Semua Bab Talking To A Specter: Bab 61 - Bab 70
82 Bab
Chapter 61
Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog, marahil ay dahil namamahay ako. Humarap ako sa aking tagiliran kung saan makikita ang bintana at ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad doon si Tenshi. Konti na lang ay aatakihin na ako ng puso dahil sa kaniya.Dahan-dahan akong umupo sa kama at saka pinagmasdan si Am-Am kung tulog na ba siya at nang makumpirma na tulog na ito ay dali-dali naman akong tumayo at binuksan ang sliding door."Tenshi," bulong na tawag ko sa kaniya."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa."Binabantayan ka," sagot nito."Sana naman ipaalam mo muna 'yan. Muntik na ako himatayin dahil sa iyo kanina, e," pagbibiro ko ngunit nawala ang ngiti sa labi ko matapos makita ang seryoso niyang mukha."Sige na. Matulog ka na," wika niya.Sunod-sunod naman akong umiling at saka lumapit sa may railings pero dahan-dahan lang dahil basa pa rin ang sahig ng veranda. Kanina pa pala tumila ang ulan.Pinagmasdan ko ang magandang view mula rito at napangiti naman ako nang maki
Baca selengkapnya
Chapter 62
Napanganga naman ako dahil sa gulat. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya pero base sa inaakto niya, hindi sila bagay ni Am-Am dahil kakawawain lang siya ng babaeng ito."Kapal naman ng mukha mo." Napatingin ako sa pinto ng elevator nang bumukas ulit ito at binungad si Zy. Matalim ang titig na binibigay niya sa babaeng katabi ko.Akala ko kanina pa kami nakaakyat..."FYI, kahit kailan hindi magiging tipo ni Amadeus ang isang tulad mo 'tsaka tinigilan mo nga 'yang pagbanggit ng pangalan niya," dagdag pa ni Zy, "magtrabaho ka na kung ayaw mong patalsikin kita rito."Nakita ko pa ang pagsama niya ng paningin kay Zy bago lumabas ng elevator. Dali-dali naman pumasok si Zy at saka sinara ito."Don't trust that girl," she murmured.Tumango na lang ako at saka hinintay na makarating sa 8th floor.Pagbukas ng elevator ay nagulat ako dahil bumungad sa amin si Am-Am. Nang magtama ang aming paningin ay dali-dali niya akong hinila at saka yinakap nang mahigpit."Dàmn, I thought I lost you
Baca selengkapnya
Chapter 63
Mabilis kinuha ng mga guards ang babae at nang mapalabas na ang iba pang tao sa hotel room namin ay mabilis na nilapitan ni Zy si Amadeus at saka hinawakan sa kaniyang balikat."Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Huy! Magsalita ka naman, oh," sunod-sunod na tanong nito at halata mo pa sa boses ang pag-aalala.Nagmukha tuloy akong third weel sa kanila dahil hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin ang kumot na nakatakip sa katawan ni Am-Am.Nang maka-recover sa nangyari ay mabilis na tumingin sa akin si Am-Am."Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo? Nasugatan ka ba?" sunod-sunod na tanong naman sa akin nito.Nagdalawang isip naman ako bago sagutin ang tanong niya dahil pareho silang nakatingin sa akin ni Zy at hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Am-Am ang mga tanong niya at tila ba hangin lang siya sa paligid namin.Awkward naman akong tumango. "Wala namang masakit sa akin," pagsisinungaling ko dahil nasaktan ako sa pagsuntok ng mukha ng babaeng iyon.Mukhang bakal yata ang
Baca selengkapnya
Chapter 64
Gusto ko siyang batukan. Halatang 'di marunong makiramdam, e'. Halata naman na may gusto sa kaniya si Zy o sadyang echosera lang talaga ako?"Sige. Mag-ingat kayo," anito at saka ngumiti sa amin.Tumango na lang ako at saka hinayaan na magpahila kay Am-Am. Nang makarating kami sa parking lot ay agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya ngunit hindi naman gano'n kasakit."Aray!""Ikaw talaga! Hindi ka ba marunong makiramdam?" tanong ko sa kaniya."What?!" He looked at me with his innocent eyes. I just rolled my eyes to him."Anong 'what'?! Napakamanhid mo naman," ani ko."She's just my friend and I am just her friend... that's it," he murmured.Nagkibit-balikat na lang ako bago nagpasiya na pumasok sa kotse.Natigilan ako sa pagsusuot ng seatbelt nang mapansin na tila ibang sasakyan na ito."Hindi naman 'to 'yong sasakyan na ginamit mo kahapon, ah?" takang tanong ko sa kaniya."Nasiraan tayo ng sasakyan kahapon. Sasakyan 'to ng kaibigan ko na sumundo sa atin kahapon," paliwanag niya.
Baca selengkapnya
Chapter 65
Agad din naman akong pumasok dahil baka mapagalitan pa ako ni Mama."May nangyari ba?" excited na tanong ni Ate.Naguguluhan naman akong tumingin sa kaniya."Huh?" tanong ko.Napakamot naman siya sa kaniyang batok."Ay, wala ba?" tila na dismaya na aniya."Ate, magkaibigan lang kami ni Am-Am, okay?" wika ko sa rito.Dahan-dahan siyang ngumisi at saka taas-kilay na tumingin sa akin na mas lalo kong pinagtaka."Wala naman akong sinabi kung sino ang tinutukoy ko, ah?" ika niya habang may mga pang-aasar sa labi.Napanguso na lang ako dahil alam kong ako lang din naman ang maasar."Sige na. Papahinga na lang muna ako," ani ko."Bakit ka naman napagod?" tanong naman agad ni Mama."Hindi ako nakatulog nang maayos, Ma," paliwanag ko sa kanila ngunit mukhang maling salita yata ang sinabi ko dahil lahat sila ay may pagdududa na sa mga mata at hindi pa mawawala ang ngisi sa labi."Bakit? Ano bang nangyari?" tanong naman ni Kuya."Nagpuyat kami—""O to the M to the G! May mabubuo kaya? Saan ba pi
Baca selengkapnya
Chapter 66: Wild...
Silas' POV:Nang makalabas siya sa kuwarto ay roon na tuluyan na nagbagsakan ang aking mga luha.F*ck! I thought ghost can't feel anything? I thought they couldn't feel anything even the pain but why? Why I felt like being tortured by her words?I know she didn't mean it, but it still hurts. Nang makaalis si Averill ay tila nalungkot ako dahil hindi man lang niya nagawang magpaalam sa akin at tila nagmamadali pa siya sa pag-alis.Agad pumasok sa kuwarto si Seya at saka nginitian ako."Good morning," bati nito sa akin."Good morning too," ani ko."Why is there something wrong?" she asked. Siguro ay napansin din niyang hindi gano'n kaganda ang pakiramdam ko ngayon."Nothing." I smiled at her."Nasaan si Tita Vivi?" tanong nito ss akin."Umalis kasama 'yong lalaking pumunta rito kahapon," sagot ko sa kaniya."Oh, iyon pala ang pinag-usapan nila kahapon..." dagdag pa niya, "so, Kuya Am-Am is with her, huh?""Why?" tanong ko dahil tila hindi siya agree roon."Nothing. I just felt that Ku
Baca selengkapnya
Chapter 67
Dahil sa nangyari ay hindi na ako nakabalik sa pagtulog kaya ang kinalabasan ay itim na itim ang ilalim ng mata ko dahil sa eyebags.Pareho kaming nasa sofa ni Silas pero hindi nagpapansinan. Malayo rin ang agwat namin sa isa't isa dahil sa pagkakagulat.Why did I said that to him?! Am I pervert...?Nagkatitigan kaming dalawa nang may kumatok sa pinto. Pinakiramdaman namin ang isa't isa kung sino ang unang tatayo.Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpasiya na buksan ang pinto pero nagulat ako dahil saktong pagtayo ko ay ang pagtayo rin niya. Lalo tuloy naging awkward ang hangin ngayon dito sa kuwarto.Sinenyasan niya naman ako na ako na ang magbukas ng pinto kaya tumango naman ako at saka dali-dali na binuksan ang pinto.Gaya ng inaasahan ay si Seya ang bumungad dito na halata mong kagigising lang dahil may tuyong laway pa sa labi."Good morning," bati niya sa akin."Good morning too," bati ko rin dito."Can I come in?" she asked."Sure!" I opened widely the door and let her in
Baca selengkapnya
Chapter 68
Napapikit naman ako at saka napatakip ng tainga. Napalabas naman sina Mama at Ate na nasa kusina."Anong nangyari sa iyo?" natatawang tanong ni Ate nang makita ang damit ni Kuya na basang-basa ng kape."Sige, tawanan mo pa," sarkastikong saad ni Kuya at halata mo pa rin ang pagkagalit."Sorry na nga Kuya, eh," wika ko."Bumaba ka rito at ihahagis ko rin sa iyo 'tong walis tambo," singhal niya.Napasimangot naman ako at saka dahan-dahan na bumaba. Mukhang wala na akong takas, ah? Hawak-hawak ba naman niya ang walis at kaunti na lang ay baliin na ito dahil sa galit.Pagbaba ko ay nagulat ako dahil wala man lang paalam na hinagis niya nga ito sa akin. Mabuti na lang at nasalo ko ito kaagad dahil kung hindi ay tatama ito sa plorera ni Mama at pareho pa kaming malilintikan."Sira na umaga ko dahil sa walis tambo na 'yan. Bwisit!" ika niya at saka umakyat sa taas.Nang mawala siya sa paningin namin ay nagkatitigan naman kami ni Ate at saka sabay na tumawa. Nag-apir pa kaming dalawa ngunit
Baca selengkapnya
Chapter 69
Naligo ako at saka nagbihis ng pang alis. Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Mama na maghahanap ng trabaho."Bumalik ka bago maghapon, ha," paalala sa akin ni Ate."Opo," sagot ko at saka nagsimula nang maglakad.Hindi naman ako puwedeng mag-tricycle dahil baka may malagpasan ako na banner na naghahanap ng mga empleyado.Hindi pa man ako nakakarating sa bayan ay napangiti naman ako matapos makita ang isang banner na naghahanap sila ng panadera.Hindi naman ako magaling sa pag-bake pero alam ko naman kung paano gumawa ng cookies."Hello po," bati ko sa nagbabantay sa tindahan."Anong bibilhin mo?" tanong nito."Ay, hindi po ako bibili. Gusto ko lang po sana itanong kung naghahanap pa rin po ba kayo ng panadera?" tanong ko at saka tinuro ang banner na nasa labas ng tindahan nila."Sorry, neng, pero nakahanap na kami kani-kanina lang," saad nito.Napatango-tango naman ako. "Gano'n po ba? Sige po. Maraming salamat."Tumango na lang ito at bago pa ako tuluyang makaalis sa tindahan ay pinakati
Baca selengkapnya
Chapter 70
"40,000 per month," sagot niya. Nanlaki ulit ang mga mata ko at hindi na napigilan pa ang bibig na bumuka. "Seryoso ka ba?! Ang laki, huy," saad ko. "Kaya nga pag-isipan mo nang mabuti dahil kun'di ay maghahanap ako ng ib—" "Oo na! Sige na. Payag na ako maging manager ng hotel mo," sagot ko. Natawa naman siya dahil sa aking naging reaksyon. Hindi naman siguro halata na mukha akong pera, 'di ba? Nangangailangan lang talaga. "Hindi pa tapos ang pagpapagawa sa hotel. Isang buwan pa bago matapos, payag ka ba na maghintay ng isang buwan?" tanong niya. "Oo naman. Kung nakakapaghintay ang pera, e 'di gagawa ako ng paraan para makapaghintay rin," sagot. "Bakit ka naman gagawa ng paraan?" nagtatakang tanong nito. "Duh! Mukha akong pera," pagbibiro ko. Napaili
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
456789
DMCA.com Protection Status