Dalawang taon. Nang marinig iyon mula kay Esteban, tila napako sa kinatatayuan si Anna. Para sa kanya, parang ilang saglit lang ang lumipas mula nang huli silang nagkita. Hindi niya inakalang ganoon na pala katagal.“Dalawang taon?” ulit niya, nanlalaki ang mga mata, halatang hindi makapaniwala.“Oo naman. Kung ayaw mong maniwala, tanungin mo pa si Ace,” sabay turo ni Esteban kay Ace na nasa di-kalayuan.Tumango si Ace bilang kumpirmasyon. Ngunit hindi na lumingon pa si Anna. Para sa kanya, sapat na ang salitang binitiwan ni Esteban, hindi na ito kailangan pang patunayan ng iba.“Ano’ng nangyari sa loob ng dalawang taon?” tanong ni Anna, halos pabulong.“Uwi muna tayo,” sagot ni Esteban, sabay hakbang palayo habang buhat-buhat pa rin siya.“Kung gano’n, ibaba mo na ako,” reklamo ni Anna, kahit bahagyang namumula ang pisngi sa hiya.“Hindi pwede. Hindi kita ibababa,” matigas na tugon ni Esteban, parang batang ayaw pakawalan ang paboritong laruan.“Bitawan mo na ako. Nakakahiya, baka ma
Last Updated : 2025-06-10 Read more