"I'M SORRY," HALOS paanas lang na sabi ko kay Omeng nang lumabas ako ng aking kwarto, "Masama lang talaga ang pakiramdam."Tumango ito, "Sorry din kung nakukulitan ka sakin."Napakunot ang nuo ko nang mapansin kong tila galing ito sa pag-iyak. Parang hindi bagay sa isang bruskong gaya ni Omeng ang umiyak. "Don't tell me nanuod ka ng nakakaiyak na drama?" Pabirong tanong ko dito, itinuro ko ang mga mata nitong mukhang namumugto.Bakas ko ang lungkot sa mga mata nito nang tingnan ako. Napalunok ako dahil parang ng mga sandaling iyon, gustong-gusto na nitong sumandal sa balikat ko at maglabas ng lahat ng sama ng loob. May pinagdaraanan rin ba itong gaya ko?"Omeng, may problema ba?"Umiling ito, "Wala, sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na. Kapag nagutom ka, sabihin mo lang, papainitin ko iyong lugaw. Or kung ayaw mo ng lugaw. . .""Bakit ang galing mong magtago ng problema mo? Bakit ako, hirap na hirap akong itago ang totoong emotions ko?" Tanong ko kay Omeng."
Terakhir Diperbarui : 2025-08-08 Baca selengkapnya