All Chapters of Noted, Akin Ka!: Chapter 21 - Chapter 30
50 Chapters
Chapter 21 
ILANG beses na napalunok si Jornaliza nang pumasok na sila sa suite na ookupahin nila ni Luigi. Kahit sanay silang mag-out of town ni Luigi at nagsasama sila sa iisang silid, hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng nerbiyos. Kung sabagay, natural lang niyang naramdaman ito ngayon. Hindi lang sila mag-bestfriends, mag-asawa na rin sila. Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang sarili dahil parang bigla siyang nangilabot. Para kasing nararamdaman na niyang naglalakbay sa buong katawan niya ang halik at haplos ni Luigi. Damang-dama na rin niya ang mainit na buga ng katawan nito na magiging dahilan para mawala siya sa kanyang katinuan. Tapos ay naalala pa niya ang madalas sabihin sa kanya ng mga babaeng nakakarelasyon ni Luigi, the best daw ito sa kama. Ngayon pa lang ay parang gusto na niyang mapaungol dahil sobra siyang naaapektuhan sa mga naalala niyang usapan ng mga naging babae ni Luigi. Gayunpaman, maya-maya ay naningkit ang kanya
Read more
Chapter 22 
"WHAT will happen next?" Ninenerbiyos na tanong ni Jornaliza nang matapos na siyang mag-shower. Tapos na nga ba siya?Kung dati ay sampung minuto lang ang tinatagal niya sa banyo, ngayon ay sadyang tinagalan niya. Hindi man siya nakasisiguro pero may palagay siyang hindi lang naman pagtulog ang gagawin nila ngayon. Siyempre, hindi na sila mag-bestfriends lang. Kaninang tanghali ay ikinasal na sila ni Luigi kaya magha-honeymoon na sila ngayon. Sobra tuloy siyang ninenerbiyos ngayon dahil hindi siya nakasisiguro kung tama lang bang gawin nila iyon gayung alam nilang hindi pag-ibig ang dahilan kaya mag-asawa sila ngayon. natutop niya ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya'y ang bilis-bilis ng pagkabog noon. Ewan niya kung dahil ba sa nakatakdang mag-goodbye ang virginity niya kaya siya sobran
Read more
Chapter 23
SUNUD-SUNOD ang pagmumura ni Luigi habang nakaupo sa 'trono'. Hindi niya tuloy nagawang i-appreciate ang kagandahan ng cr. Malaki iyon at elegante. Kulay yellow kaya malamig sa mata. Kung hindi lang talaga may pag-aalinlangan siyang nararamdaman sa sitwasyon nila ni Jornaliza ay pinasok na niya ito sa cr at sinabayang maligo. Kaso nga lang, hindi niya tiyak kung hanggang paliligo lang ang magagawa niya ito. Mula pa nu'ng magsabi sa kanya si Jornaliza na gusto nitong matuto sa kanya ng kamanyakan ay parang nag-iba na ang tingin niya rito. Paano kasi, hindi niya akalain na lalabas sa bibig nito ang mga salitang iyon. Bigla rin bumalik sa kanya ang kakaibang pakiramdam na pilit sana niyang nilalabanan nu'ng minsang nag-landing ang kamay nito sa kanyang dyunior. Iyon ang dahilan kaya iniwasan niya ito at nagsimula na naman siyang ibaling ang kanyang atensyon sa ibang babae. Alam niyang mali na manggamit siya ng ibang tao para pagtakpan ang kanyang
Read more
Chapter 24 
"ALAM mong masama sa'yo ang butter at gata, ang dami mo pang kinaing butter chicken at ginataang langka," inis na inis na sabi ni Jornaliza kay Luigi. Kung maaari lang niya itong sakalin, ginawa na niya. Humugot muna siya nang malalim na hininga dahil talagang buwisit na buwisit siya. HiKailangang mapayapa niya ang kanyang emosyon para hindi na siya makapagbulalas pa ng kung anu-anong salita. Ewan lang niya kung bakit ba siya nagagalit, dahil ba sa kumain si Luigi ng bawal o hindi natuloy ang uumpisahan niyang 'kamanyakan'.Shucks, daig pa niya ang binitin ng patiwarik. Lahat kasi ng pag-asam niya na mangyayari ay hindi natupad. Ni hindi man lang lumapat ang labi nito sa kanyang labi. Naisip tuloy niyang bigla, kapag may tsansa ka ng gawin ang isang bagay, huwag ka na magpatumpik-tumpik pa. Maaari kasing pagsisihan mo lang kapag hindi nangyari ang gusto mo.Marahas na paghinga ang kanyang pinawalan.pakiramdam niya kasi'y nagiging oa na siya. "
Read more
Chapter 25
L"HINDI naman mali ang  ginawa natin, di ba?" tanong ni Guada habang pinaglilipat-lipat niya ang tingin sa asawa at balae. Oo nga"t magmula nang isilang sina Luigi at Jornaliza ay pinangarap na niyang maging isang pamilya sila. Siyempre, mangyayari lang iyon kapag nagkatuluyan ang kanilang mga anak. Sobra siyang nagi-guilty ng mga sandaling iyon dahil siya ang nagsabi kay Solomon na nakita niya si Luigi na umakyat sa silid ni Jornaliza. Kahit natural lang iyong ginagawa ng kanyang anak, hindi niya naiwasan ang kiligin. Sa nakalipas na ilang linggo kasi'y nakita niya kung paanong lunurin ni Luigi ang sarili sa pag-inom ng alak at kahit hindi siya magtanong, alam niyang si Jornaliza ang dahilan.  Sa tingin niya ay hindi lang dahil may tampuhan ang mag-bestfriends kaya umiinom ng ganoon si Luigi kundi dahil nagseselos ito sa manliligaw ni Jornaliza na nagngangalang Yael. Ayon pa k
Read more
Chapter 26 
DAPAT sana ay umayos nang upo si Jornaliza para magawa niya nang maayos ang kanyang trabaho. Yes, ikinukunsedera niyang trabaho ang kanyang pagsusulat kahit na hindi pa naman siya regular na nakatatanggap ng sahod doon dahil umaasa rin siyang darating ang araw na makikilala rin siya sa kanyang pagsusulat. Ngunit, sa ngayon ay nagi-enjoy siya sa bisig ni Luigi na nakapulupot sa kanyang katawan. Pakiramdam niya tuloy ay safe na safe siya. Para kasing sa kanilang pagtulog ay handa siya nitong protektahan. A knight in shining armor. Iyon ang tingin niya kay Luigi ng mga sandaling iyon pero pagkaraan ay natigilan siya. Hindi niya kasi akalain na lalabas sa kanyang isipan ang mga salitang iyon. Para ngang mas bumibilis ang pagtipa niya niya dahil dama niya ang init na ibinubuga ng katawan nito kahit malakas naman ang kanilang aircon. "Gising ka?" Tanong sa kanya ni Luigi. Ewan kung naalimpungatan ba ito dahil sa malikot siya
Read more
Chapter 27 
"BREAKFAST is ready."Sa pandinig ni Jornaliza, iyon na ang pinakamalambing ang boses ng isang lalaki kaya kahit gusto pa niyang matulog, parang may nagsasabi sa kanyang 'gising na' at talagang nilabanan pa nito ang kanyang antok. Kaya, pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyang naglaho ang antok na kanyang nadarama. "Magandang Umaga," ngiting-ngiting bati niya kay Luigi. "Whoa! Ang tamis naman ng ngiting iyan."Sasabihin sana niyang OA naman itong masyado pero natigilan siya. Sasabihin sana niyang OA naman itong masyado pero natigilan siya. Nakaharap kasi siya sa tokador na may malaking salamin. Parang pati ang mga mata niya'y nagniningning. Happy ba siya? Tanong niya sa sarili. "Kasi magaling ka na kaya masaya ako," wika niya. Ngunit makaraan ang ilang saglit tinanong niya ang sarili, iyon lang ba ang dahilan?Napabuntunghininga siya dahil pakiramdam niya kahit ilang beses niyang tanungin ang sarili,
Read more
Chapter 28 
‘’SIGURO naman tama na muna ang halik na ýan para may inspirasyon ka sa’ýong pagsusulat,” wiika ng boses sa tapat ng kanyang tenga. What? Tanong ni Jornaliza sa kanyang sarili nang imulat niya ang kanyang mga mata. Para kasing may may kung sinong sumapak sa kanya ng mga sandaling iyon kaya bigla siyang natauhan. Nang imulat nga niya ang kanyang mga mata ay nasalubong din niya ang mga mata ni Luigi. Gayunman, alam niyang hindi naman siya masasaktan nito sa pisikal na paraan ngunit ng mga sandaling iyon ay parang dinudurog ang kanyang puso. Para na kasi siyang idinduyan sa alapaap dahil sa sarap na ibinibigay ng labi nito sa kanya. Hindi na nga rin niya namalayan na naihatid na siya nito sa kama naihiga  at nakadagan na rin sa kanya. Ang inaasahan nga niya ay ta
Read more
Chapter 29
"BAKIT pa tayo nagpakasal kung wala rin namang mangyayari sa atin?" Naghihimutok na sabi ni Jornaliza. Kahit kasi matagal na siyang nakaupo sa kama, hindi pa rin nagsasalita si Luigi kahit ito ang nagsabi na mag-usap sila. Sa palagay nga niya kung hindi pa siya nagsalita ay wala pa rin itong balak na magsalita. Para kasing kontento lang ito sa kanilang pakiramdaman."Gusto mo palang may mangyari na sa atin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luigi. Kumunot tuloy ang noo niya. Hindi ba nito naisip na hindi naman siya magpapahalik dito kung hindi rin niya gusto ang ginawa nito sa kanyang katawan. Sa palagay nga niya, makukontento na lang din siyang nakakulong sa mga bisig nito habang sila ay naghahalikan. Gayunman, hindi naman maaaring makuntento na siya roon. Siyempre naman may iba pa rin siyang gustong mangyari. Hin
Read more
Chapter 30 
"ILANG beses na tayong nakapunta rito nu'ng mga bata tayo't naging teenagers tapos ito pa rin ang napili mong puntahan ngayong honeymoon natin."Honeymoon natin? Gusto sanang itanong ni Jornaliza ng buong kasarkastikuhan ang mga salitang iyon pero itinikom niya ang kanyang bibig. Baka kasi isipin ni Luigi ay gustung-gusto na talaga niyang makipag-lovemaking dito. Hindi ba? Tanong niya sa sarili. Umiling niya. Kailangan din naman niyang maging defensive. Ang dahilan lang naman kaya gusto niyang may mangyari sa kanila ay dahil sa nobelang kanyang sinusulat. Saka, hindi naman masama kung gugustuhin niyang may mangyari sa kanila, mag-asawa na naman sila. Napabuga lang siya sa hangin nang maalala niya ang sinabi ni Luigi bago sila mag-sex. Paibigin
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status