RAMDAM ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso nang tingnan ko si Omeng. Namumula ang aking mukha at nag iinit ako sa pinaghalo halong emosyon habang pakinggan ko ang sinasabi nito.“I have to find the truth. Gusto kong makatiyak na kapag bumalik ang alaala ko, wala akong pagsisisihan na si Clarisse ang pinili ko. “Napalunok ako, ramdam ko ang pagbara ng laway sa aking lalamunan, “K-kahit siguro bumalik nang lahat ang mga alaala mo, hindi mo pagsisisihang si Clarisse ang pinili mo.”Tumingin ito sa akin ng matiim, “Paano ka nakakasiguro?” “Obvious namang mahal na mahal mo si Clarisse. Sabi nga ng dati mong secretary, mga bata pa kayo ay nanliligaw ka na sa kanya. At saka. . .ikaw na rin ang me sabi, buntis si Clarisse at. . .at nararapat lang namang panagutan mo sya, hindi ba?”Nagkibit ito ng balikat. “Sabagay. Mahal ko si Clarisse at siguro nga, wala ng halagang malaman ko pa ang mga bagay na nawala sa aking memorya,” mapakla ang pinakawalan nitong ngiti, “Hindi siguro iyon ganun
Terakhir Diperbarui : 2025-09-25 Baca selengkapnya