Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Legal Wife: Kabanata 11 - Kabanata 20
101 Kabanata
Kabanata 6.1
“Sa ballpen mo nanaman ibinubuhos ang galit mo. May nangyari nanaman ba?” nag-aalalang tanong ni Aurora, humugot ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko lang talaga makalimutan ang pag-uusap naming yun. Parang biglang nawala ang dating kilala kong Blaze, para siyang ibang iba sa pinakasalan kong Blaze noon.“Tell me, what happened?”“Wala naman, mga bagay lang na tungkol sa trabaho. Hindi ko alam na ganun pala talaga siya kasama. Hindi ko lang inaasahan.” Naupo siya sa tapat ko at seryoso akong tiningnan bago siya bumuntong hininga.“Kung ganun, hindi mo pa nga gaanong kilala ang dati mong asawa kahit na matagal kayong nagsama o maaaring nagbago siya simula ng mawala ka.”“Nagbago? Hindi imposible pero kung talagang minahal niya ako dati pa hindi niya ako magagawang lokohin at sa Ate ko pa? Wala na akong pakialam kung anong relasyon nilang dalawa sa nakalipas na taon panigurado namang naging masaya sila.” Muli akong humarap sa laptop ko at sa mga papel na pinapatapos niya sa akin.
Magbasa pa
Kabanata 6.2
“Ano bang problema mo sakin? Lagi ka na lang kontrabida.” Here we go again, bakit ba masyado niyang pinepersonal bawat meeting kapag may itinatama sa kaniya.“It’s look like na hindi mo pinaghandaan ang report mo Ms. Camilla. Sayo ba talaga yan? Sigurado ka bang ikaw ang gumawa niyan?” diretso kong tanong, hindi ako pwedeng magkamali dahil ang nirereport niya ngayon ay tugmang tugma sa nawawala kong gawa. Masyado ka na palang marumi maglaro Camilla. “Ms. Camilla hindi dahil sa pinagdududahan ko ang gawa mo. Dahil kung masyado mong pinaghandaan ang lahat, alam mo kung anong ibig kong sabihin. Tama ba?” dagdag ko pa. Nanlilisik na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa kamay niya ay mahigpit na ang hawak niya sa remote ng projector.“Alam ko, sino ba sa tingin mo si Blaze Del Valle? Sa tingin mo wala siyang control sa Del Valle’s Group, siya lang naman ang nag-iisang anak ng Chairman.”“Here we go again with your connections Ms. Camilla. Hindi ba tayo makakatayo
Magbasa pa
Kabanata 7.1
Abala ako sa pagtratrabaho ko ng may pumasok sa loob ng office ko. Blangko ko namang tiningnan si Blaze na salubong na salubong ang kilay.“What do you want? Tell me and name your price. Just get out in my company.” Nginisian ko naman siya, iyan pa rin ba ang iniisip niya hanggang ngayon?“Maliwanag kong sinabi sayo na hindi ako nabibili ng pera mo.”“Ano bang kailangan mo sa kompanya ko? Bakit ka pa ba nagpunta rito?”“Simple lang, kailangan ko ng trabaho. Umuwi ako rito dahil dito rin naman ang bansa ko.”“Pwes, I don’t need you here! Wala akong pakialam kung kailangan mo ng trabaho ang kailangan ko ay ang umalis ka sa kompanya ko.” may diin niyang aniya, nagtiim ang bagang ko sa mga naririnig ko. Hindi ko akalain na mas masahol pa pala siya sa iniisip ko. Hindi ko nakita ang side niyang ito noong mag-asawa pa lang kaming dalawa o sadyang wala lang akong alam sa mga ginagawa niya sa mga empleyado niya noon. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may na
Magbasa pa
Kabanata 7.2
“Kung ganun alam mo na nga, kinseng tao ang nasa parte ng nagcollapse sa building, ang iba ay nasa harapan at ang iba naman ay nasa ilalim ng mga puno kalapit nun kaya kaunti lang ang nasugatan. Anim ang patay habang nasa hospital naman ang iba. Ang alam ko ay sa iba ibang hospital sila dinala, ano sa tingin mo ang dahilan?”“Wala naman ng ibang dahilan eh, umiiwas sila sa media. Hangga’t kaya nilang iwasan gagawin nila pero kung sakaling buong building ang nagcollapse at maraming nasaktan, hindi naman sila dun makakatakas sa media. Pinag-aralan mo na ang Del Valle’s Group ganun na rin ang mga sakop niyang mga negosyo. Malaki ang DV Group at kayang pagalawin ang lahat gamit ang pera nila.” Sagot ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa ko.“Ganun ba kasama ang asawa mo?”“Hindi ko alam, iba ang pagkakakilala ko sa kaniya noon sa ngayon kaya hindi ko alam. Kung ano ang nakikita natin, iyun siguro siya na hindi ko man lang napansin noon.”“Ibang klase, so anong plano mo?”“I am going to be
Magbasa pa
Kabanata 8.1
Hindi ko hahayaang matanggal ang pagkakakunot ng noo mo, tandaan mo yan. Mas gusto kong palaging salubong ang mga kilay mo dahil sa mga iniisip mong problema. Wala ka talagang puso Blaze, isa palang demonyo ang napangasawa ko. Mabuti na lamang at hindi pa naging huli sa akin ang lahat.“Mom, can I play outside? Kasama ko po si Nanny.” Napatingin ako sa anak ko, sinenyasan ko naman siyang lumapit sa akin saka ko siya pinaupo sa pagitan ng mga binti ko saka ko siya niyakap patalikod.Kung marami man akong pinagsisisihan ko noong nakaraan ko, ang pagkakaroon ko ng anak ang hinding hindi ko pagsisisihan. Siya ang pinakamagandang bunga ng mapait kong nakaraan.“Are you okay, Mommy?”“Hmmm, of course. I just want to hug you dahil aalis nanaman ako mamaya.”“Please take a rest kahit minsan po. Mommyla told me that you are doing this for me, for my future. Mom, I don’t want you to see like this, if you are doing this for me then I don’t like it kung ang kapalit ay ang pagod mo.” napangiti na
Magbasa pa
Kabanata 8.2
Sa mga gawain ko umikot ang buong maghapon ko ngayon. Hindi na ako lumabas ng opisina dahil gusto kong makapagpahinga sa bunganga ni Camilla. Sa tingin ko kailangan ko ng punuin ng pamalit kong damit ang cabinet ko rito dahil sa kaniya. Magugulat ka na lang dahil may bubuhos na lang sayo.Kinabukasan, pansin ko ang pagiging aligaga ni Aaron. Kahit saan ko siya makasalubong ay palagi siyang nagmamadali. Ano bang problema nito at madaling madali sa buhay?Pumasok na ako ng office ko at naabutan ko naman dun si Sabrina na abalang may tinitingnan sa mga papel na hawak niya.“Siya nga pala, maganda ang pagkakapresent ng Uy Group sa ibinigay mong design at gustong gusto iyun ng mga kliyente ni Blaze. Malalaman natin mamaya kung anong kompanya ang pipiliin ng mga ito. Isa rin itong malaking project. Ang alam ko ay magpapatayo sila ng isang luxurious hotel at resort sa Boracay. Yung design ng isang building na ibinigay mo sa kanila, kakaiba, talagang maganda, samahan mo pa ng mabubulaklak na
Magbasa pa
Kabanata 9.1
Inisa-isa ko lahat ng mga disenyo ko, naayos ko naman na ito lahat kaya puntahan na lang ang mga kliyente ang kailangan.“Nasa cafeteria pa ang mga kliyente. Maghintay ka na lang dito at ako na ang bahala sa kanila. Hindi ka ba muna kakain para naman may lakas ka?”“Hindi na, mamaya na lang. Kailangan kong makuha ito.”“You can, kung ang disenyo mo ngang ibinigay mo sa Uy Group nagustuhan nila eh yan pa kayang mas pinakaganda mong design. The Beatrice I know? Walang hindi kayang gawin.” Kindat niyang saad kaya natawa na lang ako sa kaniya. Lumabas naman na siya ng office ko para puntahan ang mga kliyente.Gusto kong patunayan sayo Blaze na may taong kaya kang talunin, na hindi sa lahat ng oras ikaw ang palaging aangat. Kailangan mong tumanggap ng pagkakamali minsan dahil hindi ka laging tama. Ganito ka na ba talaga dati pa? Ilang taon din naman tayong nagsamang dalawa but I never saw that side of yours. Puro kabutihan ang nakikita ko at palagi ka pang ipinagmamalaki ng Lolo mo sa laha
Magbasa pa
Kabanata 9.2
May mga idinagdag pang paliwanag si Blaze sa gawa niya at nakinig na lang ako sa kanilang lahat dahil ang karamihan na pinag-usapan na nila ay kung kailan uumpisahan.Makalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na rin ang mga kliyente namin at tanging kaming tatlo na lang ang naiwan dito.“Now, narealized kong hindi ka nga lang basta-basta Ms. Beatrice. Pagpasensyahan mo na ako sa mga nasabi ko sayo nitong mga nakaraang araw. Sana ay makapagsimula tayo ng mas maganda pang relasyon. You’re really a good in this field, naniniwala akong kaya mo ngang gawin ang 6 months na sinabi mo noon sa conference.” Nginitian ko na lang siya at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. “Please take care of her Blaze, she’s a gem in our company.”“Sobra naman po sa gem Mr. Chairman ginawa ko lang po kung anong trabaho ko.” sagot ko na.“Thank you Ms. Beatrice. Oh, before I forgot sana ay makasama ka sa family dinner namin mamaya. Aasahan kita ron.” Anas niya saka nagpaalam na, magsasalita pa sana ako tungkol sa
Magbasa pa
Kabanata 10.1
Mabilis kong pinalis ang mga lumandas na luha sa pisngi ko. They don’t deserve my tears, naubos ko na lahat ng mga luha ko noon pa. Mapait akong napangiti sa salamin, may mas isasakit pa pala sa mga nalaman ko. Dapat pala nagresearch na muna ako sa mga taong nasa nakaraan ko bago ako nagtungo rito para naman hindi ganito na masyado akong nagugulat.They have a son at halos kasing edad lang siya ni Ethan. Kung ganun, una pa lang niloloko na nila akong dalawa. Hindi ko na kailangan ng ibang patunay para patunayan kong si Ate Camilla nga ang kasama niya noong mga panahong yun. Sapat ng ebidensya sa akin ang anak nila.Binuksan ko ang faucet at naghilamos, hindi mo dapat ipinapakitang naaapektuhan ka Beatrice. Patay na si Eilish kaya hindi mo na kailangang maging mahina sa harapan nilang lahat. Kompleto sila, masaya at parang buong buong pamilya pa rin.Muli kong inayos ang mukha ko at ngumiti sa harapan ng salamin. Masakit ang lokohin ka ng asawa mo pero mas masakit pala kung yung panlol
Magbasa pa
Kabanata 10.2
“Let’s not talk about it, Camilla. Let’s go.” “No! For heaven sake Blaze. Anim na taon ng patay si Eilish pero bakit bukambibig pa rin siya ng Mommy mo? Hanggang ngayon pa rin ba hindi pa niya ako tanggap?” ibig sabihin, si Mommy Chin lang ang hindi makalimot sakin? Nakakatuwa naman, sarili kong pamilya ayaw na akong maalala. “Bakit ba masyadong big deal sayo kapag nababanggit ang pangalan ni Eilish, Camilla? Normal lang na hindi makalimutan ni Mommy si Eilish dahil may pinagsamahan din naman silang dalawa. Kung umasta ka parang hindi mo kapatid si Eilish, magalit ka kung ibang babae na ang gusto ni Mommy.” “Pero iba na kasi ngayon Blaze, ako na ang asawa mo at hindi na si Eilish.” Ang sarap nilang panoorin, nag-aaway ng dahil lang sa pangalan ko. Ayos yun ah, akala ko kinalimutan na talaga nila ang pangalang yun, nag-eexist pa rin pala sa kanila hanggang ngayon. Bakit nga ba ang big deal kay Camilla kapag nabanggit ang pangalan ko? Gusto niya na talagang burahin ako sa buhay nilang
Magbasa pa
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status