NAGULAT na lang ako nang dumating si Miranda at may dalang isang malaking maleta. "I'll be staying here," anunsyo nito. Napalingon ako kay Enrico na halatang nagulat rin sa biglang pagsulpot ni Miranda, "Gusto kong ako ang mag aalaga saiyo," sabi nito kay Enrico.Nakaramdam ako ng pangigigil. Bakit kailangan nitong ipagsisiksikan ang sarili eh kaya ko naman nang alagaan si Enrico?Pero hindi ko ito bahay at si Enrico lang ang may karapatan kung sino ang gusto nitong tanggapin dito sa bahay. O gustong paalisin.Nilapitan nito si Enrico at tila nanadya pang asarin ako, "Enrico, from now on, ako nang mag aalaga saiyo. Ill monitor all your food intake. Kung gusto mo, sasamahan rin kita sa opisina mo para matiyak na healthy lahat ng kinakain mo. Don't worry, behave naman ako."Gusto ko na itong sakalin."By the way, Tiffany, wag na wag mong bibigyan ng coffee si Enrico." Inagaw nito mula kay Enrico ang ginawa kong kape para dito."Hindi naman bawal ang coffee sabi ng doctor, in fact nakaka
Huling Na-update : 2025-11-25 Magbasa pa