All Chapters of Seducing the Gay CEO: Chapter 41 - Chapter 50
109 Chapters
40 - Pagmamakaawa
"Nasaan na ba 'yun?" rinig kong inis na sambit ni Yunard habang tinitignan ang phone.   "Papasok na ako, kakausapin ko lang naman siya," sambit ko.   "Ang sabi niya hintayin mo siya, Gillian. Bakit ba patagal ng patagal nagiging matigas ang ulo mo?" kunot noong sambit ni Yunard.    Nakita ko na kasi kanina pa na pumasok doon si Sir kaya gustong gusto ko nang pumasok para kausapin siya, ngunit ayaw akong payagan ni Yunard, ang sabi niya ay binilin daw ni Dexie na bantayan niya ako at huwag hayaang pumasok nang wala siya.    Hindi ko alam na nag-uusap pala ang dalawa, kaya nagulat ako nang sabihin niya iyon.    "Kaya ko naman kasi," sambit ko.    "Ang tigas
Read more
41 - Ama
Halos manghina na ako habang nagsusuka. Gusto kong isuka na lang lahat para sana minsanan na 'yung hirap. Patuloy lang ako sa pagsusuka hanggang sa hindi ko napansin na nasa pinto na pala ng Cr si Nika at Papa."A-Ate," naramdaman ko ang kamay ni Nika sa likod ko, hinahaplos niya iyon kaya napasulyap ako sa kanya. Araw-araw na lang ganito, paggising ko tatakbo ako papunta sa CR. Sa pagmamadali ko kanina, hindi ko naisara ang pinto. Nanghihina akong kumuha ng tubig sa timba para i-buhos."Ilang araw ka nang ganyan. Sa tingin mo ba hindi ko napapansin?" napapikit ako at napaharap kay Papa. Si Nika ay nasa tabi ko lang, hawak na niya ngayon ang kamay ko. Napakapit ako roon para kumuha ng kaunting lakas. Ilang beses kong sinubukang sabihin sa kanya na buntis ako, pero paano ko sasabihin?
Read more
42 - Paalam
"Pa, saan kaya pupunta?" malakas na tanong ko nang makita kong pinaandar ni Yunard and motor at umangkas si Papa.Mabilis akong tumakbo papalabas para habulin sila, ngunit parang hindi nila ako napansin dahil pinaandar na nila. Mas lalo akong kinabahan."Ate, papasok na ako," napasulyap ako kay Nika nang magsalita siya sa likod ko.Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. "Mag-iingat ka," sambit ko."Opo, ate, nasa loob po si Zaji hinahanap ka." Muli akong tumango.Hindi ko maiwasang bumuntong hininga muli at isipin ang maaari nilang pag-usapan. Tapos wala pa silang sabi-sabi na umalis. Saan sila pupunta?"Ang lalim no'n ah!" napasulyap ako sa pinto nang marinig ang boses ni Dexie.Sa paulit-ulit na pagpunta rito ni Dexie ang tan
Read more
43 - Pagbabago
"Ate, Si Zacky gustong maligo sa dagat!" napasulyap ako sa plywood na bintana para makita si Zaji at Zacky.   "Huwag mong papayagan, inuubo na yan kagabi dahil naligo kahapon," sambit ko at bumalik sa pagkakaupo.   Kumuha ako ng damit sa tabi ko at tinupi, hindi ko pa natutupi ng maayos nang marinig ang iyak ni Zacky habang papalapit. Kasunod nito si Zaji na nakasimangot. Kahit hindi magsumbong si Zaji ay alam kuna. Hindi ko alam kung saan nagmana ang anak ko, ang tigas ng ulo niya.   "Mama, Ligo sa dagat!" Umiiyak na sambit nito. Lumapit ito sa akin bago umakyat sa sofa at niyugyog ang balikat ko.   "Ako na bahala rito, tapusin mo na yung assignment mo," sambit ko kay Zaji, tumango lang ito bago lumabas. Binalingan ko si Zacky at kinurot ng mahina ang pisngi nito.
Read more
44 - Papa
"Manager?" Hindi makapaniwalang tanong ko nang marinig ang sabihing iyon ni Dexie.   Nakaupo siya ngayon sa harap ko habang sa paanan niya ay may taong pinipinturahan ang mga kuko niya sa paa. Napaiwas ako roon nang tingin nang may maalala. Tumawag siya ng subrang aga at gusto niyang pumunta ako ngayon dito sa resort niya. Hindi ako makapaniwala na iyon ang sasabihin niya. Manager? Gagawìn niya akong manager ng resort niya?  "Why? It's a nice job!" sambit nito at pinatigil ang nagpipintura sa kuko niya. "Ipapatawag na lang kita," sambit nito sa taong iyon.    Hinintay ko munang makalabas ang taong iyon bago hinarap si Dexie at tinaasan ng kilay.   "Gagawin mong manager ang taong walang diploma? Nagpapatawa ka ba?"    Bu
Read more
45 - Pagkikita
"Miss!" Nakangiti akong sumulyap sa tumawag sa akin.Nakahiga ito sa sun lounger habang nakasuot ng sun glasses. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagbibilad sila sa araw.Lumapit ako sa kanya sabay tanong. "Yes, Ma'am, ano po 'yon?" tanong ko habang nakangiti."Strawberry Daiquiri," simpleng sambit nito bago hinarap ang ang magandang tanawin ng dagat.Tumango na lang ako at naglakad para lumapit sa bartender at para rin sabihin ang order ng bisitang babae."Strawberry Daiquiri," sambit ko sa bartender. Tumango ito at nagsimula nang mag timpla.Dalawang araw na nang opisyal na binuksan na ni Dexie ang resort niya at pagbukas na pagbukas ay dinayo na agad ito.Iilan lang kasi ang resort rito at ang iba ay malayo pa, kaya
Read more
46 - Kaba
Hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ko bang harapin ang anak ko na sa tingin ko'y papalapit na sa'kin?O magpapanggap na hindi ako ang tinawag na mama ng anak ko? Hindi ko na alam! Ano ba kasing ginagawa dito? Nagbabakasyon? Marami namang resort, pero bakit dito pa sa Ilocos niya naisipan magbakasyon?! Haist! Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, unang nakita ko ay ang mata niyang gulat kagaya ko. At hindi ako makapaniwala na sa titig niyang iyon ay halos manginig ang tuhod ko.  6 years, 6 years ko siyang hindi nakita at sa 6 years na 'yon sinubukan kong tanggalin siya sa isip ko, sinubukan ko siyang kalimutan, pero subrang hirap, paana ba naman, kapag tinitignan ko ang anak ko ay pumapasok siya sa isip ko."Mamaya na, Sir Zacky," rinig ko ang boses ng nagbabantay kay Zack
Read more
47 - Kamukha
Sabado ngayon at walang pasok sila Zaji at Nika, kaya pinakiusapan ko muna sila na bantayan muna si Zacky. Wala akong planong isama siya ngayon, lalo na at alam kong nandoon si Zachary. "Huh? Hindi mo siya isasama, Ate? Pumayag si Ate Dexie? Baka hanapin niya si Zacky." Si Nika habang naghuhugas ng pinggan. Sumulyap ito sa'kin para sa sagot sa tanong niya. Papaalis na ako nang sabihin sa kanya na iiwan ko si Zacky. Si Zaji ay nasa loob ng bahay kasama si Zacky, umiiyak kasi at gusto raw sumama. "Basta iiwan ko muna, bantayan niyo ng maigi. Huwag niyong paliliguin sa dagat," bilin ko sa kanya. "Okay, Ate. Ingat ka. Kami na bahala kay Zacky," sambit nito at itinuon na ang tingin sa hugasin. Dumeretso ako sa locker para magpalit ng uniform. Habang nagpapalit ay muli akong dinalaw nang kaba, anong gagawin ko kapag nagkita ulit kami? Ano sasabihin ko? &n
Read more
47. 1 - Night
"Ms. Gillian, sige na. Ngayong gabi lang naman po, kailangan ko lang umuwi at inaapoy nang lagnat ang anak ko," si Leah na ngayon ay halos magmakaawa na.    Bumuntong hininga ako at hinarap siya. "Siya sige umuwi ka na," sambit ko.     Kinuha ko ang phone at tinawagan si Nika para sabihin na mukhang hindi ako makakauwi ngayon. Binilin ko rin na bantayan nilang maigi si Zacky at patulugin ng maaga. May mini party kasi na nangyayare kapag gabi rito at shempre kakailanganin ng Waiter at isa si Leah sa nakatuka ngayon gabi.     Hindi naman ako makahindi dahil ang anak niya na may sakit na ang usapan.    Inilugay ko ang buhok ko. Party iyon kaya hindi pwede ang suot ko na slacks at puting polo ang gamitin ko. Lumapit ako sa mga nakahi
Read more
48 - Room
Mabilis kong hinarang ang kamay ko sa dibdib niya para huwag mapalapit nang subra. Nanlalaki ang mata ko nang maramdaman ang matigas nitong dibdib. Maganda na ang katawan niya noon, ngunit hindi ko maipagkakaila na mas gumanda ngayon. Napalunok ako at aalisin na sana ang kamay ko sa dibdib niya kaya lang na-isip ko na kapag ginawa ko 'yun baka hilahin niya pa ako at mas mapalapit pa ako sa kanya.Tumingin ako sa mukha niya. "What do you think you're doing?" madiin kong sambit. Napalunok ako ang makitang sa labi ko siya nakatingin. Nasaan na ba si Mandy? Dapat binabantayan niya ang lalakeng 'to! Napakalandi!Tinikom ko ang labi ko kaya napatingin siya sa mata ko. Then he smiled. Kunot noo ko siyang Tinignan."Problema mo!" inis kong sambit at sinubukan siyang mas itulak, ngu
Read more
PREV
1
...
34567
...
11
DMCA.com Protection Status