DON MODESTO POV:TAHIMIK lang ako habang nakikinig kay Omeng. Nakita ko ang sincerity sa mukha nito. Sino ako para husgahan ito. Kahit kailan ay hindi kasalanan ang magmahal. Nagkataon lang na mayaman kami, mahirap lang si Omeng. Pero wala akong nakikitang problema duon as long as hindi nito pagsasamantalahan si Pamela. Isa pa, kung totoong mahal nito ang anak ko, gagawin nito ang lahat, hindi man nito marating ang yaman namin, magsusumikap ito para maging karapat dapat sa anak ko."Patawarin nyo ho ako kung hindi ko napigilang mahalin ang anak ninyo. . .""Batang ito," sabi ko, hindi ko mapigilang mapangiti, " Kanina ka pa paulit ulit na humihingi sa akin ng tawad. Kailan ba naging kasalanan ang magmahal?" Nag angat si Omeng ng mukha. Gulat na gulat ito habang nakatingin sa akin, " Hindi ho kayo nagagalit sa akin?""Magagalit ako kung di ka gusto ng anak ko pagkatapos ay pipilitin mo sya." Sabi ko dito.May pait sa mga labing napangiti si Omeng, "Baka nga ho hindi ako gusto ng anak
Last Updated : 2025-08-25 Read more