All Chapters of The Estranged Kids of Mr. CEO: Chapter 41 - Chapter 50
133 Chapters
Chapter 41: THE RAGE OF ARAGORN
Napasugod si Matthew sa bahay ng mga Rivera ngunit ang tita ni Prim ang humarap sa kanya.   “Bakit ka pa nagbalik dito?”   “Kailangan ko lang po ng kausapin ang mga anak ko.”   “Hayan, sige. Pakalmahin mo ang mga anak mo habang hindi rin maayos na makausap si Prim dahil sa nangyari sa kanya kahapon. Kailan ka lang nila nakilala pero ganito na ang nangyari sa kanila. Tahimik ang buhay nila noong wala ka. Bakit ka pa nagpakita?” Umiyak ang matandang babae sa awa sa pamangkin at sa mga apo.   Kumatok siya at sabay bukas sa kuwarto ni Prim. Nakita niyang iyak nga ito ng iyak sa harap ni Troy. Sa gawing bintana ito nakaharap at nakasubsob ang kanyang ulo sa tyan ng lalaki. Hinahagod ang likuran nito upang pakalmahin.   Tumakbo ang dalawang lalaki sa kanya ay yumakap.   “Prim…”   “Ito ba ang gusto mong mangyari sa amin, Mr. Aragorn matapos mong
Read more
Chapter 42: THE THREAT
Si Matthew pa rin ang gumawa ng paraan na maprotektahan si Prim. Nagkaroon ng security si Prim sa tuwing papasok ito sa trabaho.   “Hindi ko kailangan ng bodyguard,” pagmamatigas na sabi nito.   “Kakailanganin mo ang magtatanggol sa iyo kung ayaw mong ipagtanggol ang sarili mo. Sa telenovela lang may mga babaeng api-apihan at hindi pang MMK ang kuwento mo,” sabi nito at sinimangutan siya ni Prim. Ibinato ang bag nito sa kanya.   “Siraulo! Nagagawa mo pa kong asarin na parang okay lang ang nangyari. Anong akala mo? Shooting ng live drama, buwisit ka!” Natatawa-tawa si Matthew na ibinigay ang bag nito.   “Tingnan ko nga.” Sinipat ni Matthew ang mukha ni Prim sa kaliwa’t kanan. Magaling na ang maliliit na galos nito. ”Ay, maganda pa rin talaga ang loves ko! Walang kupas kahit napaghampas ka ng bulaklak, maganda ka pa rin sa lahat ng bulaklak,” dagdag na sabi pa nito sa babae habang nasa kotse sila.
Read more
Chapter 43: THE FINAL BLOW
Kinaladkad ni Matthew palabas ng kuwarto si Prim. Hindi umiimik ang mga bata dahil first time nilang nakitang mainit ang ulo ni Matthew.   “Bakit ngayon ka lang?!” tanong ni Matthew habang nasa tabi ni Teo. May dextrose na ang bata. Hindi sumunod si Troy. “Inuuna mo pa ang kung sinu-sino bago ang mga anak mo. Hayan, hindi mo ba na-tsi-check ang anak mo? Ah, siguro kasi busy ka diyan sa boyfriend mo na ka-meant to be mo! Ubos na ang oras mo para asikasuhin sila,” sabi ni Matthew habang nasa loob sila ng private room ng anak.   Isang malakas na sampal ang iginanti nito dahil ayaw na niyang magsalita. Ubos na ang lakas niya para magpaliwanag. Kitang- kita naman ang ebidensiyang nagseselos siya.   “Wala kang pakialam sa personal kong buhay. Hindi ko rin kailangang ipagpaalam sa iyo kung sino ang kasama ko at kung anong oras ako uuwi.”   “Okay, fine. Sa tingin mo, pinakikialaman kita! Kontrabida ako sa bu
Read more
Chapter 44: THE BATTLE BEGINS
Nakapasok pa rin ang magkapatid sa school ngunit hindi sila sanay na dalawa lang. Tahimik si Thea habang dahan-dahan siyang kumakain ng pancake for recess. Nakakatatlong subo pa lang siya ay inilayo na niya ang tray ng pagkain. Inilayo rin ni Matthias ang kanyang tray at sabay silang napabuntung-hininga at sumalumbaba.   “Uy, ano ba naman? Pareho kayong Biyernes Santo ang mukha,” sabi ni Barbhie.   “Kumusta na kaya si Teo?” tanong ni Matthias.   “Ilalabas na siya today,” tugon nito sa kapatid.   “Gotcha!” Binulaga ni Maia si Matthias ngunit nilingon lang niya ito at binigyan nang fake na ngiti.   “Ano ba?” naiiritang tugon ni Matthias.   “Matt…” tawag ni Maia habang pinapagalaw ang kilay nito at nagmukhang rabbit dahil labas ang dalawang malalaking ngipin nito.   “Why are you being so silly?”sabi ni Matthias.   “Heto
Read more
Chapter 45: THE DESPERATE MEASURE
Hindi halos makakilos si Prim sa kanyang kinatatayuan. Iisa-isahin ni Matthew na kunin sa kanya ang bata. Gusto na niyang mamatay kung mangyayari iyon. Muling natapig ni Prim ang photo frame nilang mag-anak. Pareho silang nagulat ni Matthew. Hindi niya naisip na makakagawa ng isang bagay si Prim dahil sa sobrang pagkadesperado niya ng mga oras na iyon.   Tumalsik ang bubog ng salamin.   “Patayin mo na lang kaya ako ngayon, Mr. Aragorn tutal, isa-isa mo na ring binabawi ang kaligayahan ko para mapapasaiyo sila ng walang kahirap-hirap.”   “Prim…”   Kinuha ni Prim ang piraso ng bubog at walang sabi -sabing naglaslas siya ng pulso sa harapan ni Matthew. Tumulo ang sariwang dugo sa sahig.   “Prim!” Inawat niya ang babae.   “Hayaan mo na lang akong mamatay para makuha mo na sila! Hayaan mo na akong mamatay!” At humagulgol si Prim. “Hayan mo na lang akong mamatay! T
Read more
Chapter 46: THE WITHERING ROSE
Pumasok si Prim na may benda ang kanyang pulso. Naka-long sleeves ito kaya hindi halata ng mga staff niya. Hindi niya nagawang magpahinga. Lalo lang daw niyang maiisip si Teo. Mami-miss lang niya ang bata. Nalaman ni Troy ang nangyari kay Prim kaya pagkatapos ng kanyang klase ay dinalaw niya ito sa kanyang flower shop.   “Yeah, iiyak mo lang.” Kasalukuyan silang nasa Ajumma’s Snack Bar at tumutulo ang luha ni Prim. Hindi niya magawang kumain.   “Kukunin din niya si Matthias sa akin.”   “Prim…”   “Parang ikamamatay ko talaga, Troy. Alam mo naman kung gaano kahalaga silang tatlo sa akin. Sila lang ang nagbibigay ng inspirasyon sa akin. Sila lang ang kaligayahan ko.”   “Let’s get marry and we’ll get their full custody,” suhestiyon ni Troy sa babae. “Will you marry me, Prim?”   “Troy, my heart is in agony dahil kinuha ni Mr. Aragorn ang anak ko.”  
Read more
Chapter 47: THE CHANGING OF SEASON
Binantayan ni Matthew si Prim hanggang sa tuluyan itong magkamalay. Sinabi ng mga doktor na ligtas na ito sa kapahamakan. Halata sa kanyang leeg ang marka ng kumot na itinali niya sa kanyang leeg.   “Bakit mo iyon ginawa?”   “Anong silbi ng buhay ko kung wala na ang anak ko, Mr. Aragorn?”   “At anong silbi rin na nasa akin sila kung sisisihin naman nila ako sa bandang huli kumbakit nagpakamatay ka? Iyon ba ang gusto mong mangyari?” Umiyak si Prim. Hindi na inisip na Matthew na matindi ang pinagdadaanan ni Prim.   “Sila lang ang buhay ko. Sila lang ang nagmamahal sa akin.” Hindi masabi ni Matthew na mahal din niya ito.   He had met Prim at the right time but somewhere down the road, Matthew was lost. He didn’t believe that destiny is there waiting for the right time too.   “You still have them. Nasa akin lang sila dahil gusto ko silang alagaan. Hindi ako puwed
Read more
Chapter 48: THE FURIOUS FLAME
Sabi nila, “We are created out of love because God is love. To love is to will the good of others for his/her own sake. For a person to realize this love, he or she must make oneself a gift to others.”   But this thing called love is a bit tricky. People trick you by saying they love you but contradicts their words through their actions. And sometimes, they have their own misconception about what love is all about.   Para kay Prim ang pagmamahal niya ay inilaan niya unang – una sa mga batang inaakala niyang kaganapan ng pagmamahal na iyon. Wala siyang tanging hangad kundi ang magkaroon ng mga anak. Hindi niya inisip na bago niya mahalin ang mga batang mabubuo sa kanyang sinapupunan ay una niyang mamahalin ang lalaking magsisilid sa kanya ng panibagong buhay.   Para kay Matthew, ang kaganapan ng pagmamahalan ng mag-asawa ay ang pagkakaroon ng mga anak. Ngunit hindi iyon nagkaroon ng katuparan sa kay Dea na inaakala niyang
Read more
Chapter 49: THE DOMINO EFFECT
Hindi lang si Prim ang nahihirapan sa sitwasyon lalo’t higit ang triplets. Akala ni Prim at Matthew, ganoon kadaling paghiwalayin ang mga bata dahil gusto nilang makasama ang mga ito. Naaapektuhan ang mga bata sa kanilang pagtutunggali sa isa’t isa ng hindi nila namamalayan.   Matalino ang mga bata at bukas ang isipan nila sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Maaaring tahimik sila at hidni naririnig ang kanilang opinyon pero may gusto rin silang sabihin kung mabibigyan lang sila ng pagkakataon.   Pag-uwi ni Thea sa bahay ay diretso na ito sa kanyang study room. Napabuntung-hininga siya sa tuwing makikitang wala siyang aabutang nakaupo sa dalawang swivel chair. Gusto niyang maiyak pero nagpapakatatag din siya.   “You can do it, Thea. Make Mr. Aragorn proud as you have promised. Yes, I will make him proud of me… of Teo and Matthias,” sabi nito sa sarili.   Saka niya napansin ang video call ng kanilan
Read more
Chapter 50: KNOW THY FATHER
Napansin ni Alfred ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng gate ng mga Rivera. Umalis kaagad ang mga ito at hindi na niya binanggit sa kanyang boss.   “O, bakit tayo huminto?”   “May nakaharang po sa gate. Hintayin po muna nating makaalis.” Paliwanag ng binata sa lalaking medyo may edad na rin.   Paghinto ng sasakyan ay ipinagbukas si Primo ng kanyang mga alalay. Muli niyang binalikan ang kanyang anak. Masyado itong nahabag ng una silang magkita dahil parang wala ito sa sarili.   “Ano bang problema ni Prim? May hindi ba sila pagkakaunawaan ng kanyang boyfriend? Mukha namang mabait ‘yong lalaki ah!” tanong nito sa nakatatandang babae.   Hindi umimik si Joy dahil ayaw nitong banggitin ang tungkol sa mga Aragorn. Gusto niyang manggaling kay Prim ang impormasyon tungkol dito. Kung maililihim nila ang tungkol dito ay ililihim muna niya pansamantala.   “
Read more
PREV
1
...
34567
...
14
DMCA.com Protection Status