Share

Changed (Slight SPG)

NAGPATULOY ang pag-uusap namin ni Celine, hanggang sa napunta kay Sean ang usapan na kaagad ko namang ipinaliwanag, maging ang paghingi ni Sean ng paumanhin. Hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan namin. 

"Ikaw? Wala ka bang ikwekwento sakin?" tanong ko kay Celine. Natigilan  siya sa tanong ko at nag-iwas ng tingin. Kinain ako ng kuryusidad sa naging reaksiyon niya, mukhang may itinatago si Celine.

"Celine, diba walang lihiman? Don't tell me, naglilihim ka sakin?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Naglihim pala ako sa kaniya, pero kailangan kong ilihim eh.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mga mata, nabahala ako kaya agad ko siyang niyakap. Bigla siyang humagulhol sa aking balikat. 

Hinagod ko ang kaniyang likod, para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Nang tumigil siya sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya. Kumuha siya ng tissue

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status