All Chapters of Taming My Husband: Chapter 51 - Chapter 60
73 Chapters
Chapter 43: Ladies' Room
NAPABALIKWAS SI DAPHNE ng bangon nang marinig ang boses ni Max. Nasa pintuan ito. Kalahati ng katawan lang nito ang nakalitaw. "Maligo ka na. Darating na ang mag-aayos sa 'yo. Bilisan mo dahil mahalaga ang oras kay Fredrik at sa mga tao dito." Nakatanga lang siya dito kaya nainis si Max. "Oh, c'mon, Daph! Paano tayo matatapos kung hindi ka sumusunod!" Napalunok siya sa biglang pagtaas ng boses nito. "Maliligo naman ako, maghintay ka lang," aniya at tumayo. Naghila siya ng towel sa kabinet. Kompleto naman ang gamit doon. "Ano? Manonood ka?" aniya nang lingunin niya. Mabilis namang tumalima si Max na umalis sa pintuan at isinara iyon. Napasandal siya sa pader. Maliligo naman talaga siya. Nasa kasarapan lang siya ng pag-iisip kaya hindi siya nakasagot agad dito. May plano naman ng nabubuo sa isipan niya. Kailangan niyang magpakabait sa mga taong nandito, lalo na kay Frederik na 'yon. Mabilis na iginiya niya ang sarili sa banyo at naligo. Malamig kasi, kaya talagang binilisan niya. S
Read more
Chapter 44: Her Savior
“WHAT TOOK YOU so long?” bulong sa kan’ya ni Frederik pagbalik niya. “Am I that long?” “Yeah.” Titig na titig ito sa kan’ya kaya nilambutan niya ang ekspresyon ng mukha niya. Buti na lang tinawag ito ng kakilala kaya nabaling ang atensyon ng kasama doon.Inilinga niya at tingin at hinanap ang asawa pero hindi niya ito matanaw. Hindi niya maiwasang kabahan sa mga sinabi nito. Paano nga kasi siya nito maliligtas kung laging nasa paligid niya si Frederik at mga tauhan nito?Napatingin siya sa stage nang marinig ang pangalan ng ama.Bakit ito ang tinawag sa gitna? Party ba ito ng kompanya nito?Sumabay siya sa madla nang magpalakpakan ang mga ito.Bumati ang ama sa mga taong naroon nang tumigil sa pagpalakpak ang madla. Hindi rin niya naintindihan ang sinabi nito mayamaya pero nagngitian ang mga naroon maliban sa katabi niyang nakasimangot.Hindi niya maiwasang ngumiti rin kapagkuwan nang sumilay sa ama ang magandang ngiti. Hindi niya alam kung sadya bang tumingin ito sa kan’ya o napada
Read more
Chapter 45: I love you
BIGLANG INIT NG ulo ni Daphne nang makita ang lalaking iyon. Nagmadaling lumabas siya ng silid, hindi para salubungin ang ama, kung hindi ang kasama nito. May lakas pa talaga ng loob itong pumasok sa teritoryo nila!‘Wag sabihin ng ama na nagpapaniwala ito kay Max? Paano kung padala ito ng Edvard na ‘yon? Wala naman siyang habol sa kompanya, ang kan’ya lang ayaw niyang mawala ito sa ama. Matagal na panahon nitong prinotektahan ang kompanya tapos mapupunta lang sa Edvard na ‘yon?“Anong ginagawa mo dito?!” malakas na pagkakasabi niya na ikinatingin ng ama sa kan’ya, maging ng mga tauhan nito.Kay Max niya ipinako ang tingin habang naglalakad papalapit dito.Nanggalaiti siya nang ngitian siya nito ng matamis, na para bang walang problema, na para bang walang nangyari.“Walanghiya ka! Matapos mo akong kidnapin tapos nandito ka!”Hindi ito pumalag nang bayuhin niya sa dibdib. Nakatunghay lang din ang ama niya. Hindi rin lumalaban o pigilan siya ni Max. At nang mapagod, tumigil din siya.
Read more
Chapter 46: Max
“MAMA.” NAPATITIG ANG ina ni Daphne sa kan'ya. Hindi man lang kumurap. Wala siyang mabasa sa ina habang nakatitig ito sa kan’ya. ‘Yong tipong parang hindi sila nito kilala. Walang emosyon ding tumingin ito sa ama niya, maging sa kapatid niyang si Max. Ibinalik ng ina ang tingin nito sa tinatahing damit. “Naliligaw yata kayo ng bahay.” Ngumiti pa siya pero sa tinatahi nito ito nakatingin. “Pakisara na lang ng pintuan paglabas niyo. Dahan-dahan lang, baka magising si Daphne.” Tumingin sa higaan nito. May manikang nakahiga doon. ‘Yon yata ang tinutukoy nitong Daphne, imbes na siya. Napalabi siya sa narinig. Siya pa rin ang iniisip ng ina. Ayaw niyang isipin, pero mukhang iba yata ang epekto ng ginawa ng mga ito sa ina niya. Kung nasa tamang pag-iisip ito, maglalaro ba ito ng manika? Nagpatuloy lang ang ina sa pagtatahi. “F*ck!” mahinang sabi ni Max. Nag-humming rin ito kapagkuwan. Familiar sa kan’ya. Iyon ang lagi nitong kinakanta noon sa kan’ya noong bata pa siya. “M-Mama,” ani
Read more
Chapter 47: Palawan
“BABY! SAAN KA pupunta?” Hinabol siya ng asawa.“Bitawan mo nga ako, BK! Kailangan malaman ito ni Papa! Pinagkatiwalaan namin si Max pero ganito ang isusukli niya? Tinanggap siya ng buo ni Mama nang pumunta siya sa bahay. Pero bakit ganito ang isiniukli niya? Bakit?” Bigla siyang nanghina matapos sabihin iyon. Buti na lang nasalo siya ng asawa. Kaagad na lumingkis ang mga kamay nito sa beywang niya.“Ssshhh… Hindi ko rin alam, baby.” Hinagod pa nito ang likod niya. Bumitaw din ang asawa sa kan’ya at hinarap siya ng maayos. “Pero kailangan nating mag-isip ng maayos. ‘Wag tayong padalos-dalos. Nakakulong lang ang Uncle mo at si Frederik, pero alam kong marami pang mata ang mga ‘yon. Hindi rin tayo sigurado kung si Max nga talaga ‘yon. Kung siya man, kailangan din nating malaman kung bakit niya ginawa iyon sa inyo. Pero kami na ang bahala. Ako na rin ang kakausap sa Papa mo nang hindi nalalaman ni Max. Magpahinga ka na muna. I-a-update na lang kita sa lahat. Pangako.” Hinagod nito kapagk
Read more
Chapter 48: Her Mom
“NA-MISS KITA, BK,” anas niya nang maramdaman ang paggapang ng labi ng asawa sa tainga niya. Nakaramdam siya ng kiliti hanggang sa kailalimlaliman ng kaibuturan niya na nagdulot ng kilig.“So am I. So damn much. Hindi ka nawala sa sistema ko. Hinahanap-hanap kita. Ang yakap mo, halik. Lahat, baby,” bulong ng asawa na ikinakagat niya ng labi. “Masaya ako at nakabalik ka na sa akin.”Hindi na hinayaan ng asawa na sumagot siya. Mapusok na hinalikan ulit siya nito sa labi sabay hila ng tali ng roba niya. Masuyo din nitong hinubad iyon. Nakasuot siya ng nighties noon. Wala naman na siyang madalang pantulog dahil mukhang pinalitan ng asawa ang mga gamit niya ng mga daring.“F*ck!” Sabay sapo ng dibdib niya. Napasandal tuloy siya sa railing ng balcony. Kumapit ang magkabilaang kamay niya sa railing at napaliyad na din dahil sa naging epekto ng kamay ng asawa sa dibdib niyang nightes lang ang nakatakip.Napababa siya ng tingin nang ilabas ng asawa sa suot ang dibdib niya. Malalim kasi ang ne
Read more
Chapter 49: Sandhya
HINDI MAIWASANG LINGUNIN ni Daphne ang asawa at ang ina kasama ang dalagang doktor. Siya ang dapat na nasa lugar ng huli, pero heto hinayaan niya para sa kaligayahan ng ina. Pero bakit parang ayaw siyang makita ng ina? May ginawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Litong-lito tuloy siya. Ano ba kasi talaga ang nangyari habang nasa Norway siya?Napakagat siya ng labi.Nilisan niya ang lugar na iyon at tinungo ang dalampasigan. Safe naman yatang maglakad-lakad dahil pribado ang lugar na ito. Naupo siya sa batuhan. Isinandal din niya ang likod sa bato. Matagal siyang nakatanaw sa dalampasigang binabayo ng alon. Tanging ‘yon lang ang naririnig niya ng mga sandaling iyon, medyo malayo na kasi siya sa mga cabin.Wala siyang iniisip kung hindi ang ina. Kung kailan okay na siya at nakabalik na, dumagdag naman ang isipin niya dito. Isa pa si Max. Akala niya, totoo na ang lahat na ipinakita nito, ‘yon pala, hindi. Pero ano nga ba ang motibo nito? Kung kayaman ng ama nila, sige magpapaubaya siy
Read more
Chapter 50: BK's POV
“MAHIRAP HULIHIN ANG daga kapag malawak.” Si Paul. “I agree,” segunda ni Rixi. “Kaya, tama lang na nasa isla sila.” ani naman ni Kevin. Mataman siyang nakinig lang sa mga kaibigan. Kuha na niya kung bakit dinala ang Mama ni Daphne sa isla. Wala naman silang kalaban-laban sa mga tauhan ng mga Madrid. “Bukas ang dating ni Max, tama ba?” Si Sadboy na kararating lang galing ng banyo. Napasimsim siya ng alak nang marinig ang pangalan ni Max. Napakuyom siya ng kamao. “Akala ko, nasa tamang pag-iisip si Max. Hindi ko akalaing magagawa niya ang lahat ng ito. Ang tagal din nating nakasama, at okay naman, tapos may hidden agenda pala. Ang hirap pala maging mayaman, ano? Buti na lang mahirap kami? Walang pag-aagawan, kaguwapuhan ko lang,” ani ni Sadboy na natatawa. Nailing na lang sila ni Rixi. Pero si Paul, binato niya ng unan si Sadboy. Minsan talaga mahangin ang kaibigan niyang ito. Kahit siya hindi rin siya makapaniwala. Ilang beses na niyang nakasama si Max sa misyon noon. Hindi pa
Read more
Chapter 51: Max
PINALIS NI DAPHNE ang mga kamay ng asawa sa bewang niya nang makapasok sila sa loob. Naupo siya sa sofa at sinundan ng tingin ang asawa. Hindi nito alam kung paano magsalita. Kahit sa mga kilos nito, gano'n din, hindi mapakali. "Anong ginagawa niya rito?" "Baby," "Anong ginagawa ng doktorang 'yon dito?" "H-hindi ko alam, kasama niya si Kevin." Napakunot siya ng noo nang makita ang tatlong kopita sa mini-bar. "Hindi mo alam ang ginawa nila dito?" Nagkibit lang ang asawa ng balikat kaya nakaramdam siya ng inis. "Eh, anong tawag mo doon?" Nginuso niya ang kinaroroon ng mini-bar. Napalunok ito at alanganing ngumiti. "Si Kevin ang nagyaya kay Sandhya diyan, baby," depensa nito. Napailing siya dito. "Ang obvious mo, BK. Yeah, naiinis ako kapag may babaing lumalapit sa 'yo, kaya pakatandaan mo 'yan." Tumayo siya at tinungo ang silid nila. Hindi niya maramdaman ang pagsunod nito kaya nilingon niya ito. "Matutulog ka, o hindi?" Nataranta ito bigla. "I'm coming, baby. Off ko lang
Read more
Chapter 52: The Culprit
“MAX!” tawag niya sa kapatid na pasakay na noon ng chopper.Lumingon sa kan’ya ang kapatid. Halata pa rin ang inis sa mukha nito.“‘Wag ka ng sumunod sa akin, Daphne. Hindi mo naman ako kailangan. Makinig ka na lang sa mga taong gusto mong pakinggan at paniwalaan.”Napapikit siya. “I’m sorry, okay?”Luminga siya. Si Max at ang piloto lang yata ang naroon. “Mag-usap muna tayo. ‘Yong tayong dalawa lang.”Napahilot ito sa sintido nito. “For what? Hindi mo naman ako papaniwalaan.”“Sorry na nga. Makikinig na ako sa ‘yo ngayon. Basta maging honest ka lang. Okay?” seryosong sabi niya sa kapatid.Matagal bago tumango ang kapatid sa kan’ya. "Okay."Iginiya siya ng kapatid sa dalampasigan ulit. Wala raw makakarinig ng usapan nila doon. Naupo sila sa buhangin, parehas na nakaharap sa may dalampasigan.“Wala ka ba talagang kinalaman sa nangyari kay Mama?” Siya na ang unang nagbukas ng usapan.“I swear, Daph. I hacked the file, and I saw it too. That face… the built… Parehas kami.” Nalungkot ito
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status