Lucifer's Downfall의 모든 챕터: 챕터 21 - 챕터 30
42 챕터
CHAPTER 20
[RANN] Tahimik lang ang buong bahay nang makauwi kami ni Damon. Halos hindi ako makahinga dahil na rin sa sobrang kapal ng tensyong dala niya sa hangin. Masama na kasi ang naging timpla ng aura niya kaninang natapos ang meeting nila at maging si Mae na sekretarya niya ay naka distansiya na sa kaniya. Maski tuloy ako na asawa niya ay hindi siya nagawang batiin kanina. Hanggang sa biyahe namin pauwi ay hindi siya umiimik. Mahigpit ang naging hawak niya sa manibela at salubong ang kilay na sa daan lang naka focus. Hindi siya kagaya ng dati na makwento o kaya tatanungin ako kung kamusta naman ang naging araw ko. Tahimik lang siya kaya nadadamay ang paligid niya at nakakasakal iyon para sa akin. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng condo at saka pagod na sumapalampak sa sofa ng living room. Dinig ko ang mahihina at pagod niyang mga daing habang minamasahe ang sentido niya. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at saka dumiretso sa kusina para ipaghanda siya ng pampakalma. Nadinig ko sa
더 보기
CHAPTER 21
[DAMON] [3 hours ago] "Mas nagiging tahasan na ang ginagawa nilang pagpasok sa bundok, Damon. Noong nakaraan, may mga dala pa ang iba na pangontra sa mga kagaya nina Gael at Mirai." Umiling si Tanya habang sinasabi ang mga detalye sa akin. Kakatapos lang ng meeting namin ng board at nang makalabas ang mga mortal na empleyado ko sa meeting room ay saka lang nagpakita si Tanya na dala ang mga larawan at impormasyong hinihingi ko mula sa kaniya. Bumuntong hininga muna ako bago nagtaas ng tingin sa kaniya. "Hindi naman ba nila kayo nasaktan o ano? Kamusta sila Gael at Mirai?" tanong ko. Umiling lang siya saka tumikhim muna bago muling nagsalita. "Maayos lang sila. Hindi naman malala ang naging injury nila, although nabigla sila sa naging preparasyon ng mga taga clan, mukhang may idea na sila sa kung anong klase ng mga nilalang ang nagbabantay sa bundok." Dumiin ang pagkakahawak ko sa ballpen at marahas na bumuntong hininga. "Those bastards really are getting into my nerves." Nilingon
더 보기
CHAPTER 22
[RANN] Halos mamura ko ang sarili ko nang magising ako sa gitna ng gabi. Halos wala akong maalala sa kung anong sumunod na nangyari matapos akong gantihan ng halik ni Damon, pero kung pagbabasehan ko ang kalagayan ng katawan ko ay alam ko nang may nangyari na naman sa aming dalawa. Agad kong nahila ang kumot nang may marinig akong mahinang ungol sa tabi ko. Nilingon ko iyon at ramdam kong halos mapatalon na naman ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang natutulog na mukha ni Damin matapos naming magtalik. Noong unang beses kasi ay gumising akong wala siya sa tabi ko. Napangiwi ako ng bahagya nang mapansin kong salubong pa rin ang kilay niya kahit na natutulog lang siya. Bukod sa salubong niyang kilay ay kalmado na ang ibang oarte ng mukha niya. Marahan akong bumalik sa pagkakahiga at masuyong lumapit sa kaniya. Tinititigan ko lang ang mukha niya. "Bakit ang gwapo mo?" Pilya kong tanong habang sa mukha niya pa rin nakatitig. Maya-maya pa ay marah
더 보기
CHAPTER 23
[RANN] Nang sabihin ni Spyru na nagiging busy na si Damon ay hindi ko inakalang magiging ganoon siya ka-busy. Ni hindi na nga siya nakakauwi ng bahay at hindi man lang ako magawang kamustahin, maski ang batiin man lang ako ay hindi niya ginagawa. Inis kong sinaksak ng straw ang inumin ko nang inabot na ito sa akin ni Nathan. "Easy there, alam kong gutom at uhaw ka pero wag ko namang ipahalata na may sa patay gutom ka. Nakaka turn off," komento niya pero lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin. Nakakairita siya, inis sa kaniya ang asawa at bayaw ko, maski si Yohan ay ayaw sa kaniya. Pero hindi naman siya masamang tao, kaya hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang inis nila sa kaniya. "Matunaw ako niyan ah," sita niya dahilan para kusang gumulong ang mga mata ko dahil sa pagka irita. Tumawa lang siya sa tinuran ko at saka ako inayang maupo sa isa sa mga upuan sa loob ng shop. "So? Anong meron? Bukod sa presence ko, ano pang dahilan bakit magkasalubong na naman ang kilay mo?" Sumim
더 보기
CHAPTER 24
[RANN]  Matapos ang ginawa naming panunuod ng mga bituin kanina ay inihatid na rin ako ni Nathan sa unit ni Damon. Tahimik lang akong pumasok ng bahay, marahang naglalakad. Ayokong makagawa ng kahit na anong ingay, baka mamaya ay magising si Tanya, masermunan na naman ako.  Nang mapansin kong tahimik ang buong salas ay bumuntong hininga muna ako bago nagpasyang maglakad nang muli, pero bago pa ako makahakbang ay biglang umilaw ang buong salas. "Ano sa tingin mo ang oras na?" Halos mapatalon ako dahil sa boses na narinig ko, dahan dahan akong umikot at bumaling sa nagsalita muna sa likuran ko.  Halos mapalunok ako nang makita ko si Damon na nakasandal sa pader kung nasaan nakainstall yung switch ng ilaw, nakahalukipkip siya at nakaipit sa braso niya ang librong madalas niyang basahi
더 보기
CHAPTER 25
[RANN]  Halos mapamura ako ng malutong  nang madatnan ko ang sarili kong naka upo sa loob ng pamilyar na café habang kasama sa iisang table si Tanya na malamig lang na nakatitig kina Nathan at Rain na parehong may malawak na ngiti habang nakaupo sa kasalungat na upuan sa table namin.  Walang umiimik sa aming apat at hindi ko gusto ang tensyong nararamdaman ko. Bakit ba kasi nag-aya pa itong si Nathan na magmerienda? At bakit si Tanya ang nasunod noong sinubukan kong tumanggi?  Ako ang asawa ng Master niya hindi ba? Dapat ako ang nasusunod, pero hindi. Tang*na lang naman oo.  "Ahmm e-eto na po yung order ninyo," kinakabahang saad nung waitress at saka nanginginig pang inilapag ang mga inorder namin. "E-enjo
더 보기
CHAPTER 26
[RANN]  Dilim…  inikot ko ang paningin ko upang obserbahan ang paligid ko. Madilim ito at tanging ang mga ilaw lang ng kandila na nasa bawat pader ang nagsisilbing liwanag na nakikita ko sa paligid. Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto namin ni Damon.  Sinubukan kong tumayo mula sa kung ano mang hinihigaan ko pero hindi ko magawa. Agad akong napalingon sa mga kamay at paa ko, nakatali ito at pawa bang sinadya ang pagkakahigpit nito para hindi ako makawala. Sinubukan kong magpumiglas, pero walang nangyayari. "D-Damon…" tawag ko sa pangalan ng asawa ko, hindi ko alam kung bakit siya ang unang pumasok sa isip ko, pero alam kong siya ang kailangan ko ngayon.  Nakaramdam ako ng pres
더 보기
CHAPTER 27
[TANYA]  Mataman kong tinitigan ang note na iniwan ni Rann sa ref. Pansin kong napapadalas na ang pag-alis alis niya sa bahay nang maging "busy" na sila Master. Bumuntong hininga na lang ako saka naglakad papasok ng silid ko, pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ay nadatnan ko ang sarili kong nasa loob nang muli ng mansion. Inikot ko ang paningin ko, tahimik ang buong lugar at hindi ko maramdaman ang presensya nina Gael.  Tahimik kong tinahak ang pasilyo ng mansion patungo sa ikatlong palapag, sa silid kung saan hindi maaring pumasok ang kung sino lang maliban sa magkapatid na Donovan. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng sagot.  "Ano ang kailangan mo, Gaia?" Yumuko muna ako, tanda ng pag galang bago ko hinarap si Spyru na siyabg lumabas mula sa silid. "Kamusta siya?" tanong
더 보기
CHAPTER 28
[RANN] "Pakiramdam ko dumidistansiya na siya sa akin," anunsyo ko pero tinaasan lang ako ng kilay ng lalaking kausap ko at saka nagpatuloy na sa pag kain ng tinapay niya. Agad naman akong napanguso sa naging reaksyon niya. "Ano ba Nathan, sabi mo pakikinggan mo ang kwento ko? Bakit parang mas importante pa iyang pagkain mo kesa sa akin?" Dinig ko pa ang pag buntong hininga niya bago niya itinuon sa akin ang atensyon niya. "Alam mo kasi, sinabi ko lang iyon out of concern, pero yung araw-arawin mo naman ang pakikipag kita sa akin para lang ilabas lahat ng hinaing mo sa asawa mo aba, ibang usapan na yan." Itinaas niya ang hintuturo niya sa harap ko at saka umiling iling pa. "Respeto naman, ako kasama mo tapos asawa mo iniisip mo?" Agad na nagsalubong ang kilay ko at saka ko sinipa ang binti niya sa ilalim ng mesa. Agad naman siyang napadaing dahil dito pero hindi ko iyon pinansin at mabilis kong hinila ang ilong niya. "Makikinig ka ba o hindi?" Inis na tanong ko. Tinaas niya ang par
더 보기
CHAPTER 29
[RANN] Nakatitig lang ako sa ibinigay na papel sa akin ni Nathan, nandito ako ngayon sa hospital kung saan niya ako dinala nang mawalan ako ng malay sa shop. Nakaupo ako sa kama habang si Nathan naman ay nakatayo lang sa gilid ng silid, nakasandal sa pader habang nakahalukipkip pa at masama ang tingin sa taong nakaupo sa tabi ng kama kung saan ako nakaupo ngayon. Mataman akong tinignan ng taong nasa tabi ko ngayon, ramdam ko iyon pero sa papel lang ako nakatingin. Hindi ko pa kayang harapin ang mga mata niya, lalo na kapag naaalala ko ang mga pangyayaring nakita ko bago ako nawalan ng malay. Seryoso lang siyang nakaupo roon, walang imik na lumalabas sa bibig niya, pero alam kong sa akin lang siya nakatitig. Ramdam ko iyon. "What do you think you're doing, Rann Donovan?" Halos mapapitlag ako dahil sa talim ng tono niya, pero nanatili lang na sa papel ang tingin ko. Hindi na ako umiimik. Ayoko munang magsalita. "How many times do I have to tell you to stay away from that man?" si
더 보기
이전
12345
DMCA.com Protection Status