigil
Read more
Chapter Sixty-six
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Megara matapos isandal ang likod nito sa malaking puno na pinagkukublihan niya. Ilang ulit siyang lumunok nang maramdaman ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso. Kung dahil ba sa kaba o takot, hindi niya sigurado.Nasa harap siya ngayon ng isang gusali kung saan pumasok si Russel. Building iyon ng mga condo unit na malapit sa kompanya ng asawa niya, pero bakit nandito ang lalaki? Sino ang nakatira sa loob ng gusaling iyon?Kanina, sa halip na umalis para mag-mall, pinigilan niya ang driver ng taxing sinasakyan at sinabihan itong pumarada at magkubli sa hindi kalayuan. Ilang minuto siyang naghintay sa labas ng private subdivision. Nang makita ang papalayong kotse ni Russel, inutusan niya ang taxi driver na sundan ang sasakyan ng lalaki.Hindi niya alam kung bakit, pero biglang sumagi sa isip niya na pupuntahan ni Russel ang kabit nito. Mas lumakas ang hinala niya nang tumigil sa tapat ng kompanya nito ang kots
Read more
Chapter Sixty-seven
LAGLAG ang mga balikat na naupo si Russel sa mahabang sofa sa sala ng condo unit ni Narissa. Hawak pa rin niya ang picture ng ultrasound ng babae, pero wala roon ang paningin niya. Maging ang isip niya'y lumilipad sa kung saan.Nakangiti namang naghahanda ng maiinom at makakain si Narissa sa kitchen nito. Masaya ang babae dahil sa nakitang reaksiyon ni Russel kanina.Paano, namutla ang mukha ng lalaki nang kumpirmahin ng doctor na buntis nga siya. Ibig sabihin lang niyon, unti-unti na itong naniniwala.Tangan ang tray ng dalawang kamay kung nasaan ang dalawang glass of red wine at ilang slices ng tuna melt sandwiches, tila sumasayaw ang puwetan niya nang lumapit siya sa lalaki at nilapag sa ibabaw ng round table sa harap nito ang mga pagkain."Heto, kumain ka muna. Mag-uusap pa tayo tungkol sa baby natin."Nagsalubong naman ang mga kilay ni Russel sa narinig. Tinitigan siya nito nang may talim sa mga mata.Natawa na lang siya bigla. "Russel,
Read more
Chapter Sixty-eight
PINAGMASDAN niyang buksan ni Narissa ang pintuan ng condo unit nito hanggang sa makapasok ang dalaga sa loob. Sinundan niya ito patungo sa sala at may ilang segundong pinagmasdan habang nakaupo ito sa mahabang sofa.Nakakrus ang dalawang kamay ng babae sa tapat ng dibdib nito. Halata ang inis sa pagmumukha. Kanina habang lulan sila ng kotse niya, nagtalo silang dalawa dahil pinagpipilitan nitong doon siya matulog sa condo unit nito. Hindi siya pumayag kaya nag-inarte ang babae."Ano ba kasing pinaggagagawa mo? Bakit bigla na lang sumakit iyang tiyan mo?" Matalim niya itong tinitigan habang hinihintay itong makasagot.Mula sa kawalan, binaling nito ang mga mata sa kaniya. Masama siyang tinitigan. "Narinig mo naman siguro ang nurse, `di ba? Stress ang dahilan ng nangyari sa akin! At nang dahil iyon sa iyo!"Lukot ang mukhang umupo siya sa armchair sa kaliwa ng sofa at naiiling na tinitigan ang dalaga. Sa init ng ulo niya, gusto na lang niya itong saktan nan
Read more
Chapter Sixty-nine
MARIING kagat ni Megara ang ibabang labi habang pababa siya ng hagdan. Nagngingitngit ang kalooban niya sa tuwing naaalala ang pagpunta ni Russel sa condo ng babae nito.Bigla tuloy siyang napahinto sa tapat ng pinto ng kanilang bahay. Napaisip siya kung sino ang bumili ng condo unit ng babae—ito ba o ang asawa niya? Dahil doon ay mas lalong kumulo ang dugo niya.Mula sa harap ng pinto, bumalik siya at pumasok sa loob ng kusina, saka binuksan ang fridge nila at kinuha ang may bawas ng wine bottle sa loob. Hindi na siya nag-abalang magdala ng wine glass. Diretso siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa labahan, doon ay tumungga siya ng wine."Akala niya siguro, madadala pa niya ako ng pabulaklak at pa-surprise dinner niya." Kagat ang ibabang labi, nailing siya bago muling tumungga ng red wine.Nagpabalik-balik siya ng lakad sa harap ng washing machine, nakahawak ang isang kamay niya sa kabilang baywang at ang isa pa, hawak ang bote ng wine na binili pa
Read more
Chapter Seventy
NAGPAKAWALA nang malalim na buntong-hininga si Megara matapos matanaw ang paglabas nang ikalabing-anim na babae mula sa gusali kung nasaan ang condo unit ng kabit ni Russel.May isang babae kanina na papasa bilang kabit ng asawa niya. Maganda ito, maputi, matangkad, nakasuot ng pekpek shorts at black sando na pang-itaas, pero may kasama naman itong matandang hukluban na humahalik-halik pa rito. Dahil doon ay naisip niyang imposible rin kung iyon ang kerida ng asawa niya.Nagbuga siya ng hangin matapos sumandal sa malaking katawan ng puno. Pinagsalikop niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib. Biglang kumalam ang sikmura niya.Kanina nang umalis si Russel sa bahay nila, sumunod na rin siya rito. Mabilis ang pagpapatakbo nito kaya nawala sa paningin nila ng driver ng taxing sinasakyan niya. Sa sobrang inis, dumiretso na lang siya sa labas ng condo ng babae at hinanap ng mga mata ang kotse ng asawa, ngunit wala naman iyon doon. Mukhang may ibang pinuntahan si Rus
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status