“TAMA na!” sigaw ko sa dalawa, pumagitna ang isa sa mga kaibigan namin para awatin ang mga ito habang si Enrico naman ay kinaladkad ko nang palayo dito.“Pumunta ka lang dito para magdala ng gulo!” Sumbat ko dito nang nasa loob na kami ng sasakyan.“Hah, at kinampihan mo pa ang lalaking yun? Bakit, dahil akala mo seseryusuhin ka niya?” Parang nanunuyang tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot pero napipikon ako. Hindi ba kaseryo seryoso ang isang babaeng gaya ko? Ang mga kamay ko ay itiniklop ko para duon irelease ang inis na nararamdaman ko.“Bakit ba ganitong oras napasugod ka? Alam mo namang three nights ang paalam ko saiyo, hindi ba?” sabi ko.“Nag aalala ako sa bata,” sagot nito sa akin, “Baka mamaya niyan, makalimot ka at uminom ng alak at. . .”“Nag aalala?” May sacasm sa tonong tanong ko dito, “Hey, nakalimutan mo na bang gusto mo itong ipalaglag nuon?” Paalala ko dito, “Kung di ko inilaban ang buhay nito, matagal na itong wala.”“Nataranta lang ako nun kaya ko nasabi iyon. I
最終更新日 : 2025-11-12 続きを読む