All Chapters of The Billionaire's Legal Wife: Chapter 31 - Chapter 40
101 Chapters
Kabanata 16.1
Blangko lang akong nakatingin kay Blaze na pinipigilan ang galit niya. Nakasandal lang ako sa upuan ko habang bahagya kong pinapaikot ang swivel chair ko. Kanina pa kami rito sa conference room at pare-pareho kaming tahimik ngayon dahil nakatalikod samin si Blaze habang kinakalma niya ang sarili niya.Bawal siyang mastress ng mastress pero hindi niya mapigilan lalo na ang sumigaw at magalit. Napapangisi na lang ako dito sa gilid habang siya problemadong problemado. Namnamin mo ang hirap ng buhay Blaze, nagiging madali sayo lahat kasi may nakaalalay lang sa likod mo. Ngayong maging ang Chairman ay nawawalan na ng tiwala sayo mahihirapan ka na dahil hindi lang kompanya mo ang dapat mong isipin kundi pati ang kung paano mo maibabalik ang buong tiwala sayo ng Lolo mo.Nilalaro ko lang sa daliri ko ang hawak hawak kong ball pen habang tahimik pa rin si Blaze at palihim na humuhugot ng malalim na buntong hininga. Itinatago niya ang panic disorder niya, I don’t know if Camilla knows this.Ni
Read more
Kabanata 16.2
Bilang magulang, pinakamasakit ang hindi mo maibigay ang kagustuhan ng anak mo, ang matagal niyang inaasam-asam pero hindi ko siya kukulangin sa pag-aalaga at pagmamahal para kung sakali mang malaman niya na ang lahat ng nangyari sa pamilya namin, hindi na siya maghahangad ng pagmamahal mula sa ama niya dahil naging sapat na ako sa kaniya.“Sabihan mo lang ako kung kailan mo ulit ako balak na pakilusin. Kaya mo naman ang mga trabaho rito?”“Oo naman, kaya ko naman. Bakit? May gagawin ka ba?”“Uuwi sana ako ng probinsya namin. Magtetext na lang ako sayo kapag may schedule kang meeting. Uuwi rin ako next week.” Pagpapaalam niya, kaya ko naman ang mga trabaho ko rito.“Sure, no problem. You deserve a rest naman dahil hindi rin biro ang mga ginagawa mo para bigyan ng problema si Blaze.”“Thanks, mauna na ako sayo. Tapusin ko lang mga trabaho ko then uuwi na rin ako later.” Tinanguan ko na lang siya. Lumabas na rin siya ng office ko, hinarap ko na rin ang mga papeles na ‘to. Masyado na ito
Read more
Kabanata 17.1
Napainat na lang ako nang matapos ko ang ipinapagawa ni Blaze. Hayup din kung magpagawa rin yun eh no? Inayos ko na ang mga papeles saka inilagay sa isang folder saka ko ipinasok sa envelope. Sinipat ko ang relo ko at 7:26pm pa lang naman. Nandito pa kaya ang lalaking yun? Para naman dito ko na lang ibigay sa kaniya. Matapos kong ayusin ang opisina ko ay lumabas na ako saka ako nagtungo sa office ni Blaze. Nakailang katok na ako dun pero walang sumasagot baka nakauwi na o may pinuntahan pa. Hindi na lang kasi hinintay eh. Napapatingin na lang ako sa paligid pero parang ako na lang ang natitira rito sa kompanya. Mabuti na lamang at may ilaw pa ang bawat daraanan ko dahil kung wala papatayin ko talaga ang Blaze na yun sa takot! Napapahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga, hindi ako takot sa kung anong sinasabi nilang ligaw na kaluluwa o mga nakatira sa isang kompanya, wala akong pakialam sa kanila pero magkakamatayan kapag may pumatay ng ilaw. Nakarating ako ng parking lot
Read more
Kabanata 17.2
“Is she doing it again? Oh damn!” mahina niya ng saad sa dulo dahil katabi niya ang anak niya. Kunot noo lang akong nakatingin sa kanilang dalawa ni Mommy. Ano ang ginagawa nanaman ni Camilla? Akala ko ba ay mahalaga sa kaniya ang pamilyang ito pero bakit anong ginagawa niya? “Okay lang naman iho na iwan niya sakin ang bata baka may ginawa lang talaga siya.” “I don’t want to hear it anymore. Let her be, may sarili na siyang buhay.” Tila pagod niya ng saad, bahagyang napataas ang kilay ko sa tono ng boses ni Blaze. Mukhang may hindi pagkakaintindihang talaga silang dalawa. Gandang balita naman. Napatingin ako kay Khian at napabuntong hininga. Anak ang kaawa kapag nagkataon. Tita loves you Khian and I’m sorry if I want to ruin your family. Unti-unti naman na yatang nasisira at patawarin mo ako kung mas gusto kong tuluyang sirain ang pamilya mo. I love you Khian, I really do but I’m sorry. “Dito na lang ho matutulog si Khian. Thank you, Ma.” Pag-uusap pa nilang dalawa. Masayang masaya
Read more
Kabanata 18.1
Binabasa ko ang ibinigay sa akin ni Sabrina. Nagiging okay naman ang financial ng kompanya pero hindi ko akalain na may mga tiwaling opisyal din dito sa kompanya. Mas malaki ang epekto ng ginagawa ni Sabrina para bigyan ng problema si Blaze pero hindi ko akalain na may mas dadagdag pa dahil sa mga corrupt na nasa itaas ng kompanya. Mukhang umaayon sa akin ang lahat pero kapag palaging ganito mapapabilis ang pagbagsak ni Blaze. Gusto kong namnamin niya ang bawat sakit ng problema, yung tipong hindi na siya makatulog ng maayos sa gabi. Bakit ba nakikisabay ang mga ito, pinapabilis nila masyado ang bawat plano ko. Kapag nangyari yun, sila na ang nagpabagsak kay Blaze at hindi na ako. Ano bang dapat kong gawin sa kanila? “Nakita mo na ba kung sino-sino ang mga nasa listahan na gustong pabagsakin si Blaze?” tanong ni Sabrina. Tumango naman ako sa kaniya. “Silang lima talaga? Sigurado ka bang silang lahat na ang nandito? Pakiramdam ko kasi may kasama pa sila. Sigurado akong isa sa mga pi
Read more
Kabanata 18.2
“Aasahan kita iha. Oh siya, ipagpatuloy mo na lang ang trabaho mo. Pasensya ka na kung nakaabala ako.” “Wala po yun, Chairman.” Tumayo naman ako saka bahagyang yumuko bago siya umalis. Bumalik na ulit ako sa pagkakaupo ng tuluyan na nga siyang nakalabas. Birthday niya bukas kaya kailangan kong maghanda ng maibibigay sa kaniyang munting regalo. Dumagdag pa sa isipin ko ang bagay na yun, nakakahiya namang pupunta ako ron ng wala man lang dala para sa kaniya. Mahilig sa sports ang Chairman at paniguradong lahat ng mga mamahaling gamit ay nasa kaniya na kaya ano bang magandang regalo sa isang katulad niya? Nahilot ko na lang ang sintido ko, masakit na sa brain ang pag-iisip. Inalis ko na lang muna yun sa isipan ko, hindi naman siguro required na may dala kang regalo bago ka makapasok. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko ba mapapatunayan ang mga kasalanan ng mga pangalan na ibinigay sakin ni Sabrina. Huwag muna sila sumingit sa mga plano ko dahil baka sila pa ang makasira
Read more
Kabanata 19.1
Tinapos ko na ang lahat ng mga gawain ko saka ko ibinigay kay Blaze. Mabuti na lang din at hindi nagtatagpo ang landas namin ni Camilla dahil wala akong ganang makipagtalo sa kaniya ngayon baka masabunutan ko lang ang buhok niya ng wala sa oras.Matapos kong maihatid lahat ng mga papeles sa office ni Blaze ay isinandal ko ang likod ko sa upuan ko at mariing ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ko ba mapapasaya ang anak ko, kung paano ko maibibigay sa kaniya ang gusto niya. I don’t want him to meet his father. Gusto ko na lang ng mamuhay ng mapayapa ng kaming dalawa lang.Minsan lang naman akong magiging makasarili, ngayon lang naman. I’m sorry anak, okay naman na sayo ang Daddy Jayson mo eh. You don’t need your real father.Nagising na lang ako ng tumunog ang cell phone ko. Napaayos ako ng upo dahil hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nakakapagod din naman kasi ang mga ipinapagawa sakin ng lalaking yun eh. Tiningnan ko ang oras ko at alas singko nanaman pala.Ha
Read more
Kabanata 19.2
“Beatrice, kanina pa kita hinahanap. Ang akala ko ay hindi ka na talaga darating.” Napatingin ako kay Chairman na bagong dating sa pwesto namin. Tumayo naman ako at nakipagkamay sa kaniya.“Happy birthday, Chairman. And I have a gift for you also, sana ay magustuhan mo. Hindi ko po kasi alam ang ibibigay ko sayo lalo na at hindi ko alam ang mga hilig mo.” wika ko kahit na saulong-saulo ko na lahat ng mga sports na gusto niya. Kinuha ko sa ilalim ng lamesa ang dala-dala ko, blangko lang namang nakatingin samin si Blaze. Hindi mo alam kung boring na siya sa party o sadyang ganiyan lang talaga siya.Nakaupo na kaming lahat at nakatingin kay Chairman. Napatingin din ako kay Camilla na nakamasid lang hindi kalayuan samin. Nanlilisik nanaman ang mga mata niyang nakatingin sakin, ang init talaga ng dugo niya sakin.Tinanggal naman na ni Chairman ang pagkakabalot ng regalo ko at nakatingin lang kami sa kaniya.“Nakukuryoso talaga ako rito sa regalo mo iha, ano ba ito?” natatawa niyang saad ha
Read more
Kabanata 20.1
Lumapit na sa aming tatlo si Chairman habang nananatiling nakatayo sila Mommy Chin at sila Mommy malapit sa pintuan. Napatingin din ako sa Daddy ni Blaze na bagong pasok lang.“What is happening here?” may diing tanong ni Chairman, nilingon naman ako ni Camilla at itinuro.“Ang magaling niyong empleyado ay kinakalantari ang asawa ko!”“Camilla!” saway sa kaniya ni Blaze pero inirapan lang siya ni Camilla. Hindi ko akalain na sa mga simpleng bagay lang nagkakagulo silang lahat. Sige lang Camilla, sagarin mo pa sila sa ugali mo. Ni minsan, hindi ko sila isinangkot sa mga ganitong uri ng gulo ang pamilya niya. Ang pinakaayaw ni Chairman sa babae ay isang trouble maker.“Bakit?! Ako nanaman ang mali dito ha?! Ikaw na nga itong may kasalanan sakin ikaw pa ang may ganang magalit? Bakit hindi mo pagsabihin iyang kunwari ay magaling mong empleyado pero yun pala, mang-aagaw ng asawa!”“Camilla!!” galit na ring sigaw ni Chairman para pigilan na siya pero hilaw lang na tumawa si Camilla at dahan
Read more
Kabanata 20.2
“Yes, sa kaniya ko naramdaman na magkaroon ng anak na babae. Nagseselos pa noon sa kaniya si Blaze dahil parang mas anak pa raw ang ituring ko kay Eilish kesa sa kaniya na anak ko talaga.” Nangingiti niyang pagkwekwento. Ikaw din ang tumayong mga magulang ko Mommy Chin. I’m happy that you’re my mother-in-law. Nagulat na lang siya sakin ng bigla ko siyang yakapin. Rinig ko pa ang pagbungisngis niya. “Alam kong mahal na mahal ka rin po ni Eilish dahil sa pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam mo sa kaniya kahit wala na siya. At alam ko rin pong hindi natutuwa si Eilish na nalulungkot po kayo. Mabilis po kayang nakakatanda kapag palagi kang malungkot. Please, always wear your sweetest smile.” Saad ko, naramdaman ko na rin ang pagyakap niya sakin pabalik. “Kaunti na lang talaga iisipin kong ipinadala ka sakin ni Eilish. Kung magsalita ka parang siya.” anas niya, because this is me Mommy Chin. Ako ito but I need to hide my true identity. Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sa kaniya
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status