All Chapters of Into Your Arms Tonight : Chapter 51 - Chapter 60
201 Chapters
Chapter 51
A few hours ago before Joshua called Ian. Hindi malaman ni Cassandra ang dapat isipin sa sitwasyong kinahaharap niya ngayon. Labis ang kabang kaniyang nadarama habang kinakaladkad siya ng dalawang lalaki na animo tauhan ni Joshua. “A-anong gagawin n’yo sa ‘kin?” nanginginig ang boses niyang kausap sa dalawang lalaki. “Tsk!” iritableng tugon lang sa kaniya ng isa na sinulyapan siya nang bahagya. Samantalang ang isa ay napapailing na animo nanghihinayang. “Pare, sa tingin mo ipapatikim kaya sa ‘tin ito ni boss?” kapagdakan ay bulong nito sa kasamahan nang malapit na sila sa pintuan ng bodega.“Tarantado ka rin pare, malamang hindi. Mukhang malaki ang presyo nito, kutis pa lang pang mayaman na,” mahinang tugon din naman ng isa. “Malay mo naman pare na ipatikim din sa ‘tin ito ni boss pagkatapos niyang pagsawaan,” nakangising muling
Read more
Chapter 52-Lihim ng Resthouse
ILANG sandaling napako sa kinatatayuan si Ian habang nakatulala pa rin sa kawalan. Matagal-tagal na rin ang nakalipas nang putulin ni Joshua ang tawag. Nagbabala pa ito na hihintayin ang balita na napakawalan na niya ang spy na si Carlos. Hindi pa rin maunawaan ni Ian kung bakit interesado ang binata sa property nila sa Pampanga. Wala siyang maalalang importanteng kagamitan ang mayroon doon maliban na lamang sa mga antique collection ng ama. “Damn, damn, damn,” paulit-ulit na mura ni Ian sa sarili. Kaytagal niyang pinamanmanan ang pamilya Alarcon upang maiwasan ang ganitong insidente. Subalit sa nangyayari ngayon ay mas napaglalangan siya ng mga ito.Ilang sandali pa siya sa ganoong tagpo nang maramdaman niyang tahimik na lumapit si Raid sa kaniya. Animo gusto nitong palakasin ang loob niya subalit hindi rin nito alam ang dapat sabihin. Sa halip ay tinapik lang nito ang kaniyang balikat at mahinang pinisil.“I&rs
Read more
Chapter 53- Their Real Goal
Natigilan si Ian sa hindi pagpayag ng amang si Manuel sa hinihiling niyang sundin ang kagustuhan ni Joshua na ipasa sa dati niyang asawang si Stephanie ang property nila sa Pampanga.Bagama’t kahit papaano ay naiintindihan niya ang matanda sapagkat ang resthouse sa Pampanga kung saan sina Manang Bell ang namamahala ay ang pinakalumang ari-arian na nagmula pa sa kalolo-lolohan niya na ipinamana pa sa magulang ng ama na ipinamana naman dito at mamanahin niya sa tamang panahon. Maliban pang maraming memories si Manuel doon noong kabataan nito. Nabanggit pa ng kaniyang ama noon na iyon ang naging loveness nila ng unang asawang si Kristina na ina ni Ian. Tubing Pampangeña rin ang kaniyang ina kung kaya roon nito piniling tumira na sinang-ayunan naman ni Manuel noon. Subalit dahil nga nang ipanganak nito si Ian at hindi nga naglaon ay kinuha rin ito ng Maykapal dahil sa komplikasyon sa panganganak ay muling bumalik si Manuel dito sa Batangas kung saan ito
Read more
Chapter 54- Detective Raid Gonzales
SERYOSONG nagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Raid, a gray Ford Raptor car. Pabalik siya ngayon sa mansyon ni Don Ismael upang imbestigahan kung saan naroroon ngayon si Joshua? Umaasa si Raid na makakakuha ng magandang impormasyon sa matanda. Ilang taon na rin siyang nagtatrabaho roon at masasabi niyang kilala na niya ang bawat tauhan ng don. Maliban pang kabisado na niya ang bawat galaw nito. Ngayon nga ay nasisigurado ni Raid na nasa sariling silid na ang matanda at mahimbing nang nagpapahinga. Huwag lamang magkaroon ng aberya kagaya na lamang na matuklasan nitong nabuko na ng mga Ramos ang ipinadala nitong spy roon. Sapagkat hating-gabi na ngayon ay umaasa ang binata na wala pang alam ang natanda sa mga kaganapan.Ang plano ni Raid ay pasukin ang silid ni Joshua at maghanap ng impormasyon sa maaaring pinuntahan nito. Susubukan din niyang pasukin ang silid ng don dahil maaaring makakuha siya ng clue doon.Bumuga ng hangin si Raid upang alisin ang mga aga
Read more
Chapter 55
ANG lakas ng tibok ng puso ni Raid habang matamang nakikinig kay Don Ismael at kausap nito si Joshua Alarcon.Bagama’t nasa panganib ng mga sandaling iyon ang kaniyang buhay ay nakatagpo siya ng kaunting pag-asa na hindi malalaman niya kung saan naroroon ang pinaghahanap nilang binata.“Tarlac? Why are you doing there? I told you to look my documents!” mainit ang ulong sigaw ni Ismael sa anak sa kabilang linya.Kahit hindi niya naririnig ang tugon ni Joshua sa kabilang linya ng telepono sapagkat hindi iyon naka-loud speaker ay nalaman niyang nasa Tarlac ang binata ngayon.Mabilis na kinalkula ni Raid sa kaniyang isipan ang mga posibilidad nang kinaroroonan nito ngayon. Sa tagal niyang nagtatrabaho sa pamilya Alarcon at ilang taong pagiging undercover dito ay kabisado na ni Raid ang bawat lugar na pinupuntahan ng binata. Maging ang lahat ng properties ng mga ito ay nalagyan na niya ng mark
Read more
Chapter 56: Aphrodisiac Drug
—Five Hours AgoHATING-GABI na subalit gising na gising pa rin ang diwa ni Cassandra. Pinakikiramdaman niya ang tatlong lalaking kasama niya sa lumang bodega na iyon habang nakahiga siya at nakatali sa maruming kama na naroroon. Narinig niya kanina nang kausap ni Joshua si Ian. Gusto niyang magsisisigaw at humingi ng tulong subalit may nakabusal sa kaniyang bibig kung kaya hindi niya magawa iyon, maliban pang pinagbantaan siya ng dalawang lalaking huwah maingay. “Damn it, what did you do?” kapagdakan ay hiyaw ni Joshua sa kabilang kausap nito sa cell phone. “I’ll see what I can do, Dad,” anito pa na animo ang ama ang kausap. Nang maibaba ang sariling cell phone ay hinilot-hilot pa ni Joshua ang sumasakit na sintido sa sunud-sunod na problema.Kanina ay agad ipinaalam ng binata sa ama at bodyguard nito ang tungkol sa spy na nagtatago sa kanilang bahay, si Raid Gonzales. Hinabilinan ng binat
Read more
Chapter 57: You’re Already Hard In Here
NANG makita ni Raid mula sa butas ang nakahubad na dalaga bagama’t hindi niya ito kilala ay nasisigurado niyang ito na nga ang hinahanap nilang hostage ni Joshua Alarcon. Subalit hindi niya makita ang binata kung kaya nag-aalala siyang nagtatago ito at maaaring bitag lamang ang nakikita niya ngayon.Nagpalinga-linga ang binata kung may iba pang nagtatago roon maliban sa dalawang lalaking animo nagbabantay sa nakataling dalaga at sa lalaking may dala ng pagkain ng mga ito na sinundan niya kanina.“Pare, lapag mo na lang ‘yan diyan,” narinig pa niyang utos ng bantay sa bagong dating na hindi ito sinulyapan man lang. Hindi nito maalis ang tingin sa nakahigang dalaga.“Umalis na ba si Señorito Joshua?” kapagdakan ay tanong ng bagong dating na pinanlakihan niya ng mga mata sapagkat nakumpirma niyang ito nga ang pinagtataguan ng mga ito.Mariin niyang naikuyom ang mga k
Read more
Chapter 58: Mapanuksong Dalaga
“P-PLEASE don’t,” walang buhay na tanggi ni Raid sa ginagawa ng dalaga sa kaniya. Nawawalan na siya ng katuwiran sa sarili upang malaman ang tama at mali. Bagama’t alam niyang mali iyon ay lalaki lamang siya, paano niya tatanggihan ang palay na sa kaniya na lumalapit?“What? I thought you like it, honey?” namumungay namang tugon ng dalaga sa kaniya. Halatang half-asleep and half-awake ito at hindi alam ang ginagawa. “Y-yeah, I like it but not like this. You’re still in your not mind,” ang tugon naman niya at hinawakan ang kamay nitong patuloy pa ring naglalaro sa kaniyang alaga. Huminga nang malalim si Raid upang hamigin ang sarili upang makapag-isip siya ng matino sa sitwasyon nila ngayon. Hindi iyon ang dapat niyang unahin sapagkat nasa panganib pa rin ang kanilang buhay kapag may nakahuli sa kanila sa lugar na iyon. Nagpalinga-linga sa paligid si Raid at talagang natan
Read more
Chapter 59: Ang Pagtakas
“ARGH!” daing ni Cassandra nang siya ay nagkakamalay niya dahil sa lamig ng panggabing hangin na tumatama sa kaniyang balat. Sinubukan niyang imulat ang mga mata subalit tanging kadiliman lamang ang naaaninag niya. Maliban pang hindi niya maigalaw ang kaniyang kamay at paa dahil nakatali ang mga ito. “Nasaan ako?” tanong pa niya sa sarili at nagpalinga-linga sa paligid. Hindi niya masigurado kung nasa lumang bodega pa rin siya ng mga sandaling iyon. Sa paghahanap niya ng kasagutan ay napansin niya ang isang nilalang na nakaupo sa may tabi niya habang yakap ang sarili. Napahinto siya sa pagpupumiglas upang hindi siya mapansin nito. Ikinalma rin ng dalaga ang kaniyang puso na mabilis na pumipintig dahil sa kabang nadarama pagkakita sa nilalang na hindi niya kilala. Bagama’t nahihinuha niyang hindi ito ang isa sa mga dalawang lalaki na nagbabantay sa kaniya kanina sa bodega sapagkat magkaiba ng physic ang
Read more
Chapter 60: Huli Na Ba?
NAKITA ni Cassandra ang pag-aalala sa mukha ni Raid nang hindi nito makita ang sasakyan na gagamitin nila upang makatakas sila sa lugar na iyon.“Shit! Shit! Shit!” mahinang mura pa nito na animo hindi inaasahan iyon habang nagpapalinga-linga sa buong paligid.Sobrang dilim pa ng mga oras na iyon dahil napapalibutan pa rin sila ng buong kagubatan at ang liwanag ng buwan ang tanging tanglaw lang nila.Maging si Cassandra ay hindi alam ang lugar na pinagparadahan ni Raid ng sasakyan nito, malapit na kasi sila sa kalsada bagama’t natatandaan niyang dinaanan nila iyon nang dalhin siya ni Joshua roon.Sinubukan din niyang suriin ang paligid. Kahit na may kalayuan ang kinaroroonan nila sa villa ni Joshua ay siguradong pansinin kung may hihinto at paparadang sasakyan doon.Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at nagpasyang lapitan  ang hindi mapak
Read more
PREV
1
...
45678
...
21
DMCA.com Protection Status