“Backout? H-Hindi, ah! Tumabi ka nga riyan!”Itinulak ko ulit si Kleinder, and this time, hindi na siya lumaban pa. Pinakawalan na rin niya ako at hinayaang umupo sa sofa, medyo malayo sa kan’ya.Sobrang ramdam ko ang pagpapawis ng noo ko. Ang awkward namin as of now, pero hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko.Bakit ba kasi talaga siya nandito? Talaga bang nag-aalala siya?At talaga bang naniniwala ako sa excuse na ‘yon? Paano kung paraan niya lang talaga ‘to para sabihin na kahit anong gawin ko, mas mataas siya sa akin?He managed to find my address, though. Hindi naman ‘yon imposible sa kan’ya dahil na rin sa agwat ng posisyon naming dalawa.“Hindi lang maganda ang pakiramdam ko kaya hindi ako pumasok, saka gusto kong magpahinga. That’s why I took the weekend off,” pagpapaliwanag ko na lang, at wala rin akong ideya kung bakit nga ba ako nag-e-explain.“So, if iyon lang talaga ang dahilan mo, maybe dahil superior kita at kailangan mo rin kumustahin ang mga empleyado mo kahit papaa
閱讀更多