"SI Jay, nagpakamatay," Halos paanas ko lang na narinig kay Omeng, "Pinapauwi ako ni Papa."Napabangon ako, "Sinong Jay?" Familiar sa akin ang pangalang iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang lalaking kausap ni Clarisse nang gabing iyon. "Si Jay, iyong kinakapatid ko." Tugon nito sa akin, hinalikan ako nito sa nuo, "I have to go. Pupuntahan ko lang sila. Babalik rin ako kaagad," sabi nito.Tumango ako, "Go ahead. At mag iingat ka." Paalala ko dito."I love you," sabi nito saka nagmamadali nang umalis. Naiwan akong nag aalala. Anong dahilan para magpakamatay ang lalaking iyon? At ito nga kaya iyong lalaking ama ng batang ipinagbubuntis ni Clarisse?OMENG'S POV:HALOS paliparin ko na ang aking sasakyan para puntahan si Papa. Masama ba akong tao dahil parang mas tinatalo ng sobrang kaligayahang nararamdaman ko ngayon ang masamang balitang sinabi sa akin ni Papa?God, hindi ako makapaniwalang minsan ay nawala sa aking alaala ang napakagandang pakiramdam na ito. I love Pamela so much
Terakhir Diperbarui : 2025-10-18 Baca selengkapnya