"HINDI NYO BA TALAGA AKO TITIGILAN, HA MOMMY?" Naiirita nang tanong ko sa ina nang sagutin ko ang tawag nito. Wala na sana akong balak sagutin ito ngunit mukhang hindi ito hihinto hangga't hindi ko kinakausap, "What is it this time?""Hindi na kami makikialam ng Ninong Rodrigo mo, basta wag kang bumitaw sa project na iniaalok saiyo ni Enrico," nakikiusap na sabi nito sa akin.Napahinga ako ng malalim. Alam kong pinasasakay lang ako nito. "Sorry Mommy pero nakapagpasya na ako," giit ko, "Ayoko ng kahit na anong may kinalaman kay Ninong Rodrigo. Mabuti nga at habang maaga pa narealize kong may connection ang asawa nyo sa lahat ng business dealings ni Enrico kaya habang hindi pa nagsisimula ang lahat, iniuurong ko na ang kasunduan namin.""Anak. . .""Naalibadbaran ako sa tuwing tinatawag ninyo akong anak dahil hindi naman kayo nagpakaina sa akin kahit na kailan! Ngayon, kung wala na kayong ibang sasabihin. . .marami akong documents na kailangang pag-aralan!" Pagkasabi niyon ay mab
Last Updated : 2025-08-10 Read more