PAULO'S POV:HABANG TINITINGNAN KO SI LOLA MARGARET na may kung anu-anong nakasaksak na apparatus sa katawan para lang madugtungan ang buhay nito ay parang ako ang nahihirapan sa lagay nito. Ginagap ko ang mga kamay ni Lola. "Apo, sana makita man lang kitang ikasal bago ako mamatay," sabi nito, may pait sa mga labing ngumiti, "Hindi na ako magtatagal, apo ko. . .sana sa mga huling araw ko man lang, maging masayang-masaya ako. Si Luisa, I know she is the right girl for you. Nararamdaman ko iyon iho, at hindi pa ako nagkakamali sa aking sapantaha."Hindi ako makapagsalita. Kasalanan ko ito, pinaasa ko si Lola. Hindi ko na pwedeng bawiin pa ang mga nasabi ko. "Lola. . .""Gusto ko siyang makita, iho. Dalhin mo sya sa akin," hiling pa nito sa akin. Gusto kong suntukin ang sarili ko. Bakit ba kasi ako nagsinungaling kay Lola? Ngayon ay naging kumplikado na ang sitwasyon. "Pwede ba, ha iho?"Napilitan akong tumango kay Lola Margaret kahit na ang totoo, nagproprotesta ang kalooban
Last Updated : 2026-01-31 Read more