Share

Chapter 21 

ILANG beses na napalunok si Jornaliza nang pumasok na sila sa suite na ookupahin nila ni Luigi. Kahit sanay silang mag-out of town ni Luigi at nagsasama sila sa iisang silid, hindi pa rin niya naiwasan ang makaramdam ng nerbiyos. Kung sabagay, natural lang niyang naramdaman ito ngayon. Hindi lang sila mag-bestfriends, mag-asawa na rin sila. 

Hindi tuloy niya napigilang yakapin ang kanyang sarili dahil parang bigla siyang nangilabot. 

Para kasing nararamdaman na niyang naglalakbay sa buong katawan niya ang halik at haplos ni Luigi. Damang-dama na rin niya ang mainit na buga ng katawan nito na magiging dahilan para mawala siya sa kanyang katinuan. Tapos ay naalala pa niya ang madalas sabihin sa kanya ng mga babaeng nakakarelasyon ni Luigi, the best daw ito sa kama. 

Ngayon pa lang ay parang gusto na niyang mapaungol dahil sobra siyang naaapektuhan sa mga naalala niyang usapan ng mga naging babae ni Luigi. Gayunpaman, maya-maya ay naningkit ang kanya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status