All Chapters of Into Your Arms Tonight : Chapter 61 - Chapter 70
201 Chapters
Chapter 61: Isang Halik Sa Mga Labi
SA pakiwari ni Raid ay ilang minutong huminto ang paghinga niya habang animo nag-uunahan sa pagtibok ang kaniyang puso dahil sa labis na tensyon na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kung hindi ba naman kasi kamalas-malasan ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone na tila ba ay nang-aasar at kulang na lang ipagsigawan na ‘Look at me, I am here hiding from you’.Mahigpit niyang hawak ang kaniyang cellphone at bahagyang yumukod upang hindi makita ng lalaking nagtatanong sa cashier ang kaniyang mukha. Bagama’t walang binanggit na pangalan ito kung sino ang hinahanap na babae’t lalaki ay isang daang pursyento na silang dalawa ni Cassandra ang hinahanap at inaabangan ng mga ito.Ang pakiramdam tuloy ni Raid ng mga sandaling iyon ay ang tagal nang oras ang dumaan bago sumagot ang cashier dito. At nang ibuka ng babae ang bibig ay nahigit niya ang hininga at mataman itong pinakinggan kung babanggitin nito at ituturo siya. “
Read more
Chapter 62: Panibagong Suliranin
KASABAY ng malalakas na putok ng baril ay ang panggigilalas ni Cassandra habang mapangahas na sinasakop ng binata ang kaniyang mga labi.Gimbal ang makikita sa kaniyang mga mata habang nalulunod ang tili niya sa lalamunan dahil natatakpan iyon ng mga labi ng binata, kasabay pa niyon ang sunud-sunod na ingay na nagmumula sa baril at mga balang tumatama sa kanila. Maigi na nga lamang na hindi sila napupuruhan dahil nasa likuran sila ng malapad at malaking puno ng narra.Gayunpaman ay ramdam nila ang lakas ng umuulang bala na yumayanig sa punong kanilang pinagtataguan at maging sa paligid nila.Ilang sandaling nawala sa katinuan si Cassandra sa ginagawa sa kaniya ng binata. Oo nga’t malaki ang tiwala niya rito dahil kilala at mismong si Ian ang nag-hire dito, at ito ngang mga nakalipas na araw na  kasama niya ito ay wala itong ginawang masama sa kaniya. Ngunit ngayon ay hindi niya maiwasang hindi mak
Read more
Chapter 63: Call Him, Or I Will Blow Your Head
NAG-UUNAHAN sa pagtibok ang puso ni Ian habang mataman siyang nakatitig sa labas ng kalsada. Kasalukuyan silang nakasakay ngayon sa patrol car habang binabagtas nila ang daan patungong mansyon ng mga Alarcon.Kanina habang nare-report sa kaniya si Superintendent Ruel De Guzman na maingat na nilang binabantayan at sinusundan ang suspect na si Joshua Alarcon upang malaman ang kinaroroonan ng biktimang si Cassandra Alvarez ay muli itong nakatanggap ng balita sa mga tauhan. Base sa report ni Supt. De Guzman sa kaniya, bigla na lamang daw na nagpakita si Joshua sakay ng gray and white Ford na may plakang XXX 1024 sa checkpoint sa Bulacan, Bulacan. Hindi raw ito nakatimbre sa naturang lugar kung kaya walang kaalam-alam ang mga pulis na naka-assign doon na isa ito sa mga suspect na pinaghahanap nila. Subalit dahil over speeding ang lalaki kung kaya mabilis na naitawag ng mga ito sa CCTV monitoring upang masundan ng kanilang patrol car. Hindi ri
Read more
Chapter 64: Kill Him
HINDI nga nagtagal ay nasa tapat na ng mansyon ng mga Alarcon si Ian. Nang ilibot niya ang mga paningin ay nabistahan pa niya ang nakapalibot na armadong mga lalaki sa buong kabahayan. Tila overkill ang ginawa ng mga ito at talaga namang sinakluban siya ng matinding kaba. Hindi siya makapaniwala na may ganitong kakayahan si Joshua.Bagama’t siya na mismo ang nakakita ay hindi pa rin niya kayang paniwalaan na isa sa masasamang tao ang dating kaibigan. Kahit pa nga ba pinutol na niya noon ang pagkakaibigan nila ay hindi pa rin ito tumigil na siya ay kausapin at kumustahin. Palagi rin itong nakangiti at dama niyang concern ito sa kaniya. Maliban pang may maamo itong mukha at nangungusap na mga mata. Smooth talker din ang binata kung kaya madaling mahulog ang loob ng sinumang nakakausap nito. Kung kaya nga nang malaman niya kay Manang Bell na sumama si Cassandra kay Joshua na bago lamang nitong nakikilala ay hindi na siya nagtaka na madali itong pinagkatiwalaan ng dalaga.&n
Read more
Chapter 65: She’s Mine
Chapter 65: She’s MineANG bilis ng mga pangyayari. Nang iangat ng tauhan ni Joshua ang baril nito at itutok sa gawi ni Ian ay napako na lamang siya sa kinatatayuan. Mabuti na nga lamang na mabilis ang pagresponde ng dalawang tauhan ni Raid at mabilis siyang nahila ng mga ito palapit dito habang si Supt. De Guzman naman ay iniharang ang katawan sa harapan niya upang maging human shield ng binata. Hindi niya alam kung bugso lamang ng sitwasyon iyon subalit laking pasasalamat niya sa tatlo na imbes na protektahan ang kani-kanilang sarili ay mas piniling protektahan siya. Samantalang ang isang tauhan ni Supt. De Guzman ay bumunot din ng baril at itinutok kay Joshua. Marahil ay instict iyon sapagkat imbes na sa lalaking gusto silang patayin nito itutok ang sandata ay sa mismong mastermind na may utos na paslangin sila nito itinuon ang pansin, which is si Joshua nga. Subalit ang bodyguard na nasa likuran ni Joshua ay hindi makikitaan ng pagkaalerto
Read more
Chapter 66: Joshua’s Background
Chapter 66: Joshua’s BackgroundHINDI mapigilan ni Joshua ang pagtawa sa determinadong pahayag ni Ian sa kaniya. Maluha-luha pa ang binatang napapahawak sa sariling tiyan sa labis na kasiyahan. Tahimik naman at seryoso ang mukha ni Ian habang nakatingin sa tumatawang binata. Maging ang apat na kasama sa likuran ay nagtataka rin kung ano ang katawa-tawa sa ipinahayag nito kanina. Sa makatuwid ay si Joshua lamang ang nakakaintindi sa nangyayari sa mga sandaling iyon. Makalipas ang ilang sandali ay huminto rin naman siya at muling hinarap ang binata. Pinunasan pa niya ang kaunting luhang pumatak sa mata dahil sa labis na kasiyahan.“You make me laugh there,” masayang turan pa niya rito saka malapad na ngumisi. “Are you sure she’s really yours? Maybe this time, she’s already begging to be violated to my boys,” pamisteryong imporma pa niya rito. Pinagmamasdan niya kung ano ang magiging reaksyon
Read more
Chapter 67: Joshua’s Background 2
Chapter 67: Joshua’s Background 2LIHIM na napangisi si Joshua sa nakikitang pagkabigo sa mukha ng amang si Ismael. Hindi ito makapaniwala na sinuway ni Stephanie habang hindi pa nito nakukuha ang gusto sa mag-amang Ramos. Bagama’t inalis na ni Ismael sa puso ang natitirang affection sa dating kaibigan na si Manuel ay hindi pa rin nito magawang gumamit ng dahas makuha lamang ang mga dokumento na nasa kamay ng dating kaibigan. Ang balak sana ni Ismael ay gamitin ang koneksyon nito at ang itinayong organisasyon upang gipitin si Manuel hanggang sa wala na itong magawa at ibenta dito ang Ramson Electronic Company na dati naman talaga nitong pagmamay-ari. Kagaya na lamang ng ginawa ng dating kaibigan sa ama, kung paano nito nakuha ang Ramson sa mga Alarcon. Isang dahilan pa kung bakit hindi mapatawad ni Ismael si Manuel ay noong palihim nitong bilhin ang kanilang ari-arian ay hindi nito pinalitan ang pangalan ng kumpanya na hangga
Read more
Chapter 68: The Spectacle
Chapter 68: The SpectacleBAHAGYA pang napaangat ng kilay si Joshua sa narinig sa kapatid na si Stephanie. Hindi siya makapaniwala na muling magmamahal si Ian.Nasaksihan ng binata kung paano ito lumayo at iniwasan ang kaniyang kapatid. Noong bagito pa lamang sila ay alam niya kung gaano nito kamahal si Stephanie, subalit isang araw ay bigla na lamang na lumamig ang pakikitungo nito sa kanila. Maging siya ay nagtataka rin noon sa ikinilos nito kung kaya nag-imbestiga siya. Mula sa pagtatanong niya sa mga kasambahay ay isa-isa niyang napagtagni-tagni ang mga pangyayari. Doon niya nalaman na isang beses na palihim itong dumalaw sa kanilang mansyon at sinorpresa ang kapatid. Pinagtakahan ng mga tauhan na bigla na lamang na umalis si Ian na hindi maipinta ang mukha, maliban pang animo nagmamadali ito na tila may tinatakasan. Dahil doon kung kaya inusisa niya si Stephanie kung ano nga ba ang napag-usapan ng mga ito ng kanilang ama? Ipina-elaborate
Read more
Chapter 69
NANG makarating si Joshua sa Pampanga ay marahan niyang itinabi ang sasakyan sa isang gilid na malayo pa sa mismong resthouse ng mga Ramos. Pagkatapos ay bumaba na siya ng sasakyan at nagpasyang maglakad-lakad muna sa paligid nito. Tutal ay maaga pa siyang nakarating doon kaya naman hindi siya nagmamadaling makita ang lover ni Ian.Marahan lang niyang binabagtas ang masukal na daan. Bagama’t maraming puno siyang nakikita ay hindi naman niya masasabing kagubatan na iyon sapagkat halatang sadyang itinanim lang iyon doon.Alam ng binata na mahilig maghalaman si Manong Rene, ang matandang katiwala ng mga Ramos na nakatira doon. Noong maliit pa siya at madalas niyang kalaro si Ian, dahil iyon ang utos ng kaniyang ama, ay nakilala niya ang mag-asawang Rene at Bell na itinuturing nang kapamilya ng mga ito kahit pa nga ba mga katiwala lamang ang dalawang matanda. “Tsk!” pumalatak siya nang bahagay nang muling maalala kung paano niya nasaksihan an
Read more
Chapter 70
“CAN I talk to the caretaker here? I know Manang Bell is currently working here,” kapagdakan ay tanong ni Joshua sa babaeng kaharap upang maiba ang kanilang usapan sapagkat hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kaniyang libido. Ayaw niyang pagsisihan sa huli na magpadalos-dalos at pilitin ang babae sa gusto niya. Siguradong hindi siya masisiyahan sa ganoon.  “Oh, kilala mo si Manang Bell?” manghang bulalas din naman nito. Malapad siyang ngumiti saka ito sinagot, “Yes, I’m one of her children. Magkababata kami ni Ian and Manang Bell was the one who had taking care of us.”Agad naman siyang pinaniwalaan ng dalaga at inutusan ang batang babae na katabi nito na tawagin si Manang Bell. Tinanong pa siya nito kung ano ang pangalan niya. Marahil ay hindi nito narinig ang pagpapakilala niya kanina. “I’m Joshua Alarcon,” muli niyang pagpapakilala rito. Tumango-tango naman
Read more
PREV
1
...
56789
...
21
DMCA.com Protection Status