Share

Chapter 50: KNOW THY FATHER

Napansin ni Alfred ang dalawang itim na sasakyan sa tapat ng gate ng mga Rivera. Umalis kaagad ang mga ito at hindi na niya binanggit sa kanyang boss.

“O, bakit tayo huminto?”

“May nakaharang po sa gate. Hintayin po muna nating makaalis.” Paliwanag ng binata sa lalaking medyo may edad na rin.

Paghinto ng sasakyan ay ipinagbukas si Primo ng kanyang mga alalay. Muli niyang binalikan ang kanyang anak. Masyado itong nahabag ng una silang magkita dahil parang wala ito sa sarili.

“Ano bang problema ni Prim? May hindi ba sila pagkakaunawaan ng kanyang boyfriend? Mukha namang mabait ‘yong lalaki ah!” tanong nito sa nakatatandang babae.

Hindi umimik si Joy dahil ayaw nitong banggitin ang tungkol sa mga Aragorn. Gusto niyang manggaling kay Prim ang impormasyon tungkol dito. Kung maililihim nila ang tungkol dito ay ililihim muna niya pansamantala.

Bb.Taklesa

Know Primo Severino...

| 1
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status