All Chapters of Treat Me Right, Misis!: Chapter 41 - Chapter 50
77 Chapters
KABANATA 40
"Isang linggo lang, Delton. Gusto ko lang makita sila Mommy," pilit ko habang pilit sinasabayan ang mabilis niyang lakad papasok sa law firm."It's a no, Savvy. Still a no," matatag niyang pagtanggi.Bagsak ang balikat na tumigil ako sa paglalakad at hinayaan siyang mauna na sa loob ng firm.Hindi ko maiwasang malungkot na tatanggi siya. Kanina pa sa sasakyan, nagalit na siya at talagang ayaw akong pakinggan. Hindi ko maintidihan ang inaakto niya dahil sa pagkaka-alala ko, siya pa ang naghatid sa akin noon sa mansyon. Ngunit ngayon ayaw niya.Nagsalubong ang kilay ko nang hindi man lang siya tumigil sa pagpasok sa elevator, tila hindi nito alintana na wala ako sa tabi niya."Ma'am, pumasok na po kayo. Mainit na po sa labas," ani ng guwardiya sa akin.Bumuntong hininga ako at agad na umiling, "Hindi na po, Kuya. Uhm, magpapahangin lang po muna ako." Ngumiti ako nang maliit bago tumalikod.Bahala na si Delton na maghanap sa akin. Magsis
Read more
KABANATA 41
"Kami na, Ma'am Sage," muling ulit nito.Naitikom ko ang bibig at marahang kinagat ang labi ko upang pigilan ang sarkastikong tawa. Ngunit hindi ako nagwagi. Mahina akong humalakhak na kinakunot ng noo ni Ashley.Tumalim ang tingin nito at nawala ang ngisi sa labi niya."Funny, Dear. Hindi ko naman alam na gusto mo pa lang maging kabit." Naiiling na bigkas ko."You are young, probably wild and free. You all have the chance to look for someone free, someone who is not tied to someone." Mas linapitan ko siya at tinapat ang aking bibig sa kanyang tainga, "Don't go after a married man, Darling," I whispered in  her ear.Nakangisi pa ako nang humiwalay sa kanya habang siya ay nanlilisik ang tinging binibigay sa akin.Marahan kong pinagpagan ang balikat niya at kunwaring sinserong ngumiti, "Just a piece of advice, Ashley, huwag puro landi, gamitin mo rin 'yang utak mo."Tumalikod na ako at humakbang ngunit nagawa pa rin niyang pigilan
Read more
KABANATA 42
"Yaya, please tell me. Ano'ng nangyari kay Mommy at Daddy?" tarantang tanong ko.Walang tigil sa pagkabog ang puso ko nang matahimik si Yaya Nenita. Ramdam ko pa ang palad ni Delton na gustong hapitin ang bewang ko ngunit umiwas ako."Kasi, Ma'am Sage," aniya ngunit hindi naituloy. Rinig ko ang pagkaluslos at iilang bulungan na hindi ko maintindihan.Kasunod doon ay ang mahinang halakhak ni Mommy kaya't nakahinga ako nang maluwag. Muntik pa akong matumba ngunit agad ding nahawakan ni Delton ang bewang ko. Nagkatinginan kami ngunit ako na mismo ang umayos ng tayo at umiwas ng tingin. Tumalikod upang makausap nang maayos si Mommy."Sage, we're alright. Hm, don't worry about us, Dear. We're perfectly fine. We're fine," litanya nito.Nangunot ang noo ko. It's weird. Hindi ko pa sila tinatanong ay may sagot na agad si Mommy."But, Mom—""I told you, Sage. We're alright. Your Dad is doing good, I am doing good," pagpapatuloy nito.
Read more
KABANATA 43
"Huwag kang tatayo. Tatawag ako ng doktor." Inayos nito ang kumot hanggang sa bewang ko bago dinukot ang cellphone mula sa bulsa niya."Huwag na. Tulog pa sila," mahinang ungol ko.Hindi siya nakinig. Nagtipa siya sa kanyang cellphone at tinapat pa iyon sa tainga niya."Magpapahinga lang ako, Delton. Hindi na kailangan iyan," muling pigil ko sa kanya.Hindi niya pa rin ako pinakinggan. Nangunot ang noo niya at namewang pa habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya."Hello—Fuck you, Gustavo!" sigaw niya bago hinitsa ang cellphone sa kama.Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin matapos niya akong sulyapan."Sabi ko sa'yo, walang gising sa oras na ito, Delton."Umupo siya sa kama at inayos muli ang kumot ko."He's awake. He's exercising...with his girl," balewalang big
Read more
KABANATA 44
"Alam mo ba 'to?! Ano, Delton? Alam mo ba 'to?!" asik ko sa kanya at marahas na tinuro ang balita sa telebisyon.Napirmi ang mga labi niya, umigting ang panga at madilim na tinitigan ang T.V screen bago nilapag ang dala niyang buttered chicken sa glass table."I'll call someone to stop the media—""I don't fucking care about the media, Delton! Ang tanong ko ang sagutin mo! Alam mo ito di ba? Mali. Alam na alam mo ito kaya ayaw mong makausap ko si Andress. Di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at namewang na sa harap niya.Hindi siya sumagot, bagkus ay lalong nagngalit ang itsura niya at masamang tinitigan ang telebisyon.Sarkastiko akong tumawa nang hindi siya sumagot."I'm right! My parents probably told you about this already. That's why they don't want me to come home. Kaya rin ba ayaw mo akong hihatid sa mansyon?!"Linapitan ko siya at tinitigan. Marahan siyang tumango, tila nagdalawang isip pa."I just followed orders, S
Read more
KABANATA 45
I stared blankly at the white ceiling. Sa paningin ko ay umiikot iyon na siyang nakakapagpahilo sa akin.Marahan akong bumangon na sapo ang noo. Pumikit nang mariin upang mawala ang pagkahilo. Huminga nang malalim bago muling nagmulat ng mga mata. Sakto iyon sa pagbukas ng pinto at iluwa niyon si Delton na may dalang tray ng pagkain."I made chicken porridge and bring you medicine. Kapag hanggang mamaya ay nahilo ka pa, itatakbo na kita sa ospital," malamig niyang bigkas ngunit hindi niyon naitago ang pag-aalala.Hindi ko siya pinansin. Kahit masakit ang ulo ko ay nasa isipan ko pa rin ang nangyari sa hagdan at kila Mommy."Can we talk properly now, Attorney?" mahinang bigkas ko.Maingat niyang nilapag sa kama ang tray at umupo sa harap ko, hinayaan sa pagitan namin ang tray ng pagkain. Kumibit balikat siya bago sumandok pinili ang manok sa lugaw."I am calm, you can talk to me properly anytime, Savvy. You're the one who is at rage, angry at
Read more
KABANATA 46
"Come again, Attorney?" ulit na tanong ko.Bumuntong hininga ito at muling sinulyapan si Delton bago ako sinagot."Daxton Sullivan. The same man who wants your parents behind bars."I pursed my lips as my blood boiled with the man's name. Napupuno na ako nito at kaunti na lang pasensya ko. Kapag nagtagal ay baka sugurin ko na nang tuluyan sa opisina niya."I think this man has a hidden agenda—" "You weren't sure, Attorney," putol ni Delton kay Attorney Santigao."That was just my conclusion, Attorney Carancho. I'm not saying he planned it both, but he can," makahulugang sagot nito kay Delton.Naningkit ang tingin ko nang magkatinginan sila at tila may ibang pag-uusap sa mga mata nila. Not in a romantic way but a hidden agenda."I want to meet him," malamig kong sambit na kumuha ng kanilang atensyon."What do you mean, Baby?" ani Delton. Napaayos pa ito ng upo.Tinaas ko ang kilay ko, "I want to him thi
Read more
KABANATA 47
"W-hy did you do that?" manghang tanong ko.Hindi ako makapaniwalang inagaw niya sa akin ang cellphone ko kahit na alam niyang kausap ko pa si Yaya Nenita.I saw him tighten his jaw and look angrily at my phone."We're going to eat that's why—""That's not a valid reason, Delton! Ibalik mo ang cellphone ko, kausap ko pa si Yaya," malamig kong tanong.Ngunit madilim niya lang akong tinitigan at walang sabi pang sinuksok ang cellphone ko sa bulsa ng pants niya.Inis kong kinagat ang labi at matalik rin siyang tiningnan."It's about my father, Delton. Please, give me back my phone," mahinahon na bigkas ko.Nilahad ko ang kamay sa harap niya at naghintay ngunit umiling siya."Please, Delton. It's my father we're talking about here. Ni hindi ko alam kung kumusta na sila," hinanakit ko.Ngunit wala pa rin. Nakatitig lang siya at hindi kumikibo at iyon ang hindi ko maintindihan."Not now, Savvy. The foods ar
Read more
KABANATA 48
"Delton, ayoko!"Malakas kong pilit na binabawi ang siko ko mula sa kamay niya ngunit mahigpit ang hawak niya."Delton! Ano ba?! Ayoko! Hindi ako lilipad ng ibang bansa!"Nagpabigat ako upang hindi niya matangay. Ngunit namilog ang mga mata ko matapos niya akong buhatin na lang bigla."Delton—""Will you shut your mouth, Savvy? This is for you," mahina at gigil na bigkas nito.Imbis na matuwa ay bumagsak lang ang luha sa pisngi ko. Ibang buhay ang pinlano ko para sa sarili. Hindi ganito."You're stepping on my human rights, Delton. Attorney ka, pero bakit ganito ka?"I felt him almost release his hold on mine, but he managed to hold me firmly and quickly."What am I, Savvy? I'm just thinking about you—""No! Hindi mo ako iniisip. You are forbidding me to do what I want! Parents ko ang usapan dito, Delton! What kind of Attorney are you?!"Nilakasan ko na ang boses ko. Wala na akong pakialam kahit
Read more
KABANATA 49
Nanatili pa si Delton hanggang kinabukasan ng umaga. Hindi ko magamit ang cellphone kahit pa sinabi niyang tawagan ko ang gusto kong tawagan. Natatakot akong bigla na lang niyang hablutin ang cellphone at itago muli.Hindi ako sanay na kinakabahan sa kung ano ang gagawin ni Delton. Mas sanay akong siya ang kinakabahan sa akin."I don't want to leave you here all alone, but I need to, Savvy. Just one thing I want you to do—call me from time to time."Iyon ang sabi niya habang inaayos ang necktie niya. Tamad akong umupo sa gilid ng kama at nagtaas ng kilay."Attorney ka, dapat busy ka. Isa pa, asikasuhin mo ang problema nila Daddy," maanghang kong bigkas.Tumigil siya sa ginagawa at nag-salubong ang kilay. Humakbang palapit sa akin at bahagyang dinukwang upang maabot ang mga labi ko. Hindi ako gumalaw kahit pa lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Nagtagal iyon ng sampong segundo at noong matanto niyang wala akong balak na halikan siya pabalik
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status