Share

KABANATA 42

"Yaya, please tell me. Ano'ng nangyari kay Mommy at Daddy?" tarantang tanong ko.

Walang tigil sa pagkabog ang puso ko nang matahimik si Yaya Nenita. Ramdam ko pa ang palad ni Delton na gustong hapitin ang bewang ko ngunit umiwas ako.

"Kasi, Ma'am Sage," aniya ngunit hindi naituloy. Rinig ko ang pagkaluslos at iilang bulungan na hindi ko maintindihan.

Kasunod doon ay ang mahinang halakhak ni Mommy kaya't nakahinga ako nang maluwag. Muntik pa akong matumba ngunit agad ding nahawakan ni Delton ang bewang ko. Nagkatinginan kami ngunit ako na mismo ang umayos ng tayo at umiwas ng tingin. Tumalikod upang makausap nang maayos si Mommy.

"Sage, we're alright. Hm, don't worry about us, Dear. We're perfectly fine. We're fine," litanya nito.

Nangunot ang noo ko. It's weird. Hindi ko pa sila tinatanong ay may sagot na agad si Mommy.

"But, Mom—"

"I told you, Sage. We're alright. Your Dad is doing good, I am doing good," pagpapatuloy nito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status