Semua Bab Into Your Arms Tonight : Bab 11 - Bab 20
201 Bab
Chapter 11- The Sponsor
“CASS, tawag ka ni Ma’am Goza sa office niya,” tawag kay Cassandra ng kasamahan sa trabaho habang abala siya sa harapan ng sariling computer. Bagama’t ang pinaka-focus niya ay ang promotional candidacy about their new branch company ay hindi pa rin niya pinababayaan ang trabaho niya bilang assistant supervisor.“Okay, thank you, Lanie,” tugon niya rito bago nagpasyang tumayo na upang pumunta sa office ni Mrs. Goza.“Do you think she got the proposal sponsor she’s been aiming for?” narinig niyang bulong ni Chell kay Lanie, isa rin sa mga katrabaho nila.“Do you think it’s possible to achieve those?” sarkastikong singit naman ng katabi nilang si Nica.Napatingin ang dalawa rito bago ngumisi nang malapad ang tatlo na animo iisa ang iniisip. “Sa tingin ko pinatawag siya ni Ma’am Goza para bawiin sa kaniya ang ‘participation candidate’ niya
Baca selengkapnya
Chapter 12- Work With Me
DIRETSO ang tingin at hindi kumukurap si Cassandra habang papasok sa office ni CEO Ian Ramos. Pinipilit niyang magpakatatag upang hindi bumigay ang kaniyang kalooban at upang hindi siya magtangkang tumakas sa harapan nito.Samantalang si Ian ay kampante lamang na nakaupo sa sariling swivel chair habang hinihintay na makapasok nang tuluyan ang dalaga sa harapan nito. Walang  mababakasang emosyon ang mukha ng binata.“G-good morning, S-Sir CEO. I’m from B-Brilliant Skin... care Company,” nanginginig ang boses na pakilala ni Cassandra nang tuluyang makalapit sa binata.Alam ng dalaga na hindi lang ang boses niya ang nanginginig ng mga sandaling iyon kundi ang buo niyang katawan. Ramdam niya ang kabog ng kaniyang dibdib na sinabayan pa ng lamig ng aircon ng silid na iyon. Nangatal siya.Tumayo naman si Ian at lumapit sa kaniya. Pagkatapos ay nilampasan siya nito. Napapikit siya nang mari
Baca selengkapnya
Chapter 13- Oh, No, Cassandra!
HANGGANG sa makarating sa kanilang tahanan si Cassandra ay wala pa rin siya sa sarili. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa kaniya sa araw na ito. Ang pagkikita nila ni Ian kanina ay tila isang ilusyon lamang ng kaniyang isipan. Sino ba ang mag-aakalang sa haba ng panahon ay muli silang magkikita ng binata? Laking pagtataka pa ni Cassandra na inalok siya nitong magtrabaho rito. Ang layo sa alaala niya kung paano siya nito balewalain noon. O marahil ay mababa lang ang tingin nito sa kaniya noon dahil sa trabaho niya sa club? Napabuga ng hangin si Cassandra bago nagpasya nang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Ang bahay nilang iyon ay ang dating barung-barong na tinitirhan nila ng kaniyang ina, na hindi naglaon nang makaipon siya ng pera ay pina-renovate niya at pinalakihan. Pinasemento na rin niya ang mga dingding nito at sahig. Pinagawaan pa niya ng dalawang kuwarto para sa kanila ng anak, at ang kabila naman ay sa kaniyang ina.Pagpasok ni Cas
Baca selengkapnya
Chapter 14- Ian To The Rescue?
SAMANTALA, tahimik na umiinom ng rum si Ian sa gilid ng cruise ship habang nakasandal sa railings at nakatanaw sa madilim na karagatan. Nagpunta siya sa lugar na iyon upang mag-unwind at upang makalimot na rin sapagkat maghapong si Cassandra lamang ang umuokupa sa kaniyang isipan.Sa tuwing naiisip niya ang dalaga ay tila nais niyang puntahan ito sa kumpanya kung saan ito nagtatrabaho, ikulong sa kaniyang mga bisig at hagkan hanggang sa makuntento silang pareho.Subalit kailangan niyang magpigil dahil siguradong hindi iyon gugustuhin ng dalaga. Maliban pang alam niyang hindi na siya nito natatandaan pa.Nakadalawang baso na siya ng alak na iniinom nang mapabaling sa mga bagong dating na customer ng cruise ship. Sikat at dinarayo ito lalo na ang ship restaurant and bar ng barko. Madalas siya roon lalo na kung kinakailangan niyang mag-isip at lumanghap ng sariwang hangin na nagmumula pa sa karagatan.Habang
Baca selengkapnya
Chapter 15- What, Are You Crazy?
HINDI  na namalayan ni Cassandra kung ilang minutong magkalapat ang mga labi nila ni Ian. Ang tanging umuokupa sa kaniyang isipan ay ang rumaragasang damdamin na kaytagal niyang tinikis sa mahabang panahon. Ilang beses niyang sinabi sa sarili na wala siyang nararamdaman sa binata at tanging trabaho lamang ang namagitan sa kanila noon. Subalit sa isang halik lamang nito ay agad nalusaw ang pader na iniharang niya sa kaniyang puso at malaya niyang tinanggap ang halik at haplos ng binata. Nang buksan ni Ian ang butones ng suot niyang jeans at ibaba ang zipper niyon ay napahigit ng hininga si Cassandra. Muling naglakbay ang kamay ng binata sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan, kung saan ang hangganan ng bagong karanasan ay muli niyang malalasap at ang ibayong kaligayahan ang tangi niyang mararamdaman. Hindi man aminin ni Cassandra ay inaasam-asam niya ang sandaling iyon. Noong unang may mamagitan sa kanila ng lalaki. Hinahanap-hanap niya ang
Baca selengkapnya
Chapter 16- Plan A, B and C
IBINAGSAK ni Cassandra ang sariling katawan sa sofa nang pagdating niya sa kanilang tahanan. Tila naubos ang lahat ng lakas niya sa katawan sa maghapong pagtatrabaho sa kumpanya ni Ian. Isang linggo na siyang paroo’t parito sa Ramson Electronic at Brilliant Skincare Companya. Nakakapagod ang haba ng biyahe dahil nagco-commute lamang siya. Gayunman ay tila mas napapagod siyang harapin ang binata at ang pasensya niya para dito ay nasa hangganan na. Ginagawa talaga siya nitong alila at inuutusan ng kung ano-anong wala namang saysay na animo ba ay nang-iinis lamang. Subalit ang mas nakakainis ay ang hindi siya makakontra sa gusto at ipinag-uutos nito dahil palaging ipinangba-blackmail ay ang kontratang hindi pa nito pinipirmahan.“Nakakainis!” matinis na tili niya at ilang beses na sumipa sa ere upang maalis lamang ang inis na kaniyang nararamdaman.Pagkatapos ay muli niyang inalala ang isang linggong kalbaryo na natamasa niya mu
Baca selengkapnya
Chapter 17
MULING napatili si Cassandra nang maalala ang kahihiyang naranasan niya nang mahuli sila ng sekretarya ni Ian na si Joanne Galvez o Secretary Jo kung tawagin ng binata.Nang araw na mahuli sila nito ay nakikiramdam siya sa babae kung ano ang magiging tingin nito sa kaniya at kung ipagsasabi ba nito sa mga katrabaho nila roon ang tungkol sa nakita nito sa kanila ni Ian. But as of now naman ay tahimik ito at hindi rin nagbago ang turing nito sa kaniya na panaka-nakang kinakausap siya. Marahil ay dahil may asawa na rin naman ang babae kung kaya naiintindihan nito ang nakita sa kanila ni Ian?Subalit sobrang kahihiyan pa rin ang nadarama niya sa tuwing maaalala niya iyon. Maliban pang hindi mawaglit sa isipan ng dalaga ang namumukol na katigasan ni Ian na marahil ay siguradong hindi ito makapagpipigil kung hindi lang sila naistorbo ni Secretary Jo. Muli siyang napahugot ng hininga habang nakahilata pa rin sa kanilang sofa at nagpapahinga.M
Baca selengkapnya
Chapter 18- Make Out With Me, Please
NATIGAGAL si Cassandra habang nakatitig sa nakangising si Ian sa kaniyang harapan. Alam naman niyang magkikita sila kagaya nga nang napag-usapan nila sa telepono pero hindi sa ganitong sitwasyon kung saan nakasuot siya ng swimsuit at naka-trunks lang ang binata.  “Shit!” mura niya sa sarili saka ipinadyak ang mga paa sa tubig papunta sa gilid ng swimming pool.  “And where the hell are you going?” saad naman ni Ian na mabilis siyang nahablot sa beywang upang pigilan.  Kinabig siya nito palapit dito at nagdikit ang kanilang mga katawan. Naramdaman ng dalaga ang pagkakadaiti ng kanilang mga balat na hindi natatakpan ng maliit nilang saplot. Agad naitukod ni Cassandra ang mga kamay sa d****b ng binata. Nasalat niya ang matigas na muscle nito na nagbigay ng animo bolta-boltaheng kuryente sa kaniyang mga palad. Maliban pang kumikiskis sa kaniyang hita ang matigas na bagay sa harapan ni Ian. May ideya siya kung ano iyon bagama’t pilit niyang i
Baca selengkapnya
Chapter 19- Pagkikita ng Mag-ama
A DREAM like experience. Iyan na yata ang nararanasan ni Cassandra sa piling ni Ian ngayon. Ang nangyari sa kanila sa resort ay hindi pa ang una at huling may namagitan sa kanila. Sa tuwing may pagkakataon ang binata na masolo siya ay hindi niya mapigilan ito sa gustong gawin. Bagama’t ayaw niyang aminin na nasisiyahan din naman siya sa ginagawa nito sa kaniya.Nang nasa resort sila ay pinatawad niya ang binata sa nagawa nitong pambabalewala sa kaniya noon. Dahil lamang sa isang maliit na misunderstanding ay naging masalimuot ang naging umpisa nila ni Ian, subalit ngayon ay may pagkakataon na silang itama iyon.“W-wait, Ian,” awat niya sa binata habang pinupupog siya nito ng halik sa leeg.“What?” nakasimangot namang saad ni Ian na ayaw tumigil sa ginagawa.“We’re in the office, baka makita tayo ni Secretary Jo,” pigil at paalala ng dalaga.N
Baca selengkapnya
Chapter 20- Oh, Are They Siblings?
WALA sa loob na napahawak si Ian sa kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng kirot doon dahil lang sa sinabi ng isang bata na ngayon lamang niya nakita. Marahil ay dahil lumaki rin siyang walang matatawag na ina?Lumaki at nagkaisip si Ian na tanging ang ama lamang ang nag-alaga sa kaniya. Ang kaniyang ina na si Donya Kristina ay maagang pumanaw pagkapanganak pa lamang sa kaniya dahil sa komplikasyon dito. Hindi naman siya sinisisi ng ama sa pagkamatay ng asawa at sa halip pa nga ay muli itong nag-asawa upang mabigyan lamang siya ng matatawag na ina.Subalit sa hindi alam na kadahilanan ay biglang naglaho ang babaeng pinakasalan ni Don Manuel at hindi na ito muli pang nagpakita sa kanila. Limang taon lamang siya nang mawala ito kung kaya hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang naging madrasta noon. At simula nga noon ay hindi na muli pang nag-asawa si Don Manuel.Minsan, no
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
21
DMCA.com Protection Status