Nasa sasakyan na kami pauwi ng bahay, tahimik lang si Enrico habang nagmamaneho, huminga ako nang malalim at umayos ng upo, “Mukhang ang saya saya ni Pamela sa piling ni Rommel ano?” Sabi ko upang basagin ang katahimikan. Bahagya ko itong nilingon para makita ang magiging reaction nito.Pero mahirap basahin ang nilalaman ng utak nito ng mga sandaling ito dahil wala naman akong makitang nag iba sa expression ng mukha nito. Focus lang ito sa pagmananeho.“Sabagay, sino ba namang hindi magiging masaya eh perfection si Rommel!” Hirit ko pa, “Alam mo bang tagal na halos mabaliw ako sa lalaking yun nuon. Minsan pa nga iginagawa ko ng merienda, baka sakaling madaan ko sa ganun at mainlab sya sa akin.” “Eh di sana sa kanya ka pala nagpabuntis!” Pagalit na sabi nito, natrigger ko yata ang ego nito.“Sana nga,” sagot ko dito para lalo itong inisin. Muntik na akong mauntog nang bigla na lamang nitong bilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. “Hey, magdahan dahan ka naman, ayoko pang mamatay!” Sigaw
Terakhir Diperbarui : 2025-11-06 Baca selengkapnya