Share

CHAPTER 22

[RANN]

Halos mamura ko ang sarili ko nang magising ako sa gitna ng gabi. Halos wala akong maalala sa kung anong sumunod na nangyari matapos akong gantihan ng halik ni Damon, pero kung pagbabasehan ko ang kalagayan ng katawan ko ay alam ko nang may nangyari na naman sa aming dalawa.

Agad kong nahila ang kumot nang may marinig akong mahinang ungol sa tabi ko. Nilingon ko iyon at ramdam kong halos mapatalon na naman ang puso ko dahil sa nakikita ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang natutulog na mukha ni Damin matapos naming magtalik. Noong unang beses kasi ay gumising akong wala siya sa tabi ko.

Napangiwi ako ng bahagya nang mapansin kong salubong pa rin ang kilay niya kahit na natutulog lang siya. Bukod sa salubong niyang kilay ay kalmado na ang ibang oarte ng mukha niya. Marahan akong bumalik sa pagkakahiga at masuyong lumapit sa kaniya. Tinititigan ko lang ang mukha niya.

"Bakit ang gwapo mo?" Pilya kong tanong habang sa mukha niya pa rin nakatitig. Maya-maya pa ay marah
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status