OMENG'S POV:NAPAKAMOT AKO SA ULO, RAMDAM KO ANG pamumula ng aking mukha, "Don Modesto naman, " sapilitan akong tumawa upang ikubli ang kabang nararamdaman ko, "Ha ha ha. Maling-mali po kayo ng hinala. Hindi ko ho gusto ang anak ninyo. Sa laki ho ng respeto ko sa inyo, hindi ko gagawin ang bagay na ikagagalit ninyo. Alam ko naman ho kung saan ako lulugar. Isang hamak na tauhan lang ako, wala ako sa lugar para magkagusto sa anak ninyo. Saka suntok sa buwan na magustuhan rin ako ng anak ninyo kaya. . .""Ang dami mo na kaagad sinabi," napapangising sabi ng matanda, "Kung hindi mo gusto ang anak ko eh di hindi."Natahimik ako. Feeling ko kasi ay hindi ko nakumbinsi si Don Modesto."Anyway, ang gusto ko lang naman ay protektahan mo si Pamela. Hindi habang buhay nandito ako sa tabi niya para protektahan at alagaan siya."Hindi ako nagsasalita ngunit ramdam ko kung gaano nito kamahal si Pamela. Nakakainggit na hindi ko man lang naranasan sa tatay ko ang ganitong klaseng pagmamahal.
Last Updated : 2025-08-03 Read more